backup og meta

Paano Maiiwasan Ang Psoriasis Flare-Ups

Paano Maiiwasan Ang Psoriasis Flare-Ups

Ang psoriasis ay isang kondisyong nagdudulot ng mas mabilis na pagdami ng balat kumpara sa karaniwan, hanggang sa mauwi ito sa paglitaw ng mga pulang patches sa balat na nababalutan ng nababakbak na puting kaliskis. Hindi ito isang life threatening na sakit at hindi rin nakahahawa. Ngunit malaki ang nagiging epekto nito sa buhay ng mga taong may ganitong sakit lalo na tuwing bigla itong dumarami (flare-ups). Matuto pa kung paano maiiwasan ang psoriasis dito.

Madalas na inuulat ng mga pasyenteng may psoriasis ang tila nasusunog na pakiramdam, mahirap tiising pangangati, at discomfort tuwing may biglang pagdami o paglitaw nito sa balat. Mayroon ding ilang kaso na nagsasabing kapag biglang dumami ito sa talampakan, nahihirapang makalakad ang pasyente.

Ang mga may psoriasis na nababalutan ng pulang patches ang mukha, mga braso at binti ay madalas na nilalayuan ng mga taong hindi malay sa kondisyong ito.

Maaaring lumitaw sa maraming anyo ang psoriasis at maaaring tumubo sa halos lahat ng bahagi ng katawan. Walang dudang nakapipinsala ang epekto ng sakit na ito sa tao.

Paano Maiiwasan Ang Psoriasis? Posible Ba?

Ang simpleng sagot dito ay hindi. Hindi maiiwasan ang psoriasis dahil dulot ito ng magkakahalong salik kasama na ang genetics.

Puwedeng mamana ang psoriasis, kaya’t mahirap itong iwasan. Gayunpaman, maaari namang maiwasan ang biglang pagdami nito (psoriasis flare-ups), at mabuhay ang tao nang normal. Paano maiiwasan ang psoriasis flare-ups?

Ano Ang Nagbubunsod Ng Biglang Pagdami Ng Psoriasis?

Walang malinaw o tiyak na paraan kung paano maiiwasan ang psoriasis flare-ups. Anumang makaapekto sa immune system ay pwedeng magpasimula ng psoriasis, kaya’t maraming pwedeng maging dahilan ng biglaang pagdami nito.

Karaniwang nagbubunsod ng biglang pagdami ng psoriasis ang:

  • Stress
  • Dry weather
  • Skin injury
  • Substance abuse
  • Mga impeksyon
  • Ilang medications

Paano Maiiwasan Ang Psoriasis Flare-Ups?

Manage Stress

Ang stress ang pinakakadalasang sanhi ng pagdami ng psoriasis sa balat. Kakulangan sa tulog, mental pressure at pagod ang pwedeng makapagdulot ng response sa immune system.

Paano maiiwasan ang psoriasis? Piliting makakuha ng sapat na haba ng pahinga. 7-8 oras na dire-diretsong tulog na hindi ginagamitan ng anumang gamot ay makatutulong. Iwasan ang mahabang idlip at caffeine dahil makaaapekto ito sa iyong normal na sleep cycle.

Breathing Exercises

Ang pagpapanatiling mahinahon o kalmado ay maaaring isa sa pinakamagandang paraan upang makontrol ang stress. Napatunayang ang malalim na paghinga at pagbuga nang dahan-dahan ay nakatutulong upang kumalma ang katawan. Gawin mo ito tuwing na-i-stress. Nakatutulong din ang meditation at yoga bilang stress relievers sapagkat nagsasagawa rin dito ng mga breathing exercise.

Kumain Nang Masustansya At Sa Tamang Oras

Nakapagdudulot ng pagkabalisa ang hindi pagkain sa tamang oras at kakulangan sa sapat na nutrisyon. Huwag kalilimutang kumain ng agahan, tanghalian o hapunan at tiyaking balanse ang iyong kinakain. Siguraduhin ding may prutas at gulay kang kinokonsumo sa araw-araw at uminom ng walong basong tubig.

Iwasan Ang Skin Injury

Maaaring nasa anyo ng gasgas o galos, paso, hiwa, pasa, at mga kagat ang skin injury. Kadalasang nagsisimula ang biglang pagdami ng psoriasis 10-14 araw pagkaraang magkaroon ng skin injury. At lumalabas ang pulang patches sa lugar kung saan ka nagkaroon nito.

Iwasan Ang Pagkamot

Iwasang kamutin ang bahagi ng balat na may kagat ng anumang insekto dahil mauuwi ito sa skin injury na pagsisimulan ng biglang pagdami ng psoriasis.

Gamutin Agad Ang Skin Injury

Sugat man, pasa, galos, o paso, gamutin ito agad. Magpahid ng tropical treatment ayon sa isinasaad sa reseta. Para sa malulubhang paso at skin injuries, kumonsulta sa iyong dermatologist.

Iwasan Ang Bisyo

Napag-alaman ng maraming pag-aaral na ang mga pasyenteng umiinom at naninigarilyo ang madalas na makaranas ng biglaang pagdami ng psoriasis sa kanilang balat na matagal din bago mawala.

Ang pag-manage sa stress at pag-iwas sa substance abuse ay may positibong epekto sa kalusugan na nakababawas ng posibilidad ng biglaang pagdami ng psoriasis. Ang pag-iwas sa skin injuries at pagpapanatiling malusog ng balat ay ilan din sa mga paraan upang maiwasan ito.

Matuto pa tungkol sa psoriasis dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Psoriasis, https://stanfordhealthcare.org/medical-conditions/skin-hair-and-nails/psoriasis.html, Accessed January 2, 2021

Psoriasis, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/psoriasis/diagnosis-treatment/drc-20355845, Accessed January 2, 2021

Psoriasis: Prevention, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/6866-psoriasis/prevention, Accessed January 2, 2021

Are Triggers Causing Your Psoriasis Flare-Ups?, https://www.aad.org/public/diseases/psoriasis/triggers/flares, Accessed January 2, 2021

Bringing Psoriasis Under Control, https://www.health.harvard.edu/newsletter_article/bringing-psoriasis-under-control, Accessed January 2, 2021

Causes and Triggers, https://www.psoriasis.org/causes/, Accessed January 2, 2021

 

Kasalukuyang Version

12/21/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Angeli Eloise E. Torres, MD, DPDS

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Buni Treatment: Ano ang Mainam na Gamot sa Buni?

Karaniwang Sakit sa Balat na Mayroon sa Pilipinas


Narebyung medikal ni

Angeli Eloise E. Torres, MD, DPDS

Dermatology · Makati Medical Center


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement