Ang overgrowth ng Candida ay maaring magdulot ng anal yeast infection in women. Heto ang ilang mahahalagang kaalaman tungkol sa anal yeast infection, kabilang na ang mga sanhi, sintomas, gamot, at kung paano makakaiwas dito.
Ang overgrowth ng Candida ay maaring magdulot ng anal yeast infection in women. Heto ang ilang mahahalagang kaalaman tungkol sa anal yeast infection, kabilang na ang mga sanhi, sintomas, gamot, at kung paano makakaiwas dito.
Ang Candida, ay isang uri ng fungi na sanhi ng anal yeast infection (Perianal Candidiasis). Nakatira ito sa ating katawan at nahahanap sa balat, sa digestive tract, pati sa vagina. Kapag ang Candida ay nagkaroon ng di mapigil na pagdami sa anus, dito nanggagaling ang anal yeast infection.
Tandaan na ang yeast infections ay nangyayari sa buong katawan basta’t mayroong overgrowth ng Candida yeast sa mga mainit at basang lugar. Maaari ring magkaroon ng yeast infections sa bibig (oral thrush), lalamunan, breast, at vagina.
Bagama’t posibleng magkaroon ng yeast infection sa genitals, hindi nito ibig sabihin na ito ay isang STD. Ito ay dahil maraming bagay ang posibleng maging dahilan ng pagdami ng Candida.
Kabilang na rito ang pagsusuot ng masisikip na damit, antibiotics, stress, pagbubuntis at diabetes. Ngunit ang, anal yeast infection ay nahahawa sa sex, kaya’t hinihikayat ng mga doktor na huwag muna magtalik hangga’t hindi ba gumagaling ang yeast infection.
Ang pinakauna at pangkaraniwang sintomas ng anal yeast infection ay pangangati ng puwit, o pruritus ani. Sa sobrang tindi ng kati, hindi halos mapigilan ng mga taong may yeast infection na kamutin ang kanilang puwit. Madalas ito ay nagdudulot ng kahihiyan sa mga mayroon nito.
Heto pa ang ilang sintomas ng anal yeast infection sa mga babae:
Upang mabisang magamot ang anal yeast infection, mahalagang alamin ng doktor ang sanhi nito. Halimbawa, kung ito ay dahil sa paggamit ng antibiotics, maaaring ipagbawal muna ng doktor ang paggamit nito.
Pero sa mga malulusog ang pangangatawan bihirang nagiging malaking problema ang anal yeast infection. Ayon sa ulat ng National Organization for Rare Disorders (NORD) dahil karaniwan ang presence ng Candida sa malulusog na tao, “treatment is very rarely needed.”
Pero dahil nagdudulot nga ito ng mga side effects, nagbibigay pa rin ng gamot ang mga doktor. Madalas ang mga over-the-counter na antifungal cream ay sapat na upang magamot ang yeast infection. Para naman sa pangangati, posibleng mag-reseta ang doktor ng corticosteroid na cream.
Huwag kalimutan na sundin ang payo ng iyong doktor sa paggamit ng gamot. Huwag lalabis o magkukulang sa paggamit nito.
Bagama’t kailangan pa ng karagdagang pag-aaral tungkol dito, mayroong potensyal ang pag-inom ng probiotics laban sa yeast infections.
Ayon sa isang laboratory study, ang mga probiotics na mayroong ilang uri ng bacteria ay nakakatulong sa pag-“inhibit the growth of Candida albicans and Candida tropicalis,” na dalawang pangkaraniwang sanhi ng yeast infection. Bukod dito, ang probiotics raw ay nakakadagdag sa epekto ng antifungal treatment.
Bukod sa probiotics, nakakatulong rin daw ang coconut oil sa overgrowth ng Candida albicans. Gayunpaman, hindi ito kasing epektibo ng mga over-the-counter na gamot na pamatay sa fungal infections.
Heto ang ilang mga puwedeng gawin upang makaiwas sa anal yeast infections:
Bagama’t nagdudulot ng discomfort ang anal yeast infection, hindi naman ito malaking problema. Ang mga doktor ay kadalasang nagbibigay ng over-the-counter na fungal cream na nagagamot ang sakit na ito sa loob lamang ng tatlong araw.
Alamin ang tungkol sa Yeast Infections dito.
[embed-health-tool-ovulation]
Disclaimer
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.
Effects of a Novel Probiotic Combination on Pathogenic Bacterial-Fungal Polymicrobial Biofilms
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6456750/
Accessed December 3, 2020
Probiotics for vulvovaginal candidiasis in non‐pregnant women
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6486023/
Accessed December 3, 2020
Comparison of Antimicrobial Activity of Chlorhexidine, Coconut Oil, Probiotics, and Ketoconazole on Candida albicans Isolated in Children with Early Childhood Caries: An In Vitro Study
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4808662/
Accessed December 3, 2020
Candidiasis
https://rarediseases.org/rare-diseases/candidiasis/
Accessed December 3, 2020
What are Yeast Infections?
https://www.urologyhealth.org/urology-a-z/y/yeast-infections
Accessed December 3, 2020
Anal itching
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/anal-itching/symptoms-causes/syc-20369345
Accessed December 3, 2020
Kasalukuyang Version
03/25/2024
Isinulat ni Lorraine Bunag, R.N.
Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD
In-update ni: Jan Alwyn Batara