backup og meta

Sanhi ng Gallstones: Bakit Nagkakaroon ng Gallstones ang mga Tao?

Sanhi ng Gallstones: Bakit Nagkakaroon ng Gallstones ang mga Tao?

Ang gallstones ay “mga bato” o buildup ng mga mineral na nabubuo sa gallbladder. Matinding pananakit at discomfort ang dulot ng pagkakaroon ng gallstones. Ito ay dahil ang mga batong ito ay maaaring humarang sa bile duct at maging sanhi ng pamamaga. Ano ang sanhi ng gallstone, at sino ang higit na nasa panganib para sa sakit na ito?

Mga Sanhi ng Gallstone: Bakit Nagkakaroon ng Gallstones ang mga Tao?

Maraming bagay ang maaaring maging sanhi ng pagkakaroon ng gallstones ng isang tao. Heto ang ilan sa mga pinakakaraniwang sanhi:

  1. Mataas na Lebel ng Cholesterol

Dalawa ang pangunahing pinagmumulan ng cholesterol sa iyong katawan. Una ay mula sa pagkain na iyong kinakain, at pangalawa ay cholesterol na ginawa ng atay.

Kung masyadong kang maraming cholesterol sa iyong katawan, pinipilit ng iyong atay na itapon ito sa pamamagitan ng paggawa ng apdo. Pagkatapos ay mapupunta sa gallbladder mo. Ang labis na cholesterol sa apdo ay maaaring maging cholesterol gallstones.

Tulad ng mga regular na gallstones, ang mga cholesterol stone ay maaaring bumara sa mga duct ng gallbladder, at magdulot ng pamamaga at matinding pananakit.

  1. Ang Gallbladder ay Hindi Nagtatanggal ng laman nito

Isa pang posibleng dahilan ng mga gallstones ay kapag ang gallbladder ay hindi epektibong naglalabas ng apdo. Ang kadalasang nangyayari ay ang gallbladder ay nag-iimbak ng apdo na inilalabas ng atay.

Sa tuwing kailangan ng katawan ang apdo upang tumulong sa panunaw, ang gallbladder ay naglalabas ng apdo sa bituka. Gayunpaman, kung ang gallbladder ay nabigong maglabas ng apdo, maaari itong dahan-dahang magsimulang mamuo sa gallbladder. Sa paglipas ng panahon, ang buildup ng apdo na ito ay maaaring maging gallstones.

  1. Biglang Pagbaba ng Timbang

Ang masyadong mabilis na pagbaba ng timbang ay maaari ding maging sanhi ng gallstone. Ang nangyayari kapag masyadong mabilis ang pagpayat mo ay name-metabolize ng iyong katawan ang lahat ng taba na nawala mo.

Atay ang nagbabayad at naglalabas ng sobrang cholesterol kasama ng apdo sa iyong gallbladder. Pero, kung masyadong maraming apdo at cholesterol, ang gallbladder, kung minsan ay maaaring hindi ganap na makapagtanggal ng laman nito. Nagreresulta ito sa buildup na maaaring humantong sa mga gallstones. Karaniwan itong nangyayari sa mga taong sumasailalim sa operasyon upang pumayat, o para sa mga taong biglang nagbago ng kanilang diyeta at nabawasan ng malaking timbang sa maikling panahon.

Sino ang Nanganganib na magkaroon ng Gallstones?

Mayroong ilang mga bagay na maaaring magpataas ng panganib ng isang tao para sa gallstones. Narito ang ilan sa risk factors:

  • Mga taong sobra sa timbang o napakataba
  • May mas mataas na panganib ang mga kababaihan
  • Kung ikaw ay higit sa 40
  • Mga taong may diabetes
  • Mga taong may sakit na Crohn
  • Pagkakaroon ng high fat, high cholesterol diet
  • Pag-inom ng ilang oral contraceptive
  • Ang pagkakaroon ng sakit sa dugo

Ang lahat ng mga bagay na ito ay maaaring mag-ambag sa panganib ng isang tao na magkaroon ng gallstones.

Paano ka Makakaiwas sa Mga Sanhi ng Gallstone?

Nakakatulong sa pag-iwas sa gallstones ang pagpapanatili ng malusog na timbang. Narito ang ilan pang mga bagay na dapat tandaan:

  1. Kumain ng Malusog

Una, siguraduhing kumain ng masustansyang pagkain. Ang mga prutas at gulay ay dapat na priyoridad, at kumain lamang ng kaunting karne at taba. Limitahan ang paggamit ng saturated fats at tiyaking mayroon kang sapat na calcium at fiber sa iyong diyeta.

Ang dahilan nito ay ang iyong katawan ay gumagawa na ng cholesterol na kailangan nito. Ang pagkain ng napakaraming matatabang pagkain at mga pagkaing mataas sa cholesterol ay maaaring mabawi ang natural na balanse ng cholesterol sa iyong katawan at maaaring humantong sa gallstones, at mas malalang sakit tulad ng stroke o atake sa puso.

Panghuli, huwag kalimutang magkaroon ng regular na iskedyul ng pagkain.

  1. Ehersisyo

Risk factor sa pagkakaroon ng gallstones ang pagiging obese at overweight. Kaya mainam na mag-ehersisyo araw-araw upang makatulong na magkaroon ng malusog at tamang timbang.

Ang ehersisyo ay nakakatulong din na mapanatiling malakas ang iyong katawan at pinapataas ang lebel ng good cholesterol sa iyong katawan.

  1. Iwasan ang Biglaang Pagbaba ng Timbang

Kapag sinusubukang magbawas ng timbang, siguraduhing huwag itong pilitin. Ang pagbabawas ng sobrang timbang ay maaaring magdulot ng mga problema sa kalusugan, kabilang ang mga gallstones, kaya pinakamahusay na panatilihing mabagal at matatag ang pagbaba ng timbang. Palaging kumunsulta sa iyong doktor para sa anumang matinding pagbabago sa iyong diyeta o ehersisyo.

Key Takeaways

Ang pagpapanatiling malakas at malusog ng iyong katawan ay isa sa mga pinakamahusay na paraan upang maiwasan ang mga gallstones. Nakakatulong din ang pag-alam sa mga posibleng sanhi ng gallstone upang maiwasan ang mga gawi na maaaring magpapataas ng iyong panganib na magkaroon ng mga bato.

Matuto pa tungkol sa Digestive Health dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Gallstones – Symptoms and causes – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/gallstones/symptoms-causes/syc-20354214, Accessed December 7, 2020

Symptoms & Causes of Gallstones | NIDDK, https://www.niddk.nih.gov/health-information/digestive-diseases/gallstones/symptoms-causes, Accessed December 7, 2020

Gallstones – NHS, https://www.nhs.uk/conditions/gallstones/, Accessed December 7, 2020

Gallstones: Treatment, Definition, Risk Factors & Symptoms, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/7313-gallstones, Accessed December 7, 2020

Gallstones – causes, symptoms, treatment – Southern Cross NZ, https://www.southerncross.co.nz/group/medical-library/gallstones-causes-symptoms-treatment, Accessed December 7, 2020

Gallstones | Cedars-Sinai, https://www.cedars-sinai.org/health-library/diseases-and-conditions/g/gallstones.html, Accessed December 7, 2020

Kasalukuyang Version

02/07/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mike Kenneth Go Doratan, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Anu-ano ang mga gamot para sa mayroong bato sa apdo?

Anu-ano ang Bahagi ng Gallbladder? Narito ang Dapat Niyong Malaman


Narebyung medikal ni

Mike Kenneth Go Doratan, MD

General Surgery · The Medical City Ortigas


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement