Sa panahon ngayon, ang pagkakaroon ng karaniwang sipon ay nagdudulot ng anxiety para sa ilan. Dahil ito sa mga sintomas na katulad ng COVID-19. Pagdating sa treatment at home remedy para sa sipon, maaaring magreseta ang mga doktor ng gamot. Ito ay para ma-manage ang mga sintomas, ngunit hindi nito pinapatay ang virus na sanhi nito.
Karaniwan, ang immune system ay lumalaban sa virus at karaniwang nakaka-recover dito. Ang pagpapalakas ng immune system ng isang tao ay susi sa paglaban sa virus.
Mga Simpleng Treatment at Home Remedy para sa Sipon
Para sa karaniwang sipon, mayroong ilang simple, madaling paraan ng paggamot sa karaniwang sipon na maaari mong gawin sa bahay.
Ginger Tea
Ang luya ay madalas na meron sa kusina. Ito rin ay root spice na related sa turmeric, cardamon, at galangal. Tradisyunal na ginagamit ito bilang gamot dahil sa mga anti-inflammatory properties nito at antioxidant effect.
Ang aktibong sangkap ng luya ay nakakatulong na mapawi ang pananakit ng lalamunan nang mabilis at maiwasan ang karaniwang sipon. Isang home remedy para sa sipon ang pagtimpla ng sariwang luya at pag-inom nito na may lemon at honey. Isa ito sa mga benepisyo nito sa kalusugan.
Zinc lozenges
Maaaring makatulong ang zinc supplements para mabilis na mawala ang sipon. At mapagaan ang mga sintomas nito. Ito ay kung ininom sa loob ng 24 na oras pagkatapos ng unang paglabas ng mga sintomas.
Kapag nasa anyo ng mga lozenges, ang common cold treatment na ito ay gumagana sa pagharang sa malamig na virus mula sa pagkopya at pagsira sa kakayahang pumasok sa cells sa ilong at lalamunan.
Chicken soup
Bakit nga ba ang chicken soup ang kadalasang ibinibigay na home remedy para sa sipon? Ipinakita ng mga pag-aaral na ang pagkain ng chocken soup na may mga gulay ay maaaring makapagpabagal sa paggalaw ng mga neutrophil sa katawan.
Ang mga neutrophil ay isang karaniwang uri ng white blood cell na tumutulong sa katawan sa paglaban sa impeksyon. Nanatili sila sa mga bahagi ng katawan na nangangailangan ng pagpapagaling.
Honey
Ang honey o pulot ay kilala na may healing properties at antibacterial benefits. Isa rin itong home remedy para sa sipon. Ipinakita ng isang pag-aaral na ang pulot ay maaaring maging isang uri ng treatment sa karaniwang sipon. Dahil pinapaginhawa nito ang pag-ubo, na sintomas ng karaniwang sipon, sa mga batang mahigit sa isang taong gulang.
Ang mga bata ay mas mahimbing na nakakatulog dahil sa honey. Nakatutulong ito na makakuha ng tamang pahinga, na nakakatulong na mabawasan ang mga sintomas ng sipon. Gayunpaman, hindi dapat ibigay ang pulot sa mga batang wala pang isang taong gulang dahil sa panganib ng botulism ng sanggol. Ang pulot ay karaniwang iniinom ng puro, o hinahalo kasama ng tsaa o anumang mainit na liquid.
Probiotics
Nasa yogurts, kombucha, at iba pang probiotic-fortified drinks ang mga probiotics. Ang mga ito ay maaaring magpabuti ng kalusugan ng isang tao sa pamamagitan ng pag-regulate ng immune function. Ang pagkonsumo ng mga probiotic ay maaaring makabawas sa tyansa ng isang tao na magkasakit, magkaroon ng karaniwang sipon, o impeksyon sa respiratory tract.
Humidifier
Maaaring makatulong sa common cold ang paggamit ng cool mist vapporizers o humidifiers. Ito ay sa pamamagitan ng pamamahala sa mga sintomas ng common cold gaya ng namamagang lalamunan, ubo, at congestion.
