backup og meta

Vaseline: Ligtas ba Para sa Balat?

Vaseline: Ligtas ba Para sa Balat?

Ang Vaseline ay isang uri ng petroleum jelly na gawa sa mineral oils at natural waxes. Ito ay fatty, greasy, walang amoy, at tasteless substance. Ang produktong ito ay angkop para sa mga taong may tuyong balat. Dahil nagsisilbi itong pantakip sa ibabaw ng balat para makatulong na paginhawahin ang dry skin. Ligtas ba ang vaseline sa balat?

Kung hindi mo alam ang tamang paggamit ng vaseline, maaaring ang balat mo ay magkaroon ng baradong pores, mga allergy, at impeksyon sa sugat. Para mapanatiling malusog at maganda ang balat, alamin natin ang paggamit ng vaseline at mga paalala kapag gumagamit nito.

12 mga gamit ng Vaseline

Ligtas ba ang vaseline sa balat? Ang vaseline moisturizing wax ay pinagkakatiwalaang produkto ng marami. Madalas, nasa bag ito ng mga babae o sa cabinet ng pamilya. Ito ay may softening, moisturizing, at wound-soothing effects.

  1. Pinapanatiling moist ang balat 

Ang Vaseline moisturizing wax ay naglalaman ng mga sangkap mula sa mineral oil sa mga natural mineral. Kaya nakakatulong ito na mapabuti ang pagbabalat, pagbibitak, at tuyong balat. Ito ay maaari ring mag-moisturize ng balat para maging mas makinis at malusog.

Maaaring maging mas makinis ang mukha sa pamamagitan ng paglalagay ng kaunting Vaseline sa mukha. Sa panahon ng tag-lamig, maaari mo ring gamitin ang wax para sa ilong kung pakiramdam mo ay tuyo ang balat sa ilong. Dagdag pa rito, mahusay ding gamitin ang wax upang protektahan ang iyong mga kamay mula sa mga kalyo dulot ng sobrang paghawak.

  1. Ang Vaseline ay may kakayahang suportahan ang paggamot ng eczema

Ang eczema ay malalang skin condition. Nagdudulot ito ng iritasyon, pangangati, at langib. Kapag dumaranas ng sakit na ito, maraming tao ang madalas na gumagamit ng moisturizing wax upang mabawasan ang pangangati at makatulong sa paggamot sa sakit. Gayunpaman, kailangang maging maingat sa paggamit nito. Tanungin ang iyong doktor bago gamitin ang Vaseline moisturizing wax upang matiyak na ligtas itong gamitin para sa eczema.

  1. Pinagiginhawa ang minor injuries

Ang mineral oil wax ay ginagamit na pampaginhawa para sa pangangati at pagpapagaling ng balat. Ayon sa American Academy of Dermatology, maaari mong gamitin ang wax na ito upang makatulong sa paggaling ng hindi malalang sugat bilang natural barrier. Kaya gumagana ito na maiwasan ang impeksyon at mabawasan ang panganib ng mga keloid pagkatapos gumaling .

Ligtas ba ang Vaseline sa balat? Bago gamitin ang Vaseline moisturizer upang paginhawahin ang mga maliliit na sugat, dapat kumonsulta sa iyong doktor. Ito ay upang maiwasan ang paglala ng kondisyon.

  1. Ang Vaseline ay isang makeup remover

Maraming tao ang madalas na gumagamit ng mineral oil wax para alisin ang makeup at panatilihing moist ang balat, lalo na sa paligid ng mga mata. Kapag gusto mong alisin ang eye makeup, gumamit ng malambot na cotton pad na may vaseline at maingat na alisin ang makeup. Maging maingat sa paggawa nito para maiwasan ang eye allergies.

Tumutulong din ang mineral oil wax upang hindi dumikit sa anit ang hair dye at nail polish naman sa balat. Bago magkulay ng buhok, maaari kang maglagay ng conditioner sa bahagi ng hairline. Ito ay para maiwasan na dumikit ang hair dye sa anit na nagdudulot ng maraming side effects.

Kung sakaling gusto mong tanggalin ang nail polish, maaari kang maglagay ng layer ng wax sa balat ng iyong mga kamay para maging malambot at matanggal ang nail polish. Gumagana rin ang produktong ito na maiwasan ang pagkabasag at pagkaputol ng kuko.

  1. Tumutulong na maiwasan ang diaper rash

Ayon sa mga resulta ng isang pag-aaral noong 2013 (Efficacy ng petrolatum jelly para sa pag-iwas sa diaper rash: isang randomized clinical trial), makakatulong ang mineral oil wax na maiwasan ang diaper rash sa mga sanggol. Kapag wala kang magagamit na diaper rash cream sa bahay, maaari mong gamitin ang Vaseline moisturizing wax upang makatulong na maiwasan ang diaper rash sa iyong sanggol. Punasan at patuyuin ang balat ng iyong sanggol bago maglagay ng moisturizing wax.

  1. Tumutulong sa pag-aalaga ng mga labi

Madalas na tuyo at bitak ang mga labi mo na nagpapahirap sa pang-araw-araw na buhay. Ligtas ba ang Vaseline sa balat? Huwag mag-alala, ang Vaseline ay makakatulong sa iyo. Ito ay hindi lamang para sa makinis na mga labi pero para makamit din ang matambok na pout tulad ng lip gloss. 

  1. Umaalalay ang Vaseline sa proseso ng pag-ahit

Kapag nag-aahit at inaalala mo na ang iyong balat ay mairita o masira, subukang mag-pahid ng manipis na layer ng Vaseline sa lugar na aaahitin. 

  1. Paggamit ng Vaseline sa pag-exfoliate ng mga labi

Maglagay ng pinong sea salt at puting granulated sugar sa isang maliit na mangkok at pagkatapos ay idagdag ang Vaseline sa mixture. Pagkatapos, basain ang iyong mga labi ng maligamgam na tubig. Ipahid ang mixture sa iyong mga labi, at gumamit ng malambot na soft-bristled toothbrush para sa dahan-dahan na pag-scrub. Hayaan ito ng halos 30 minuto, pagkatapos ay hugasan ito ng maligamgam na tubig. Gawin mo ito 2-3 beses sa isang linggo upang linisin at pangalagaan ang malambot at makinis na labi.

  1. Paggamit ng Vaseline sa paggamot sa split ends

Upang limitahan ang tuyong buhok at split ends, maaari mong gamitin ang Vaseline para i-apply sa iyong buhok. Ang iyong buhok ay makaka-recover at bubuti pagkatapos ng humigit-kumulang 72 oras na paggamit.

  1. Nakakatulong ang Vaseline sa pag-shape ng kilay

Bago gumamit ng eyebrow pencil o mascara, maaari kang gumamit ng vaseline para i-shape ang iyong mga kilay upang magkaroon ng matalim at maayos na mga arko.

  1. Panatilihin ang bango ng pabango

Maaari kang maglagay ng Vaseline bago mag-spray ng pabango sa iyong katawan upang matulungan ang pabango na manatili sa iyong balat nang mas matagal.

  1. Iwasang magkaroon ng lipstick ang iyong mga ngipin

Sa mga importanteng mga miting at date, ang lipstick ang bestfriend ng  mga babae. Pero kung minsan sumasablay ito dahil ang lipstick ay dumidikit sa kanilang mga ngipin. Kaya subukang maglagay ng Vaseline sa loob ng iyong mga labi bago maglagay ng lipstick. 

Bukod sa mga praktikal na benepisyong ito ng Vaseline moisturizing wax, dapat mo ring malaman ang mga panganib na maaari mong makaharap kapag gumagamit ng mineral oil wax sa maling paraan.

Ligtas ba ang vaseline sa balat: Mga Paalala

Kung ikukumpara sa mga ordinaryong mineral na oil wax, ang Vaseline moisturizing wax ay maaaring bahagyang mag-iba sa kanilang dense na texture, lambot, at katangian ng amoy. Ligtas ba ang vaseline sa balat?

Gayunpaman, ligtas pa rin itong gamitin. Kung mali ang paggamit sa produktong ito, maaari itong magdulot ng pinsala sa kalusugan mo. Samakatuwid, kailangan mo ring tandaan ang ilang mga bagay kapag ginagamit ang vaseline sa pangangalaga ng katawan.

  1. Nakakabara ng pores

Ang mineral oil wax ay isa rin sa mga dahilan na pagbabara ng pores kung hindi tuluyang mawala ang wax pagkatapos ng mahabang araw. Ang kondisyong ito ay nagdudulot din ng mga blackheads, acne, at cystic acne.

Bago mag-moisturize, dapat mong linisin mabuti ang balat para mabawasan ang panganib ng pagkakaroon ng acne. Gayundin, alisin ang vaseline pagkatapos ng mahabang oras sa balat para makahinga ang balat.

  1. Ang mga side effect ng Vaseline ay maaaring maging sanhi ng mga allergy sa balat

Maaring allergic ang katawan mo sa ilang partikular na petroleum jelly-based waxes. Pwede kang makaranas ng mga sintomas ng allergy pagkatapos gumamit ng wax tulad ng mga pantal, pangangati, pamumula ng balat, pamamaga, paltos, o paninikip sa dibdib at lalamunan. Kapag nararanasan ang mga palatandaang ito, agad na pumunta sa pinakamalapit na medical facility para sa treatment.

  1. Mga epekto sa kalusugan

Ang ilang mineral oils na hindi alam ang pinagmulan ay maaaring makaapekto sa kalusugan. Kapag ginamit at nalanghap mo ang mga ito sa isang pagkakataon, nasa panganib ka na magkaroon ng pulmonya.

Madalas ding ginagamit ng maraming tao ang balm na ito bilang panlaban sa dry lips sa panahon ng winter. Gayunpaman, ang mga labi mo ay maaaring maging flaky at magdugo kung gagamit ka ng mga balm na may hindi natural na mga pabango, colorants, at iba pang nakakairita sa balat.

Upang maiwasan ang mga hindi magandang epekto, maglagay muna ng kaunting mineral oil wax sa mga kamay bago gamitin. Ito ay para malaman kung angkop sa balat mo ang produkto. Hindi mo rin dapat basta-basta gamitin ang produktong ito kung may sakit ka sa balat. Kumonsulta sa doktor bago ito gamitin. Sa panahon ng paggamit, ugaliin ang paglilinis ng balat at tamang paggamit ng produkto para sa mas maayos na pag-absorb.

Talagang hindi dapat gamitin ang Vaseline sa acne-prone skin, open wounds, at mga namamagang sugat. Kung mas gusto mong gumamit ng mas natural na mga produkto para palitan ang petrochemical ingredients, pwedeng gumamit ng beeswax, coconut oil, olive oil, at iba pa. Kailangan mo pa ring maging maingat sa paggamit ng natural ingredients. Dahil maaari silang maging sanhi ng allergy depende sa kung saan at paano mo ito ginagamit.

Key Takeaways

Ang mineral oil ay isa sa maraming uri ng balms na may maraming benepisyo. Gayunpaman, ang paggamit ng petroleum jelly ay maaaring makapinsala sa balat kung pipili ka ng mga hindi ligtas na produkto. Ligtas ba ang vaseline sa balat? Para sa mas epektibong paggamit ng mineral oil wax, dapat mong matutunan ang paggamit ng vaseline at sumangguni sa mga maaasahang wax sa merkado. 

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

The benefits of petroleum jelly, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/adult-health/multimedia/mayo-clinic-minute-petroleum-jelly/vid-20469256, Accessed July 5, 2022

Ask the Doctor: Is Vaseline a good face cream? https://www.health.harvard.edu/staying-healthy/is-vaseline-a-good-face-cream, Accessed July 5, 2022

5 ways to use petroleum jelly for skin care, https://www.aad.org/public/everyday-care/skin-care-secrets/routine/petroleum-jelly, Accessed July 5, 2022

 

Kasalukuyang Version

11/17/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Janie-Vi Villamor Ismael-Gorospe, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Paano Makaiwas Sa Sunburn, At Paano Ito Gamutin?

Gluta Drip: Para Saan Ito, At Safe Ba Ang Treatment Na Ito?


Narebyung medikal ni

Janie-Vi Villamor Ismael-Gorospe, MD

General Practitioner


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement