Ang ating atay ang pangalawa sa pinakamalaking organ ng ating katawan; ang balat ang pinakamalaki. Higit pa sa pagiging mapula-pulang organ na nakatago sa kaibuturan ng katawan, ito ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit tayo nabubuhay. Atay ang gumaganap ng iba’t ibang function upang matiyak na tayo ay malusog at walang sakit. Napakahalaga ng atay para sa ating kaligtasan. Sa palagay mo ba ay posibleng mamuhay ng walang atay o mamuhay na kalahati lang ang atay?
Bago tayo dumiretso sa kung posible bang mamuhay nang may kalahating atay, alamin natin ang ilang unknown facts tungkol sa mahalagang organ na ito ng tao.
Pamumuhay na may Kalahati ng Atay: Mga Pangunahing Kaalaman
Makikita sa kanang bahagi ng abdominal cavity mo ang atay. Ito ay reddish-brown, glandular at lobed organ. Nasa ibabaw ito ng gallbladder sa tabi mismo ng pancreas at bituka.
Nahahati ito sa dalawang lobes. Ang pangunahing tungkulin ng atay ay gumana katulong ang iba pang mga nakapaligid na organs at tumulong sa pag-digest at pag-absorb ng mga kinain mo. Ang dugo na nagmumula sa iyong digestive tract ay unang sinasala ng atay at pagkatapos ay ipinapadala sa iba pang bahagi ng iyong katawan.
Posible bang mabuhay na kalahati lang ang atay o walang atay?
Well, ang sagot ay OO at HINDI. Ang atay ay isa sa pinakamahalagang organo sa ating katawan na mahalaga para sa existence. Bagama’t maaari tayong mamuhay ng malusog sa isang bahagi lamang ng ating atay, tiyak na hindi tayo mabubuhay nang wala ito.
Ito ang mangyayari kung mamumuhay tayong wala ang ating atay:
- Naaapektuhan ang clotting mechanism sa ating dugo. Ang dugo ay hindi mamumuo at tayo ay magdurusa sa hindi makontrol na pagdurugo.
- Walang magsasala ng mga lason at kemikal at ang mga byproduct ng digestive na magsisimulang mamuo sa ating daluyan ng dugo.
- Magkukulang ang ating katawan sa immunity para labanan ang bacterial at fungal infections.
- Maaaring mangyari ang nakamamatay na pamamaga ng utak.
- Hindi malayong mamatay kung walang atay.
Interesting facts tungkol sa atay
Bukod sa posible kang mamuhay na kalahati lang ang atay, heto ang listahan ng sampung kamangha-manghang mga bagay tungkol sa atay na maaaring ikagulat mo.
The liver lives on; ang atay ay nabubuhay
Kung naalis ang 75% ng iyong atay ngayon, ang natitirang 25% ay muling mabubuo sa isang buong laki ng atay sa loob ng 8-15 araw. Ang cool di ba?
Ang bagong atay ay tutugma sa lumang bahagi ng atay at magsisimulang gumana sa sandaling ito ay nagsimulang mag-regenerate. Ito ay kung bakit maaaring pamahalaan ng mga tao ang pamumuhay na may kalahating atay at mabuhay. Ito ang tanging organ na maaaring mag-regenerate nang mag-isa. Kaya ang pangalan ay liver o ‘atay’!
Multi-faceted
Ang atay ay parehong organ at gland. Mayroon itong dalawang personalities na may tungkuling maging organ-specific sa katawan-pati na rin ang pagiging glandula na nagse-secrete ng hormones. Sinasala ng atay ang mga lason mula sa at itinutulak ang mga ito palabas sa ating mga katawan.
Multi-tasker
Ang atay ay gumaganap ng hindi bababa sa 500 iba’t ibang mga function sa katawan.
Ito bilang isang tagapaglinis at pansala ng dugo, sinisira ang mga lumang selula ng dugo, gumagawa ng mga protina na kinakailangan para sa pamumuo ng dugo, at marami pang ibang mahahalagang tungkulin. Gumaganap din ito ng isang mahalagang papel sa panunaw ng pagkain sa pamamagitan ng pag-secrete ng apdo na kinakailangan para sa pagpipiraso ng mga taba.
Ang organ ay nag-iimbak din ng glucose sa anyo ng glycogen. Nakakatulong ito sa pagpapanatili ng blood sugar levels. Isa itong storage ng lahat ng fat-soluble vitamins A, E, at K.
Detoxifier
Ang lahat ng alkohol at/o gamot na ipinapasok natin sa ating katawan ay sinasala at inaalis ng atay. Ang organ na ito ay nagde-detoxify ng ating panloob na sistema sa pamamagitan ng pag-alis ng mga lason sa ating mga katawan.
Fat retainer
Mga 10% ng ating atay ay gawa sa taba. Nagkakaroon ng fatty liver kung ang taba ay lumampas sa 10%. Dahil ito sa obesity at inilalagay tayo sa mas mataas na risk na magkaroon ng type 2 diabetes mellitus.
Storage ng Iron
Kasama ng mga fat-soluble na mga bitamina, ang atay ay imbakan din ng iron. At magagamit ito sa oras na kailanganin ng ating katawan.
Paggawa ng dugo
Ang mga pulang selula ng dugo ay ginawa sa atay. Ang dugong ito ay ipapalipat-lipat sa buong katawan. Kung wala ang atay, walang sirkulasyon ng dugo. Walang dugo, walang buhay.
Tagagawa ng protina
Kailangan ng ating katawan ang protina para sa tamang paggana. Ang atay ay gumagawa ng sarili nitong protina na kinakailangan para sa mahahalagang tungkulin sa katawan. Ang mga enzyme na ito ay tumutulong sa pagbuo ng mga namuong dugo upang ihinto ang anumang uri ng pagdurugo sa katawan.
Modulator ng gamot
Hindi direktang natutunaw ang mga gamot na iniinom natin. Ang mga ito ay unang pinaghiwa-hiwalay sa atay at kino-convert sa isang magagamit na anyo, isang bagay na tinatanggap ng ating katawan.
Cholesterol levels
Ang ating atay ang isang mahusay na indicator ng mabuting kalusugan. Dahil sa fatty liver, ang level ng bad LDL cholesterol at triglycerides sa dugo ay patuloy na tumataas. Ang fatty liver ay nangyayari kapag ang sobrang taba sa ating katawan ay nagsimulang maipon sa paligid ng atay.
5 paraan upang magkaroon ng malusog na atay
Narito ang 5 paraan kung saan maaari kang maging mabait sa iyong life-giver, kahit na nabubuhay ka na kalahati lang ang atay.
Magkaroon ng malusog na pamumuhay
Kasama sa healthy lifestyle ang malusog na pagkain, pag-e-ehersisyo araw-araw, at sapat na tulog. Ang nutrisyon ay may mahalagang papel sa pagpapanatili ng kalusugan ng ating atay.
- Kumain ng mas maraming fiber-rich foods kasama ng mga low-fat at walang taba na protina. Iwasan ang mga pritong pagkain, pulang karne, atbp. upang mabawasan ang pressure sa atay.
- Ang pagkain ng maraming sariwang prutas at gulay ay maaaring makatulong na palakasin ang iyong immunity. Manatiling hydrated sa pamamagitan ng pagpapanatili ng iyong fluid intake na hindi bababa sa 1.5-2 litro ng tubig araw-araw.
- Bawasan ang iyong paggamit ng asukal at taba. Itigil ang pagkonsumo ng mga naprosesong pagkain hangga’t maaari.
- Ang pang-araw-araw na ehersisyo na may tamang dami ng nutrisyon ay makakatulong na palakasin ang iyong immunity at palakasin ang iyong stamina laban sa lahat ng mga karamdaman.
Itigil ang alkohol para sa malusog na atay
Ang alkohol ay kilalang nakakapinsala sa iyong atay habang buhay. Ang pag-iwas dito ay makakatulong na mapanatili ang kalusugan ng iyong atay at maiwasan ang mga sakit tulad ng cirrhosis.
Iwasan ang pag-inom ng mga gamot para sa malusog na atay
Ang lahat ng gamot na iniinom mo ay sinasala ng atay. Ito ay humahantong sa maraming pinsala sa organ na ito. Mag-isip bago uminom ng gamot!
Iwasan ang mga sakit sa atay
Iwasan ang hepatitis A, B, C, E sa pamamagitan ng pagbabakuna, pag-practice ng safe sex, pagkakaroon ng ligtas na pagsasalin ng dugo, pagkonsumo ng malusog, pagluluto ng pagkain sa malinis na paraan. Ang Hepatitis A at E ay mga sakit na dala ng pagkain na nakakaapekto sa iyong atay at nakakasira nito.
Hugasan ang iyong mga kamay bago at pagkatapos kumain upang maiwasan ang kontaminasyon ng pagkain. Ang Hepatitis B at C ay mga sakit na kumakalat sa pamamagitan ng pagpapalitan ng mga fluids sa katawan at maaaring makapinsala sa iyong atay.
Kaya naman, iwasan ang unprotected sex, muling paggamit ng mga karayom at mga hiringgilya, atbp. upang maiwasan ang mga nakamamatay na sakit na ito. Ang pagpapabakuna ay makakatulong na mapanatili ang kalusugan ng iyong atay at maiwasan na mamuhay na kalahati lang ang atay.
Itigil ang paninigarilyo para sa malusog na atay
Ang paninigarilyo ay isang panganib para sa iyong mga baga pati na rin sa pangkalahatang kalusugan. Kilalang nakakapinsala sa iyong atay ang usok kasama ng iba pang mga lason sa kapaligiran.
Samakatuwid, iwasan ang paninigarilyo, active at passive. Iwasan din ang direktang kontak sa mga kemikal tulad ng insecticides, usok mula sa mga paint thinner, aerosol spray na kilala na mapanganib para sa iyong katawan.
Matuto ng higit pang interesting health facts tulad ng pamumuhay na kalahati lang ang atay at pagpapanatiling malusog ng iyong digestive system dito.
[embed-health-tool-bmr]