Ang mga komplikasyon na resulta ng atherosclerosis ay kabilang sa mga nangungunang sanhi ng kamatayan sa buong mundo. Sa katunayan, ang ischemic heart disease at stroke, na nangungunang dalawang sanhi ng kamatayan sa buong mundo, ay parehong mga komplikasyon na resulta ng atherosclerosis. Sino ang nasa panganib ng atherosclerosis?
Nakakatulong sa mga tao na mas pangalagaan ang kanilang sarili kung alam nila kung sino ang nasa panganib ng atherosclerosis. Makakatulong din ito sa kanila na gumawa ng matalinong mga desisyon sa kalusugan. Ngunit paano mo malalaman kung sino ang nasa panganib para sa atherosclerosis?
Sino ang nasa panganib ng atherosclerosis?
Ang atherosclerosis ay sakit na maaaring magpatuloy nang dahan-dahan. Dahil resulta ito mula sa fatty buildup na tinatawag na plaque, na dahan-dahang naipon pagtagal.
Ito ang dahilan kung bakit ang isa sa mga pinakakaraniwang maling kuru-kuro kung sino ang nasa panganib para sa atherosclerosis ay ang mga matatandang tao lamang ang magkakaroon nito. Ngunit natuklasan ng ilang pag-aaral na kahit na ang mga mas bata ay maaaring nasa panganib ng atherosclerosis.
Ang atherosclerosis ay maaaring sanhi ng maraming mga kadahilanan. At ang panganib ay maaaring iba-iba depende sa kalusugan, pamumuhay, at family history ng isang tao.
Isang mahalagang bagay na dapat tandaan sa atherosclerosis ay kapag nagkaroon ka nito, hindi na ito mare-reverse. Maaari lamang itong kontrolin, o pabagalin. Ito ang dahilan kung bakit ang pagpigil na mangyari ito ay ang pinakamahusay na paraan upang harapin ito.
Mga taong may hypertension
Pagdating sa kung sino ang nasa panganib ng atherosclerosis, karaniwang naiisip ang isang taong may hypertension.
Ang pagkakaroon ng hypertension ay maaaring magdulot ng maraming stress sa mga daluyan ng dugo ng isang tao. Ito ay dahil sa pagtaas ng presyon ng dugo. Ang dagdag na strain na ito sa mga daluyan ng dugo ay natuklasan na nagpapataas ng panganib ng pagbuo ng atherosclerosis sa arteries ng isang tao.
Ang atherosclerosis at hypertension ay deadly combination. At ang mga taong na-diagnose nito ay karaniwang mayroon nang hypertension, o nagkakaroon nito pagkatapos.
Ang mga sakit na ito ay lubos na nakakatulong sa panganib ng stroke at atake sa puso, at ang paggawa ng mga hakbang upang mapababa ang panganib ng parehong hypertension at atherosclerosis ay napakahalaga.
Mga may diabetes
Ang diabetes ay isa pang kondisyon na maaaring maglagay sa isang tao sa panganib ng atherosclerosis.
Ayon sa isang pag-aaral kamakailan, ang diabetes ay direktang nag-aambag sa pamamaga sa mga daluyan ng dugo ng isang tao. Sa paglipas ng panahon, ang pamamaga na ito ay nag-uudyok sa plaque buildup sa may sakit na arteries (atherosclerosis).
Sa katunayan, ang mga taong may diabetes ay doble ang panganib na magkaroon ng atake sa puso o stroke. Kaya naman ang mga taong may diabetes ay kailangang maging mas maingat hindi lamang pagdating sa asukal, kundi pati na rin sa taba at kolesterol.
Mga sobra sa timbang o obese
Ang isang bagay na pareho sa atherosclerosis, hypertension, at diabetes ay ang pagiging sobra sa timbang o obese ay naglalagay sa isang tao sa mataas na panganib para sa tatlong kondisyong ito.
Ang atherosclerosis, hypertension, at diabetes ay mayroong causal relationship sa isa’t isa. At ang pagkakaroon ng isa sa mga kondisyong ito ay naglalagay sa isang tao sa panganib ng iba pang dalawa.
Ito ang dahilan kung bakit ang pagbabawas ng timbang at pagpapanatili ng malusog na timbang ay napakahalaga pagdating sa pangkalahatang kalusugan ng isang tao.
Mga naninigarilyo
Pagdating sa kung sino ang nasa panganib ng atherosclerosis, ang mga naninigarilyo ay medyo mataas ang ranggo sa listahan.
Bukod sa pagiging mas madaling kapitan ng lung cancer, emphysema, at iba pang mga problema sa paghinga, ang paninigarilyo ay kilala rin na direktang nagpapataas ng panganib ng isang tao na magkaroon ng atherosclerosis. Ito ay dahil ang paninigarilyo ay nagdudulot ng pamamaga sa mga daluyan ng dugo ng isang tao, na kalaunan ay humahantong sa atherosclerosis.
Bukod pa rito, ang paninigarilyo ay hindi lamang nakakaapekto sa taong humihithit ng sigarilyo, ngunit naglalagay din ito sa ibang mga tao sa panganib. Dahil ang paglanghap ng secondhand smoke ay maaari ding maging sanhi ng parehong mga problema sa kalusugan.