Ang pamumula ng mata ay tumutukoy sa isang kondisyon na na may iba’t ibang sanhi. Ito ay maaaring sanhi ng isang bagay na kasing simple ng pollen irritation o kasing lubha ng pamamaga sa mga bahagi ng mata. Alamin kung paano maiiwasan ang pamumula ng mata dito.
Ano Ang Mga Sanhi Ng Pamumula Ng Mata?
Ang pamumula ay isang indikasyon na may nangyayaring mali sa mata. Bago matutunan kung paano maiiwasan ang pamumula ng mata, kailangan mo munang matukoy ang sanhi nito.
Narito ang ilan sa mga pinakakaraniwang sanhi.
Pagod Na Mga Mata
Kung ang isang tao ay masyadong matagal ng gising, nagbabasa o nakatitig sa screen ng masyadong mahabang oras, o gumagawa ng mga aktibidad na nakaka-stress sa mga mata, maaari itong maging sanhi ng pamumula.
Mga Irritants
Kapag nadikit ang mata sa mga irritant gaya ng mga kemikal o maliliit na particle, maaari itong humantong sa pamumula ng mata.
Injury
Kapag ang iyong mata o ang lugar sa paligid ng iyong mata ay nasunog o natamaan ng blunt force, ang pinsala ay maaaring magdulot ng pasa at pamumula.
Corneal Abrasion
Ang cornea, o ang malinaw na layer na tumatakip sa iris at pupil, ay maaaring magasgas kapag ito ay nadikit sa alikabok at iba pang maliliit na particles. Bukod sa pamumula, maaaring magdulot din ng light sensitivity ang corneal abrasion at pakiramdam na may naiwang bagay sa mata. Ang agresibong pagkuskos sa mga mata ay maaari ring maging sanhi nito.
Allergies
Kung ang isang tao ay may allergic reaction, maaaring ito ay mula sa pollen, pet dander, o pagkain ng mani, na dahilan ng pagmaga ng mata. Bukod sa pamumula, ang mga allergic reaction ay nagdudulot din ng burning sensation, matubig na mga mata, at pangangati.
Eye Surgery
Pagkatapos sumailalim sa operasyon para sa mata, normal na makaranas ng pamamaga na nagreresulta sa pamumula at pamamaga sa mata.
Contact Lens
Ang hindi tamang paggamit ng contact lens ay maaaring humantong sa mga komplikasyon tulad ng corneal abrasion, impeksyon dahil sa contaminated contact lens, at corneal hypoxia, o kakulangan ng oxygen sa cornea.
Mga Viral At Bacterial Infections
Maraming bacteria at virus ang maaaring maging sanhi ng pangangati at pamumula sa mata. Ang virus o bacteria ay kadalasang nakahahawa sa cornea o conjunctiva, ang layer na sumasakop sa puting bahagi ng mata. Karamihan sa mga impeksyon sa viral at bacterial sa mata ay nakahahawa ng ibang tao.
Tuyong Mata
Ito ay isang kondisyon kung saan ang mga mata ay mayroong pagkukulang sa lubrication buhat ng hindi sapat na produksyon ng mga luha, o mga luha na mabilis na nag-eevaporate.
Subconjunctival Hemorrhage
Ang conjunctiva ay naglalaman ng maraming maliliit na daluyan ng dugo na maaaring masira dahil sa trauma o isang marahas na paggalaw tulad ng malakas na pagbahing o ubo. Kapag nasira ang mga ito, tatagas ng bahagya ang dugo na nagiging sanhi ng paglitaw ng mga red spot sa mata. Ang kondisyong ito ay kadalasang hindi nakapipinsala at gumagaling mag-isa.
Pamamaga Sa Anumang Bahagi Ng Mata
Kadalasan, nakikita natin ang pamumula sa puting bahagi ng mata (sclera), ngunit hindi ito nangangahulugan na ang sclera lamang ang apektado. Kung ang isang impeksyon ay nangyayari sa anumang layer o tissue sa loob at nakapalibot na mata, mapapansin ang pamumula. Ang pamamaga ay maaaring sanhi ng iba’t ibang mga kondisyon at karamihan sa mga ito at buhat ng mga impeksiyon.
- Iritis – Tulad ng ipinapahiwatig sa pangalan, ito ay tumutukoy sa pamamaga ng may kulay na bahagi ng mata (iris).
- Keratitis – Ito ang pamamaga ng malinaw na layer sa harap ng mga mata (cornea).
- Orbital cellulitis – Ang pamamagang ito ay dulot ng impeksyon sa mga tissue at gland na nakapaligid sa mata.
- Pink eye – Ito ay ang pamamaga (conjunctiva) sa paligid ng puting bahagi ng mata.
- Scleritis – Ang pamamaga na ito ay makikita sa puting bahagi ng mata (sclera).
- Uveitis – Ito ay pamamaga sa gitnang bahagi ng mga mata (uvea).
Paano Maiiwasan Ang Pamumula Ng Mata?
Kasabay ng maraming mga sanhi nito, marami ring mga paraan kung paano maiwasan ang pamumula ng mata. Subukan ang sumusunod:
1. Paano maiiwasan ang pamumula ng mata: Huwag i-stress ang mga mata
Kung nagbabasa o nakatitig ka sa isang screen buong araw, sundin ang 20-20-20 rule. Sa bawat 20 minuto, tumingin sa harapan ng hanggang sa layo ng 20 talampakan, nang hindi bababa sa 20 segundo.
2. Paano maiiwasan ang pamumula ng mata: Iwasang hawakan ang mga mata
Ang ating mga kamay ay maaaring magdala ng maraming particles at pathogens na maaaring makasama sa ating mga mata. Sa tuwing kailangan mong hawakan ang iyong mga mata o ang paligid nito, siguraduhin na ang iyong mga kamay ay nahugasan o na-sanitize nang maayos.
3. Paano maiwasan ang pamumula ng mata: Protektahan ang mga mata
Gumamit ng protective eyewear upang maprotektahan ang iyong mga mata mula sa mga debris, sikat ng araw, at iba pang mga foreign particles. Ang pagsusuot ng naaangkop na eyewear sa mga lugar tulad ng laboratoryo, construction site, at mga pagawaan ay maaaring makatulong mapababa ang iyong panganib ng posibleng pinsala at impeksyon sa mata.
4. Paano maiiwasan ang pamumula ng mata: Gumamit ng contact lens nang tama
Maraming impeksyon ang maaaring sanhi ng hindi pagkakabit ng iyong contact lens nang maayos. Ang bacterial infection ay maaari ring maging dahilan buhat ng hindi paglilinis o pagpapalit ng iyong contact lens. Ang masyadong mahabang pagsusuot ng contact lens ng o kapag natutulog ay maaari ring makairita sa iyong cornea.
Siguraduhing sundin ang mga tagubilin kung paano magsuot ng contact lens at kung gaano katagal lang dapat maaari suotin ang mga ito. Huwag gamitin muli ang mga disposable contact lens. Gayundin, gumamit ng mga naka resetang eye drops para sa lubrication para sa mas magandang fit at comfort.
5. Paano maiiwasan ang pamumula ng mata: Sumailalim sa eye check-up
Magpa-check-up ng mata nang hindi bababa sa isang beses kada taon. Maaaring suriin ng iyong ophthalmologist ang kondisyon ng iyong mga mata at tuklasin ang anumang maagang pagsisimula ng pananakit ng mata. Bilang karagdagan, maaari rin siyang magreseta ng tamang paggamot para rito. Siguraduhing regular ang pagsunod dito.
Key Takeaways
Ang pamumula ng mata ay maaaring sanhi ng iba’t ibang mga kondisyon. Karaniwan itong indikasyon na may mali sa iyong mga mata. Ang wastong paggamit ng mga contact lens, pagprotekta sa iyong mga mata, at pag-iskedyul ng regular check-up sa iyong ophthalmologist ay maaaring makatulong paano maiiwasan ang pamumula ng mata o iba pang mga kondisyon.
Alamin ang iba pa tungkol sa Pangangalaga ng Mata dito.