Ang bronchitis ay sakit na nagdudulot ng pamamaga sa bronchial tubes ng mga baga. Kahit na nagagamot, ang kondisyong ito ay maaaring magdulot ng malubhang problema. Ito ay lalo na kapag lumalala ang sakit. Sa pagharap sa kondisyong ito, pinakamahusay na sundin ang tips kung paano makaiwas sa bronchitis.
Ano ang Bronchitis?
Ang pangunahing sanhi ng bronchitis ay viral infection. Karaniwan, ang sanhi ng sipon at trangkaso ang siya ring responsable sa bronchitis. Posible rin na bacterial infection ang sanhi ng bronchitis.
Ang bronchitis ay maaaring magresulta din sa paulit-ulit na iritasyon ng mga daanan ng hangin. Ito ay kilala na chronic bronchitis. Nangyayari ito kapag ang isang tao ay madalas na dumaranas ng bronchitis, at bilang resulta, nasira ang kaniyang mga daanan ng hangin.
Ang mga sintomas ng bronchitis ay katulad din ng sa sipon at trangkaso. Maaaring may kasamang ubo, lagnat, pagkapagod, fatigue, at hirap sa paghinga. Makakatulong na alam mo kung paano makaiwas sa bronchitis. Ito ay upang mabawasan o mapawi ang mga sintomas.
Maaaring maging katulad ng trangkaso ang bronchitis, ngunit ang pangunahing pagkakaiba ay nakakaapekto ito sa mga daanan ng hangin ng mga baga. Ang isa pang pagkakaiba ay maaaring tumagal ito ng higit sa isang linggo, at maging paulit-ulit na sakit ito. Sa kabilang banda nito, ang trangkaso ay karaniwang tumatagal ng ilang araw, hanggang isang linggo.
Nakakahawa ba ang bronchitis?
Ang isang tanong ng maraming tao ay “Nakakahawa ba ang bronchitis?” Ang sagot ay depende ito sa uri ng bronchitis na mayroon ang isang tao. Kung ito ay acute bronchitis, o ang uri ay sanhi ng isang viral o bacterial infection, maaari itong makahawa.
Sa kabilang banda, ang chronic bronchitis ay hindi nakakahawa. Dahil ito ay sanhi ng iritasyon ng mga daanan ng hangin at hindi virus o bacteria. Gayunpaman, ang taong may chronic bronchitis ay pwede ring magkaroon ng acute bronchitis nang sabay. Kaya naman, pinakamainam na iwasan ang pakikipag-ugnayan sa ibang mga tao.
Pinakamahusay na paraan kung paano makaiwas sa bronchitis
Narito ang ilang mabisang tip na dapat sundin sa pag-iwas sa bronchitis:
Iwasan ang usok ng sigarilyo
Ang paninigarilyo ay ang numero unong sanhi ng bronchitis. Kaya kung ikaw ay naninigarilyo, pinakamahusay na ihinto ito sa lalong madaling panahon. Ito ay epektibo kung paano makaiwas sa bronchitis.
Maaaring maging sanhi ng chronic bronchitis ang paninigarilyo at ilagay ka sa panganib ng ilang iba pang mga problema sa kalusugan.
Kung hindi ka naninigarilyo, pero may kasama na naninigarilyo, mainam na hikayatin siyang huminto. Dahil ang secondhand at thirdhand smoke ay kasing sama ng paninigarilyo. At maaaring maglagay sa iyo at sa iyong mga mahal sa buhay sa panganib ng bronchitis at iba pang mga sakit.
Umiwas sa irritants
Ang irritants tulad ng maruming hangin, pollen, dander, at usok ay dapat iwasan. Ito ay dahil ang irritants ay pwedeng maging sanhi ng pamamaga ng daanan ng hangin. Maaari itong mauwi sa bronchitis.
Siguraduhing magsuot ng safety equipment, kung ang trabaho mo ay expose sa irritants o mga kemikal. Mainam din na gumawa ng wastong safety protocols upang maiwasang maapektuhan ng irritants na ito.
Magpa-bakuna laban sa trangkaso
Ang isa pang tip kung paano makaiwas sa bronchitis ay ang taunang flu vaccine. Ito ay dahil ang virus na nagdudulot ng trangkaso ay maaari ding maging sanhi ng bronchitis.
Sa pamamagitan ng pagpapabakuna, binabawasan mo ang iyong panganib na magkaroon ng trangkaso pati na rin ang bronchitis.
Hugasan ang iyong mga kamay nang madalas
Isang mahalagang bagay na kailangang tandaan ng maraming tao ay ang madalas na paghuhugas ng kanilang mga kamay. Siguraduhing maghugas ng kamay bago kumain,at pagkatapos, at habang naghahanda ng pagkain. Maghugas din ng kamay kung nag-aalaga ka ng may sakit. Magandang ideya din na maghugas ng kamay tuwing uuwi ka mula sa labas, dahil maaaring nalantad ang iyong mga kamay sa iba’t ibang bacteria at virus.
Pagdating sa partikular na tip kung paano makaiwas sa bronchitis, hindi mo kailangang gumamit ng anumang magarbong sabon kapag naghuhugas ng iyong mga kamay. Siguraduhing gawin ito sa running water, at hugasang mabuti ang mga kamay nang hindi bababa sa 20 segundo.
Sundin ang mga rekomendasyon ng iyong doktor
Panghuli, kung mayroon kang bronchitis, siguraduhing sundin ang mga rekomendasyon ng iyong doktor. Uminom lamang ng gamot na inireseta, at iwasan ang self-medicating.
Maganda rin na huwag mag-self-diagnose at uminom ng mga antibiotic, dahil ang bronchitis ay pangunahing sanhi ng isang virus. Ang antibiotics ay hindi gumagana sa mga virus, at ang pag-inom ng antibiotics ay maaaring mas makasama kaysa makabuti, lalo na kung hindi ito inireseta ng iyong doktor.
Key Takeaways
Maaaring hindi kasinglubha ng iba pang mga sakit ang bronchitis. Ngunit hindi ibig sabihin na hindi ka gagawa ng mga hakbang na maiwasan ang pagkakasakit. Sa pamamagitan ng pagsunod sa pinakamahusay na tips sa itaas kung paano makaiwas sa bronchitis, masisiguro mong mananatiling malusog at walang bronchitis ang iyong mga baga. Matuto pa tungkol sa Bronchitis dito.
[embed-health-tool-bmr]