backup og meta

Vitamins Para Sa Buhok: Heto Ang Vitamins Na Dapat Mong Kainin

Vitamins Para Sa Buhok: Heto Ang Vitamins Na Dapat Mong Kainin

Madalas na binibili ng mga tao ang lahat ng skincare products para sa mukha, na minsan, nakakalimutan na nilang kailangan din ng kanilang buhok ang TLC. Sa artikulong ito, ibabahagi namin ang pinakamainam na vitamins para sa buhok at ilang tips upang mapanatiling malusog at matibay ang iyong buhok.

Kilalanin Ang Iyong Buhok

Pinoprotektahan ng buhok ang iyong anit at tumutulong din sa pagpapanatili ng maayos na temperatura ng katawan. Mapapansin mong tumutubo ito sa halos lahat ng bahagi ng katawan upang magbigay ng proteksyon.

Binubuo ng tatlong bahagi ang buhok:

  • Hair shaft. Ito ang nakikitang bahagi ng buhok na umaabot hanggang sa ibabaw ng balat.
  • Root. Ito ang malambot at makapal na bulb kung saan nakakabit ang hibla ng buhok. Ito ang nagpapakapit sa bawat hibla ng buhok sa posisyon nito.
  • Follicle. Ang hukay na tulad ng sac na nakalubog sa balat upang payagan ang pagtubo ng buhok.

Ang papilla ay nasa baba ng follicle na kung saan tumutubo ang buhok. Mayroon itong artery na nagbibigay ng nutrisyon sa hair root. Upang mapatigas ang structure, lumalaki ang mga cell na ito at gumagawa ng keratin. 

Narito naman ang tatlong magkakaibang layer ng buhok:

  • Medulla (gitnang bahagi)
  • Cortex (ang pangunahing bahagi na pumapalibot sa medulla)
  • Cuticle (ang matigas na labas na bahagi na responsable sa pagprotekta sa shaft)

Paano Tumutubo Ang Buhok?

Patuloy na tumutubo ang buhok kasabay ng pagbuo ng bagong cells sa ibaba (base) ng root. Naghihiwalay at dumarami ang cells na ito upang bumuo ng tissue rod sa balat. Sa paglipas ng panahon, matatanggal ito sa pinagmumulan ng nourishment at magsisimulang gumawa ng hard protein na keratin. Bilang resulta ng prosesong tinatawag na keratinization, kalaunan ay mamamatay ang mga hair cell. Ang mga dead cell na ito at keratin ang bumubuo sa hair shaft.

May ilang ekspertong naniniwala na ang hitsura at kondisyon ng buhok ng isang tao ay mahalagang indikasyon ng edad at ng kabuuang kalusugan ng katawan. Kapag nagkasakit ang isang tao o naging malnourished, titigil pansamantala ang pagtubo ng buhok. Ang malulubhang kondisyon, tulad ng cancer, ay madalas na nauuwi sa pagkalagas ng buhok. Kaya naman, mahalagang magkaroon ng vitamins para sa buhok upang tumubo ito nang malusog at mahaba.

Ano Ang Pinakamainam Na Vitamins Para Sa Buhok?

Makatutulong ang pagdaragdag ng vitamins para sa buhok, gaya ng vitamins A hanggang C upang mapanatili ang malusog na buhok.

Vitamin A

Ang vitamin A ay isang fat-soluble group ng retinoids kabilang ang retinol, retinal, at retinyl esters. Ginagampanan nito ang iba’t ibang gawain sa katawan, gaya ng mga sumusunod:

  • Vision
  • Immune function
  • Cellular growth and differentiation (kabilang ang kalusugan ng buhok at anit)

Ang produksyon ng sebum, na nagpapanatili ng moisture sa buhok, ay kailangan din ng tulong ng vitamin A. Gayunpaman, ang sobrang pagkonsumo ng vitamin A ay maaaring mauwi sa pagkalagas ng buhok. Sa parehong paraan, ang kakulangan ng vitamin A ay maaaring maging sanhi ng makaliskis, tuyo, at nalalagas na buhok. Ito ang dahilan kung bakit mahalagang mapanatili ang homeostasis para sa mas malusog na buhok.

B Vitamins

Nagtataglay ang vitamin B complex ng walong water-soluble vitamin substances na tumutulong sa cell metabolism:

  • Thiamine (vitamin B1)
  • Riboflavin (vitamin B2)
  • Niacin (vitamin B3)
  • Pantothenic acid (vitamin B5)
  • Vitamin B6
  • Biotin (vitamin B7)
  • Folate
  • Vitamin B12

Ang vitamin B6, folic acid, at vitamin B12 ang ilan sa vitamins para sa buhok na nakaaapekto sa pagtubo ng buhok. Mahalaga ang mga vitamin na ito para sa tamang produksyon at development ng red blood cells, na nagdadala ng oxygen sa tissues tulad ng buhok. 

  • Isda
  • Atay
  • Baboy
  • Itlog
  • Wheat germ
  • Beans at peas (parehong luto at tuyo)
  • Soybreans
  • Oats
  • Mani
  • Berde at madadahong gulay
  • Saging
  • Avocado
  • Cauliflower

Samantala, maaari kang makakuha ng vitamin B12 sa mga animal product. Kabilang naman sa mga pagkaing may folic acid ang:

  • Berde at madadahong gulay
  • Brewer’s yeast
  • Broccoli
  • Fortified cereals
  • Citrus fruits
  • Whole grains
  • Kamatis

Ayon sa American Academy of Dermatology, ang pagkakaroon ng sapat na biotin mula sa pagkain o supplements ay kayang makatulong sa pag-aalaga ng mga kuko, at pagtubo at pagkapal ng buhok.

Vitamin C

Alam ng maraming tao ang vitamin C, o ang ascorbic acid, bilang makapangyarihang antioxidant. Gumagana ito sa pamamagitan ng pagpigil sa oxidation ng low-density lipoproteins at ang pagkasira mula sa free radicals. Nagsisilbi rin itong reducing mediator para sa collagen fiber synthesis ng hydroxylating lysine at proline. Dahil sa chelating at reducing effects nito, mahalaga ang vitamin C para sa iron mobilization at intestinal absorption. Bilang resulta, mahalaga ang pag-inom ng vitamin C para sa mga pasyenteng nalalagasan ng buhok dulot ng kakulangan sa iron.

Bukod sa vitamins para sa buhok, may iba pang sustansyang nakaaapekto sa pagtubo at development ng buhok:

  • Zinc
  • Iron
  • Calcium
  • Copper
  • Selenium
  • Silicon
  • Magnesium
  • Protein

Iba Pang Tips Upang Mapanatiling Malusog Ang Buhok

Maaari mo ring isama ang madadaling dermatology tips na ito upang mapanatiling malusog at mahaba ang buhok:

  • Kung may oily hair ka, puwede mong dalasan ang paglilinis ng buhok
  • Matapos ang bawat paggamit ng shampoo, maglagay ng conditioner at mag-concentrate sa dulo ng buhok.
  • Piliin ang mga produktong pambuhok, lalo na ang shampoo at conditioner na akma sa klase ng iyong buhok.

Key Takeaways

Madalas, makakakita ka ng mga taong nagbabago ng hairstyles. May mga gustong magkaroon ng maikling buhok habang mas gusto naman ng iba ang mahaba. Mayroon ding pinipiling magtina ng buhok ng kulay na nais nila. Anuman ang kaso, mahalagang mapangalagaan ang iyong buhok. 
Isa sa mga paraang puwedeng gawin ay ang pagdadagdag sa iyong pagkain ng vitamins para sa buhok. Tandaan ang mga nabanggit sa itaas na vitamins at supplements upang ma-enjoy ang makinang at malusog na buhok.

Matuto pa tungkol sa pangangalaga ng buhok at anit dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Nutrition of women with hair loss problem during the period of menopause – Zuzanna Sabina Goluch-Koniuszy, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/27095961/, Accessed February 3, 2022

Tips for Healthy Hair, https://www.aad.org/public/everyday-care/hair-scalp-care/hair/healthy-hair-tips, Accessed February 3, 2022

Four Nutrients for Hair, Nail, and Skin Health, https://foodinsight.org/4-nutrients-to-eat-for-better-skin-hair/, Accessed February 3, 2022

The Role of Vitamins and Minerals in Hair Loss: A Review – Hind M. Almohanna, Azhar A. Ahmed, John P. Tsatalis, and Antonella Tosti, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6380979/, Accessed February 3, 2022

Nutrition for Hair Regrowth, https://www.sutterhealth.org/ask-an-expert/answers/nutrition-for-hair-regrowth, Accessed February 3, 2022

Skin, Hair, and Nails, https://kidshealth.org/en/teens/skin-hair-nails.html, Accessed February 3, 2022

Kasalukuyang Version

05/27/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Mae Antalan, MD


Mga Kaugnay na Post

Para Saan Ang Vitamin B12? Heto Ang Mga Dapat Mong Malaman

Kailan Dapat Inumin Ang Vitamin C: Tuwing Umaga Nga Ba?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement