Ano ang gallbladder at anu-ano ang bahagi ng gallbladder? Maaari ka bang mabuhay nang walang organ na ito? Basahin upang malaman.
Ano ang Gallbladder?
Ang gallbladder o apdo ay maliit na hugis peras na organ na nag-iimbak ng bile. Ito ay bahagi ng biliary system, kabilang ang atay at bile ducts. Ang biliary system ay nagde-drain ng mga dumi mula sa atay patungong duodenum, o unang bahagi ng small intestine. Tumutulong din ang biliary system sa digestion na may kontrol na release ng bile.
Ang bile na inilalabas ng apdo ay naglalaman ng kulay greenish-yellow na likido na nabubuo sa atay at naiimbak sa gallbladder. Ito ay tumutulong sa pagtunaw at pag-break down ng fatsmula sa ating kinakain upang maging tinatawag ba fatty acids. Ang mga fatty acids ay dini-distribute sa katawan sa pamamagitan ng digestive tract. Mayroon ding mahalagang function ang fatty acids sa pag-imbak ng enerhiya. Nakatutulong din ang bile sa absorption ng lipids.
Karamihan na naglalaman ang bile ng cholesterol, bile acids (tinatawag ding bile salts), at bilirubin. Ito ay naglalaman ng tubig, body salts (potassium at sodium), copper, at ibang metals.
Ang function ng bile ay kabilang ang:
- Pagbitbit papalabas ng dumi sa katawan
- Pag-break down ng fats habang nasa digestion
Responsable rin ang bile para sa pagkakaroon ng maitim na kulay ng tae, dahil ang bile ay lumalabas sa katawan sa porma ng tae.
Anu-ano ang Bahagi ng Gallbladder?
Mayroong tatlong pangunahing bahagi ng organ: ang fundus, body, at neck.
Fundus
Ito ay malaki at malawak na bahagi kung saan naiimbak ang bile juices.
Body
Nagpapatuloy ang fundus sa body. Pinasisikip ito ng body papuntang infundibulum at kumokonekta sa neck at cystic duct.
Neck
Ang bahaging ito ay kumokonekta sa cystic duct.
- Cystic duct. Ito ang koneksyon sa pagitan ng gallbladder sa CDC (common hepatic duct). Ito ang daanan kung saan ang bile ay nade-drain mula sa biliary tree.
- Biliary tree. Ito ang system ng vessels na nagmumula ang direct secretions mula sa atay, gallbladder, at pancreas. Ito ay dumadaan sa ducts at papuntang duodenum.
Maaari Ka Bang Mabuhay Nang Walang Gallbladder?
Karaniwan para sa gallbladders na tanggalin sa pamamagitan ng operasyon. Ito ay maaaring makaapekto sa lifestyle ng tao ngunit walang malaking epekto ito matapos sumailalim ng isang tao sa operasyon.
Dahil ang trabaho ng gallbladder ay tulungan sa pagtunaw ng fatty na pagkain, mahihirapan ang iyong katawan sa pagproseso at pagtunaw ng fat. Kaugnay nito, ang mga taong tinanggal ang organ na ito ay kailangan na may maayos na diet upang hindi mapagod ang kanilang digestive system.
Nasa ibaba ang listahan na kailangan mong pansinin matapos sumailalim sa operasyon:
- Para sa unang mga araw ng operasyon, pinapayuhan ang mga pasyente na kumonsumo ng malinaw na tubig, gelatin, at broth. Dahan-dahan na magdagdag ng solid foods sa iyong diet sa ibang mga araw.
- Iwasan ang high-fat na pagkain, pritong pagkain, maanghang, at pagkain na nagiging sanhi ng pag-utot, at mayroong matapang na amoy. Huwag kumonsumo ng malaking portion ng pagkain.
- Kailangan mong limitahan ang calories na kinokonsumo mula sa fat nang nasa 30% ng kinakain mo araw-araw. Basahin din ang mga food labels.
- Dahan-dahang ipakilala ang mayaman sa fiber na pagkain.
- Malaki ang tulong ng pagkakaroon ng journal upang patuloy na i-track ang pagkain na kinokonsumo.
Mahalagang Tandaan
Nag-iimbak ng bile ang gallbladder. Anu-ano ang bahagi ng gallbladder? Kabilang dito ang fundus, body, at neck.
Bagaman ang organ na ito ay mayroong mahalagang bahagi sa digestion ng pagkain, maaaring mabuhay ang mga tao nang wala ito. Gayunpaman, kailangan na maging maingat ang mga tao na natanggalan ng gallbladder sa pagpili ng mga pagkain.
Matuto pa tungkol sa Sakit sa Gallbladder dito.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.