Ano Ang Sakit Sa Apdo o Gallbladder Disease?
Ang iyong gallbladder ay may mahalagang papel na ginagampanan pagdating sa pagtunaw ng pagkain. Pangunahing tungkulin nito ay maiimbak ang apdo na ginawa ng atay na siyang tumutulong sa pag-break down ng matatabang pagkain sa maliit na bituka. Kung ang gallbladder ay maapektuhan ng mga sakit tulad ng sakit sa apdo (chronic gallbladder disease), maaari itong magdulot ng mga problema sa digestion.
Narito ang ilan sa mga sakit na maaaring nakaaapekto sa apdo:
Cholecystitis
Ang cholecystitis ay tumutukoy sa pamamaga ng apdo. Ito ang pinakakaraniwang uri ng sakit sa gallbladder, at nangyayari ito kapag nakaharang ang mga gallstones sa mga duct na papunta sa maliit na bituka. Kung ito ay paulit-ulit na nangyayari, maaari itong ituring na chronic gallbladder disease.
Choledocholithiasis
Ang kondisyong ito ay nangyayari kapag mayroong kahit isang gallstone sa bile duct. Kapag ang gallstone na ito ay naipit, maaaring maapektuhan ang apdo.
Cholangitis
Ang cholangitis ay isa pang uri ng pamamaga sa common bile duct. Pangunahing sanhi ito ng mga gallstones, ngunit maaari rin itong sanhi ng mga bacterial infections.
Gallbladder Cancer
Ito ay isang medyo bihirang kondisyon, at maaaring mahirap masuri ang naturang sakit sa apdo dahil ang mga sintomas ay maaaring katulad ng iba pang mga problema sa gallbladder.
Acalculous Gallbladder Disease
Ang sakit na ito ay kadalasang matatagpuan sa mga pasyenteng may malubhang karamdaman. Malaki ang pinsala na nadudulot ng acalculous gallbladder disease sa gallbladder wall, kaya hindi gumagana nang maayos ang organ kapag walang mga gallstones.
Gangrene
Nagreresulta ito sa kakulangan ng daloy ng dugo sa gallbladder. Ito ay maaaring sintomas ng acute cholecystitis.
Abscesses
Ang mga abscess ay nangyayari kapag ang gallbladder ay namamaga na mayroong nana sa loob. Tulad ng gangrene, maaari rin itong sintomas ng acute cholecystitis.
Mga Senyales At Sintomas
Ang mga sintomas ng chronic gallbladder disease ay maaaring iba-iba depende sa kung ano ang partikular na problema sa gallbladder. Narito ang ilan sa mga sintomas na dapat mabantayan:
- Pagduduwal
- Pagsusuka
- Bloating
- Lagnat
- Pananakit sa itaas na kanang bahagi ng tiyan
- Jaundice (paninilaw ng balat o mata)
- Madilim na ihi
- Magaan na pagdumi
Kailan ka dapat magpatingin sa iyong doktor tungkol sa sakit sa apdo?
Kung nakararanas ka ng alinman sa mga nabanggit na sintomas, mainam na bisitahin na ang iyong doktor sa lalong madaling panahon. Bagaman hindi lahat ng sakit sa apdo ay itinuturing na life-threatening, magandang ideya pa rin na magpagamot kaagad upang maiwasan ang anumang karagdagang komplikasyon, lalo na sa kaso ng chronic gallbladder disease.
Mga Sanhi At Salik Ng Panganib
Kadalasan, ang sakit sa apdo ay sanhi ng mga gallstones. Ang mga gallstone ay mga deposito ng digestive fluid o bile na nabubuo sa iyong gallbladder. Maaaring napakaliit ng mga ito, tulad ng isang butil ng bigas, o kasing laki ng ping pong ball. Posible rin para sa isang tao na magkaroon ng maraming gallstones.
Ang mga ito ay nabubuo kapag ang iyong apdo ay naglalaman ng masyadong maraming kolesterol na maaaring mag-crystallize at maging gallstones. Ang isang pigment na tinatawag na bilirubin, na nagagawa kapag nag-break down ang iyong katawan ng mga red blood cells, ay isa ring posibleng sanhi ng mga gallstones. At kung ang gallbladder ay hindi nabakante nang nang maayos, maaaring makakuha ng puro at buo-buong mga bato sa loob ng apdo.
Ang problema ay lumilitaw kapag ang mga gallstones na ito ay humaharang sa mga bile ducts, o ang mga duct kung saan ang apdo mula sa iyong gallbladder ay dumadaloy sa maliit na bituka. Ito ay maaaring magdulot ng pananakit at pamamaga dahil ang mga duct ay nakaharang.
Anu-ano aang mga risk factors para sa sakit sa apdo?
Narito ang ilan sa mga salik ng panganib para sa sakit sa apdo:
- Mga kababaihan na mayroong mataas na panganib magkaroon ng gallstones kumpara sa mga kalalakihan
- Mga taong may edad 40 pataas na mayroon ding mataas na panganib para sa gallstones at gallbladder disease
- Pagkakaroon ng sedentary lifestyle
- Pagiging obese o overweight
- Pagiging buntis
- Pagkakaroon ng high fat at high cholesterol diet
- Hindi pagkain ng sapat na fiber
- Pagkakaroon ng mga kamag-anak na mayroong gallstones
- Pagiging diabetic
- Pagkakaroon ng mga kondisyon tulad ng sickle cell anemia o leukemia
- Pagkakaroon ng sakit sa atay
Ang lahat ng ito ay nakadaragdag sa panganib ng isang tao na magkaroon ng gallstones.
Pagsusuri At Paggamot
Nakakagulat na ang mga gallstones ay hindi lumalabas sa mga X-ray. Gayunpaman, maaari silang matukoy sa pamamagitan ng ultrasound. Maaari ring gamitin ang CT scan upang makita kung mayroong mga gallstones sa iyong gallbladder.
Sa ilang mga kaso, maaaring magsagawa ng mga blood tests upang makita kung mayroong mga karagdagang problema sa iyong atay o pancreas.
Ang paggamot sa sakit sa apdo ay nakadepende kung gaano kalala ang mga sintomas. Kadalasan, hindi naman nagpapakita ng anumang sintomas ang mga gallstones, kahit maliit pa ang mga ito. Ito ay marahil ang mga maliliit na gallstones ay karaniwang dumadaan lamang sa katawan nang walang problema, kaya walang humaharang sa mga bile ducts.
Gayunpaman, ang mga malalaking gallstones ay maaaring magdulot ng pagbara, at maaari itong maging masakit at maging sanhi ng pamamaga sa iyong gallbladder. Minsan, ang sakit ay biglang nawawala kung ang mga bato ay gumagalaw upang hindi ito humarang sa mga duct. Ngunit nangangahulugan lamang ito na ang sakit ay maaaring mangyari sa hinaharap, kaya ang pagpapagamot nito ay dapat na maging pangunahing priyoridad.
Kapansin-pansin, ang gallbladder ay hindi kinakailangan upang mabuhay ang isang tao. Sa katunayan, kung mayroon kang malalang sakit sa apdo, ang kadalasang nangyayari ay maaaring piliin ng iyong doktor na alisin ang iyong gallbladder sa isang operasyon na tinatawag na cholecystectomy upang matiyak na hindi na mauulit ang problema.
Mayroong iba pang mga paraan ng paggamot ng gallstones
Mayroong ilang mga uri ng mga gamot na maaari mong inumin na makatutulong sa pagsira ng mga gallstones at maiwasan ang operasyon. Ngunit, ang mga ito ay karaniwang inirereseta kung hindi posible ang operasyon.
Ang shockwave therapy ay maaari ring isagawa upang masira ang malalaking bato sa apdo upang madali itong makapasa. Ang ilang mga kemikal na isinasaksak sa gallbladder ay maaari ring magpatunaw ng mga naturang bato.
Pag-Iwas
Narito ang ilan sa mga paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng gallstones at chronic gallbladder disease:
- Ang pagiging overweight o obese ay nakapagpapataas ng panganib para sa gallstones. Kung kaya, magiging mainam kung masusubukan magpababa ng timbang.
[embed-health-tool-bmi]
- Isaalang-alang ang pagsunod sa diyeta na mayroong mataas na fiber. Maaaring kumain ka ng maraming prutas, gulay, at mga grains upang matamasa ito.
- Subukang mag-ehersisyo ng hindi bababa sa 30 minuto araw-araw. Makatutulong ito upang mapanatili ang tamang timbang.
- Maaari ring magpataas ng panganib para sa gallstones ang mga birth control pills. Mainam na kumunsulta muna sa iyong doktor bago gumamit ng mga birth control pills.
- Ang ilang mga diyeta na mistulang mabilis na magpapayat ay maaari ring maglagay sa iyo sa panganib.
Bagaman maaari kang mabuhay na walang gallbladder, nararapat pa ring pangalagaan ang iyong katawan nang mabuti at maayos. Maaaring maging napakasakit ng chronic gallbladder disease can be very painful, at posible pa itong humantong sa iba pang malubhang mga sakit kung hindi ito magamot.
Kaya nararapat na bantayan ang anumang natatanging mga sintomas, at huwag magatubiling kausapin ang iyong doktor kung sa tingin mo ay mayroon ka ng problema sa iyong gallbladder.
Alamin ang iba pa tungkol sa Gallbladder Disease dito.