backup og meta

Ano ang koneksyon ng cholesterol at dementia?

Ano ang koneksyon ng cholesterol at dementia?

Habang tumatanda tayo, mas maraming komplikasyon at panganib ang nangyayari. Isa sa mga ito ay dementia. Sinasabi nila na ang cholesterol ay isang kadahilanan na humahantong sa dementia. Ngunit ano ang koneksyon ng cholesterol at dementia?

Ano ang Dementia?

Bago natin alamin kung ano ang koneksyon ng cholesterol at dementia, unawain muna natin kung ano ang dementia.

Ang dementia ay umbrella term na ginagamit para ilarawan ang pagkawala ng memorya, pagsasalita, problem-solving, at judgement. Kasama din ang iba pang mental abilities. Ang mga ito ay nakakaapekto sa kakayahan ng isang tao na mamuhay araw-araw. Ang dementia ay nagiging mas karaniwan habang tumatanda ang isang tao. Bagama’t maraming mga kadahilanan ang maaaring maging sanhi ng isang dementia. Kabilang sa mga ito ang Alzheimer Disease, ang pinakakaraniwang sanhi.

Vascular dementia

Kasunod ng Alzheimer, ang vascular dementia ay ang sumunod na pinakakaraniwang uri ng dementia. Ang vascular dementia ay nangyayari kapag ang microscopic bleeding o mga pagbara ng daluyan ng dugo ay nangyayari sa utak. Ito ang dahilan kung bakit malamang na magkaroon ng vascular dementia pagkatapos ng stroke. Gayunpaman, hindi ito nangangahulugan na ang isang stroke ay talagang hahantong sa vascular dementia.

Bukod sa pagkakaroon ng stroke, may iba pang mga kadahilanan na maaaring mag-ambag sa pagkakaroon ng vascular dementia. Anumang kondisyon na maaaring makapinsala sa mga daluyan ng dugo o makabawas sa sirkulasyon mula sa utak ay maaaring maging sanhi nito.

Ang mga risk factor na pwedeng magpataas ng tyansa ng stroke o atake sa puso o sakit ay nagpapataas din ng tyansa mong magkaroon ng vascular dementia. Ilan sa mga risk factor na ito ay high blood pressure, paninigarilyo, at mataas na  cholesterol.

Ang koneksyon ng cholesterol at dementia

Sa pinaka-basic na level, ganito ang kaugnayan ng cholesterol at dementia. Kung may mas mataas na cholesterol ka, mas mataas ang posibilidad na magkaroon ka ng vascular dementia habang tumatanda. 

Dahil nakita na natin kung ano ang dementia, tingnan naman natin ang tungkol sa cholesterol.

Ano ang Cholesterol?

Ang cholesterol ay fatty substance na matatagpuan sa mga cell ng ating katawan gayundin sa ating dugo. Ito ay maaaring madala sa buong katawan sa pamamagitan ng ating daluyan ng dugo. Ang ating katawan ay natural na gumagawa ng cholesterol at ito ay matatagpuan din sa ilang mga pagkain na ating kinakain. Bagama’t hindi likas na masama, ang labis nito ay malinaw na maaaring magdulot ng panganib. Tulad ng nabanggit, ang ilang mga panganib ng mataas na cholesterol ay mas mataas na pagkakataon ng stroke, sakit sa puso, at vascular dementia.

Ipinakita ng mga pag-aaral na may kaugnayan sa pagitan ng pagkakaroon ng mataas na level ng cholesterol at pagkakaroon ng dementia habang tumatanda. Ngunit ang koneksyong ito ay maaaring hindi ganoon kasimple sa iniisip natin.

Ang mga may mataas na cholesterol ay mayroon ding iba pang kadahilanan na pwedeng magpalubha sa koneksyon. Halimbawa, ang mga taong may mataas ng cholesterol ay kilala rin na may diabetes at high blood pressure. Kaya mahirap na maintindihan ng lubos kung ano ang koneksyon ng cholesterol at dementia.

Dagdag pa dito, ang mga doktor ay hindi pa rin ganap na matiyak kung paano nakakaapekto ang gamot na nagpapababa ng cholesterol sa tyansa ng pagkakaroon ng dementia. 

