Napakalaki at komplikadong organ ang ating balat kaya naman iniiwasan ng marami sa’tin ang pagkakaroon ng pamumula sa balat gaya ng rashes. Maaari kasing maging palatandaan ito ng pagkakaroon ng mga problema at sakit sa balat na dapat mong tugunan.
Ang pamumula sa balat ay hindi dapat balewalain lalo na kung naging rashes ito at nagkaroon ka ng mga sumusunod: pagsusugat, panunuyo, pangangati, at paghapdi ng balat. Kaya naman mahalaga na malaman mo ang ugat ng pamumula ng iyong balat para sa wastong medikal na atensyon.
Narito ang mga sumusunod na dahilan ng pamumula sa balat:
- Allergic reactions o exposure sa mga allergen
- Pagkakaroon ng bacterial infection
- Bisyo
- Kakulangan sa vitamin D
- Pagkakaroon mo ng disorder sa immune system
- Reaksyon ng iyong katawan at balat sa gamot na iniinom
- Pagiging dry ng balat
- Pagkakaroon ng matinding stress
- Pagtama ng balat o katawan sa mga bagay na mabigat
- Napalo o nahampas
Bukod pa sa mga nabanggit maaari rin na magkaroon ng pamumula sa balat ang isang tao dahil sa iba’t ibang kondisyon ng balat gaya ng mga sumusunod:
- Contact dermatitis
- Eczema
- Ringworm/Tinea corporis
- Seborrheic dermatitis
- Psoriasis
- Dermatographism
- Heat rash
- Intertrigo
- Shingles