backup og meta
Matuklasan
Mga Health Tool
Magtanong sa Doktor
I-save

Pampaputi Ng Singit, Anu-ano Ba Ang Mga Paraan Na Puwedeng Subukan?

Narebyung medikal ni Martha Juco, MD · Aesthetics


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

    Pampaputi Ng Singit, Anu-ano Ba Ang Mga Paraan Na Puwedeng Subukan?

    Ang pagkakaroon ng maitim na singit ay isang karaniwang skin concern anuman ang kulay ng balat. Kaya naman ang pampaputi ng singit ang gustong malaman ng marami. 

    Sa maraming kaso, ang hyperpigmentation ay nangyayari dahil sa friction mula sa masikip na damit, dry skin, chafing, o anumang uri ng matagal na pangangati sa balat. Kasama sa iba pang factors na nag-aambag ang ilang partikular na gamot, hormonal changes sa panahon ng pagbubuntis at regla, at mga kondisyon sa kalusugan, gaya ng eczema, polycystic ovary syndrome, at acanthosis nigricans.

    Kung naghahanap ka ng mga paraan kung paano paputiin ang singit, maaaring makatulong ang mga sumusunod na natural na remedyo na suportado ng agham:

    1. Aloe Vera

    Maaaring magulat ka na ang aloe vera ay hindi lamang nakakatulong mag moisturize ang balat; maaari rin itong makatulong sa pagpapagaan ng hyperpigmentation. 

    Ipinakita ng isang pag-aaral na ang aloe vera extract at ang sangkap nito na tinatawag na aloin ay maaaring magsama-sama ng melanin, isang natural na pigment na nagbibigay ng kulay sa balat. Kadalasan, kung mas maraming melanin ang mayroon ka, mas maitim ang kulay ng iyong balat. 

    Ipinakita ng pananaliksik na ang pagsasama-sama ng melanin ay humahantong sa pagpapaputi ng balat . [1]”

    Maaari kang gumamit ng sariwang aloe vera gel at ipahid ito sa iyong singit. Hindi na kailangang banlawan. Maaaring gumamit ng skincare products na naglalaman ng aloe vera extract at aloin. 

    2. Vitamin C

    Kung naghahanap ka ng mga paraan na pampaputi ng singit, subukan ang vitamin C.

    Napagpasyahan ng isang ulat noong 2020 na ang vitamin C ay maaaring humadlang sa melanin synthesis. At ito ay “malawakang ginagamit sa dermatology bilang treatment sa depigmentation ng hyperpigmented spot sa balat. [2]” 

    May isa pang bentahe ang vitamin C. Maaari nitong “gamutin at maiwasan ang mga pagbabago kaugnay ng photoaging.” [3]”  Ang photoaging ay ang premature aging ng balat dahil sa paulit-ulit na exposure sa UV radiation. 

    Ang Vitamin C ay available sa oral preparations. Para sa pagpapaputi, maaaring bigyan ka ng dermatologist ng topical  vitamin C na mga cream, serum, o concentrates.

    Gumagamit naman ang iba ng kalamansi o lemon juice dahil sa taglay nitong vitamin C. Gayunpaman, tandaan na ang lemon at kalamansi ay acidic at maaaring magdulot ng pagkatuyo at pangangati, lalo na kung ikaw ay may sensitibong balat.  

    3. Kojic Acid

    Ang Kojic acid ay isang sikat na sangkap sa pampaputi ng singit.

    Inirerekomenda ng American Academy of Dermatology (AAD) ang paggamit ng skincare product na naglalaman ng kojic acid upang maging pantay ang kulay ng balat o mag lighten ang mga dark spot. 

    Gayunpaman, binanggit din ng AAD na ang skin-lightening ingredients, tulad ng kojic acid, ay malamang na maging mas epektibo kapag tinanggal ang mga nagdudulot ng hyperpigmentation [4].

    4. Retinoid

    Kasama ng kojic acid, inirerekomenda din ng AAD ang mga retinoid, na kinabibilangan ng retinol, adapalene gel, at tretinoin [4]. 

    Sinasabi ng mga eksperto na gumagana ang tretinoin cream sa pamamagitan ng pagpapaputi ng balat at pagpapalit ng mas lumang balat ng mas bagong balat [5].

    Pampaputi ng Singit: Mga Karagdagang Paalala 

    Gaya ng nabanggit ng AAD, pinakamahusay na gumagana ang mga produktong pampaputi ng singit kapag naalis mo ang pinagmulan ng hyperpigmentation. 

    Sa kaso ng maitim na singit, ang mga karaniwang sanhi ay kinabibilangan ng friction at pangangati ng balat. Narito ang mga paraan kung paano pumuti ang singit:

    • Pag-iwas sa chafing dahil sa friction. Subukan ang pagsusuot ng cycling shorts sa ilalim ng iyong damit o palda. 
    • Pag-iwas sa pangangati mula sa friction at pawis sa pamamagitan ng pagsusuot ng magaan at breathable na mga pang-ibaba at damit na panloob. Siguraduhing hindi sila masikip.
    • Maging maingat sa paraan ng pag-wax at pag-ahit.

    Kung plano mong gumamit ng over-the-counter na mga produktong pampaputi ng balat, siguruhing mag research. I-check kung allergic ka sa isa sa mga sangkap. Tiyaking mahigpit na sundin ang mga tagubilin upang maiwasan ang mga komplikasyon.

    Gayundin, huwag kalimutang magsagawa ng patch test bago ganap na gamitin ang produkto. Maglagay ng konti sa isang patch ng balat (karaniwan ay ang panloob na braso malapit sa siko). Maghintay ng 24 na oras, at tingnan kung magkakaroon ng masamang reaksyon ang balat tulad ng pamumula o pangangati. Kung mapapansin mo ang gayong mga reaksyon, huwag gamitin ang produkto. 

    Panghuli, ang pinakamahalagang tip sa pampaputi ng singit ay ang kumunsulta sa isang dermatologist. Matutulungan ka nila na matukoy ang mga factors na nagpapaitim sa singit. Magrerekomenda sila ng mga naaangkop na paggamot.   

    Key Takeaways

    Ilan sa mga posibleng paraan ng pampaputi ng singit ay ang paggamit ng aloe vera, vitamin C, kojic acid, at retinoid. May posibilidad na maging mas epektibo ang mga ito kapag inalis mo ang mga pinagmumulan ng hyperpigmentation ng balat. 
    Kung ang mga ito ay hindi naging epektibo, pinakamahusay na makipag-ugnayan sa isang dermatologist.

    Disclaimer

    Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

    Narebyung medikal ni

    Martha Juco, MD

    Aesthetics


    Isinulat ni Corazon Marpuri · a

    advertisement iconadvertisement

    Nakatulong ba ang artikulong ito?

    advertisement iconadvertisement
    advertisement iconadvertisement