Mga Kamakailang Pag-aaral

Sa isang pag-aaral, sinubukan ng researchers na alamin kung paano eksaktong nauugnay ang cholesterol at dementia sa isa’t isa. Inisip nila na ang isang proseso na tinatawag na cholesterol catabolism ay responsable para sa mas mataas na panganib ng vascular dementia sa mga taong may mataas na cholesterol.

Upang kumpirmahin ang kanilang teorya, kumuha sila ng isang grupo ng humigit-kumulang 1,800 indibidwal. Gamit ang kanilang pamantayan at parameter, sinubukan at na-sample nila ang bawat isa sa mga ito.

Kapansin-pansin, sa ginawang testing, nalaman nila na ang panganib ng vascular dementia ay tumaas sa mga lalaki pero hindi sa mga babae. At tumaas ang panganib nang isinaalang-alang nila ang medication ng mga lalaki. Partikular na tumaas ang risk sa mga lalaking may gamot para sa bile acid-blocking.

Ang pagtuklas na ito ay nagmumungkahi na ang cholesterol metabolism ay maaaring isang malaking dahilan na nagiging sanhi ng dementia. 

Kung bakit ang mga lalaki ay mas madaling kapitan, may paniwala ang mga researcher. Ito ay dahil ang cholesterol metabolism ay may epekto lamang sa mga sex-specific sa utak. Ibig sabihin ang mga pagbabagong ito ay mas malamang na makaapekto sa mga lalaki kaysa sa mga babae.

Ito ay isang mahalagang hakbang para maunawaan kung ano ang koneksyon ng cholesterol at dementia. Alam na natin ngayon na ang ilang gamot ay maaaring magkaroon ng epekto sa pagbawas ng risk ng isang tao para sa dementia. Gayundin, ang vascular dementia ay maaaring partikular sa kasarian. Mas nagkakaroon tayo ng pang-unawa kung ano ang eksaktong sanhi nito o kung paano ito gumagana. 

Kailangan pa ng mga pag-aaral upang magkaroon ng higit na pagkaunawa kung ano talaga ang ibig sabihin ng pananaliksik na ito. Ito ay isang hakbang na mas malapit sa pag-unawa nito. At sana ay bawasan ang epekto ng vascular dementia sa atin.

Key Takeaways

Ang vascular dementia at cholesterol ay may mahalagang koneksyon na makakatulong na matukoy kung paano natin mapipigilan o mababawasan ang mga pagkakataong magkaroon ng dementia sa hinaharap.

Bagama’t kailangan ang karagdagang pag-aaral patungkol sa gamot, malinaw na ang pagre-regulate ng dami ng cholesterol sa ating mga katawan ay hindi lamang isang magandang paraan na maiwasan ang dementia. Ito ay isa ring magandang paraan upang maiwasan ang stroke at sakit sa puso.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Cholesterol and Dementia, https://www.alzheimers.org.uk/about-dementia/risk-factors-and-prevention/cholesterol-and-dementia Accessed July 29, 2021

Changes in How Cholesterol Breaks Down in the Body May Accelerate Progression of Dementia, https://www.sciencedaily.com/releases/2021/05/210527150116.htm Accessed July 29, 2021

Research Reveals Protective Effects of Cholesterol Lowing Medications in Those at Risk of Dementia, https://www.dementia.org.au/about-us/news-and-stories/research/research-reveals-protective-effects-cholesterol-lowing Accessed July 29, 2021

Vascular Dementia, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/vascular-dementia/symptoms-causes/syc-20378793 Accessed July 29, 2021

Statins Used to Lower Cholesterol Linked to Doubled Risk of Developing Dementia, https://scitechdaily.com/statins-used-to-lower-cholesterol-linked-to-doubled-risk-of-developing-dementia/ Accessed July 29, 2021

 

Kasalukuyang Version

07/26/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Sinuri ang mga impormasyon ni Corazon Marpuri

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Pagkain Na Walang Cholesterol, Mas Masustansya Nga Ba?

Epekto ng Mataas na Kolesterol sa Katawan


Sinuri ang mga impormasyon ni

Corazon Marpuri


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement