Hangga’t maaari ay i-discourage ang bata sa paggamit ng mga gadget, ngunit kung hindi ito maiiwasan, siguraduhin na sila ay madalas na nagpapahinga.
Sa tuwing tumutuon ang iyong anak sa isang gawain na nangangailangan ng matinding paggamit ng mata, tulad ng pagbabasa o pagtitig sa screen ng computer, isagawa ang 20-20-20 rule. Ang suggestion ng rule na ito ay sa bawat 20 minutong aktibidad, dapat na ilayo ng bata ang kanyang mga mata mula sa gawain at mag-focus sa anumang bagay na 20 talampakan ang layo sa loob ng 20 segundo. Pagkatapos, kailangan nilang kumurap ng 20 beses. Nagbibigay ito sa mga mata ng iyong anak ng kinakailangang pahinga. Isang paraan ito kung paano maiiwasan ang eye strain.
Ang ilang ulat ay may karagdagang “2” sa dulo ng rule. Ito ay ang pagkakaroon ng 2 oras na outdoor activities. Sinasabi ng iba’t ibang pag-aaral na ang pagkakaroon ng oras sa labas ay hindi lamang nagsisilbing pahinga mula sa screentime, pero mahalaga din ito sa focus ng mata ng isang bata. May isa pang pag-aaral na nagsasabi na maari nitong mabawasan ang risk ng nearsightedness.
Mag-ingat sa laki at distansya ng screen
Para maprotektahan ang iyong anak mula sa eye strain, hayaan silang gumamit ng mga gadget na may mas malalaking screen gaya ng mga computer at laptop. Ito ay dahil ang mga maliliit na screen tulad ng sa mga mobile phone ay nagpapahirap sa mga mata.
Para sa tamang posisyon, maaaring sundin ang 1/2/10 rule. Ibig sabihin kailangang ilagay ng iyong anak ang kanyang phone 1 talampakan ang layo mula sa kanila, maupo 2 talampakan ang layo mula sa kanilang computer, at umupo 10 talampakan ang layo mula sa telebisyon.
Iwasan ang mga liwanag na nakasisilaw sa screen
Ang isang gadget ay kumikislap kapag may reflection ng isang bagay sa screen. Ito ay nagpapahirap sa iyo na makakita ng malinaw. Ang sobrang liwanag na nakasisilaw ay maaaring magdulot ng eye strain.Kaya bago ibigay ang device sa iyong anak, ayusin muna ang brightness nito.
Mga komento
Ibahagi ang iyong mga iniisip
Maging una sa pagpapaalam sa Hello Doctor ng iyong iniisip!
Sumali sa amin o Mag-log in para makasali sa pag-uusap