Sa pamamagitan ng mga humidifier, nagkakaroon ng dagdag na moisture sa hangin na nilalanghap mo. Ito ay tumutulong sa sinus congestion sa pamamagitan ng pagluwag sa mga mucus secretions sa mga daanan ng ilong. Kapag gumagamit ng humidifier, siguraduhing palaging linisin ang tubig sa loob upang maiwasan ang pagkakaroon ng amag at mildew.
Garlic
Ang pagdaragdag ng intake ng bawang ay nagpapalakas ng immune system. Dahil pinasisigla nito ang pagdami ng white blood cells, na responsable sa paglaban ng sakit. Ang bawang, na may natatanging compound na allicin, ay nagpapataas ng produksyon ng antibody. Kaya mainam itong home remedy para sa sipon.
Ipinakita ng isang pag-aaral na ang bawang ay nagpapalakas ng immune system at nakakatulong sa pag-iwas sa mga sakit tulad ng karaniwang sipon.
Mga tip upang maiwasan ang pagkakaroon ng sipon
Madalas sabihin na “ Prevention is better than cure.” Bagama’t may home remedy para sa sipon, hindi laging posible ang pagpigil dito. Narito ang ilang pag-iingat na maaaring makatulong:
-
Madalas na paghuhugas ng kamay
Ang madalas na paghuhugas ng kamay ang isa sa pinaka epektibong paraan para maiwasan ang pagkalat ng mga mikrobyo at virus. Napupunta ang mga mikrobyo at virus sa kamay ng tao , at madali silang kumalat sa pamamagitan ng pakikipag-ugnay o sa pamamagitan ng hangin o mga droplet. Ang madalas na paghuhugas gamit ang sabon at tubig sa loob ng 20 segundo ay pumapatay sa mga nakakapinsalang virus na ito, na pumipigil sa iyong magkasakit.
-
Panatilihing malakas ang immune system sa pamamagitan ng pagsunod sa isang healthy diet at lifestyle
Bukod sa pagpapanatili ng mabuting kalinisan, ang pagpapalakas ng immune system ay nakakatulong sa katawan na labanan ang anumang sakit at maiwasan ang sakit. Matulog ng sapat, mag-ehersisyo, panatilihing mababa ang stress level, at kumain ng balanseng diet para lumakas ang immune system.
-
Kung may sakit, mag-isolate
Kapag tayo ay nakakaramdam ng sakit o may sipon, mahalagang huwag ikalat ang sakit sa iba. Mag-self-isolate sa bahay, umiwas sa mataong lugar, at gawin ang tamang pag-ubo o pagbahin. Magsuot ng mask upang takpan ang iyong ilong at bibig kapag nasa labas. Kapag umuubo o bumahin, gumamit ng tissue o umubo/bumahing sa iyong braso.
Malaking tulong ang pagsunod sa mga simpleng tip na ito at mga ideya sa home remedy para sa sipon at paggamot. Maaari nitong mabawasan ang tyansa na mahawaan ng virus at maikalat ito sa iba.
Paano naiiba ang karaniwang sipon sa COVID-19?
Bagama’t pareho ang sanhi ng mga coronavirus at may mga karaniwang sintomas, ang karaniwang sipon at COVID-19 ay ibang-iba at unique.
Ang karaniwang sipon ay itinuturing na isang mild respiratory illness. Ang mga sintomas nito ay;
- Runny, baradong ilong
- Lagnat. Ang isang taong nahawaan ng karaniwang sipon ay maaaring magkaroon ng mga sintomas sa loob ng isa hanggang apat na araw.
Sinusuri ng mga doktor ang karaniwang sipon gamit ang clinical observation at medical history.
Ang COVID-19, naman, ay isang bagong virus na patuloy na pinag-aaralan. Ang mga sintomas ng COVID-19 ay kinabibilangan ng:
- Mataas na lagnat
- Katamtaman hanggang sa matinding pag-ubo
- Hirap sa paghinga, na nangyayari lima hanggang 10 araw pagkatapos ng unang senyales ng lagnat
- Ang incubation period para sa COVID-19 ay nasa pagitan ng isa at 14 na araw
Kung may mga sintomas na ito at sa tingin mo ay maaaring na-expose ka sa isang taong may COVID-19, pinakamahusay na mag-self-quarantine sa loob ng dalawang linggo. Kung ang mga sintomas ay nagpapatuloy at nagiging mas malala lalo na ang paghinga, humingi ng agarang medikal na atensyon.