backup og meta

First aid sa hyperventilation: Heto ang mga dapat mong gawin

First aid sa hyperventilation: Heto ang mga dapat mong gawin

Ang hyperventilation ay isang kondisyon kung saan ang isang tao ay nahihirapan sa mabilis at malalim na paghinga. Karaniwang sintomas ng hyperventilation syndrome ang madalas na over-breathing. Kung sa tingin mo ay nagha-hyperventilate ka, gawin agad ang first aid sa hyperventilation.

Sintomas

Ang sintomas ng hyperventilation ay ang hindi natural na mabilis o malalim na paghinga. Nagdudulot ito ng high pulse rate at pakiramdam na panghihina o pagkahilo, na maaaring may cramping sa mga kamay at paa mo.

Mga Dahilan ng Hyperventilation

Medikal na Dahilan

  • Pagdurugo
  • Pagbubuntis
  • Matinding sakit
  • Mga problema sa puso tulad ng atake sa puso o heart failure
  • Mga sakit sa baga, tulad ng hika, COPD, at pulmonary embolism
  • Overdosing sa mga gamot tulad ng aspirin

Ginagamit ng katawan ang hyperventilation bilang paraan na makayanan ang ilang sensation.

Emosyonal na mga kadahilanan

Kapag ang katawan nag-panic, pangkaraniwang nangyayari ang hindi makontrol na paghinga.

Blood Constriction at Hyperventilation

Habang maaaring isipin ng ilang tao na ang hyperventilation ay sanhi ng kakulangan ng hangin, hindi sumasang-ayon dito ang agham. Ayon sa physiology, ang hyperventilation ay hindi talaga air problem kundi isang blood problem.

Ang nangyayari sa internal level ay vasoconstriction. Ito ay sanhi ng pagbawas ng carbon dioxide sa mga artery na konektado sa puso. Dahil may kakulangan ng carbon dioxide sa daloy ng dugo, ang bahagyang pressure nito ay bumababa. Nangyayari sa katawan mo ang respiratory alkalosis. Ibig sabihin ang pH level ng dugo ay nagbabago sa pamamagitan ng pagtaas ng alkalinity o pagbaba ng acidity. 

Dahil sa pagbabagong ito nagkakaroon ng pagsisikip ng maliliit na blood vessels na kilala bilang vasoconstriction. Ito ay lalong nakaka-alarma kapag nakaapekto ito sa blood vessels na nagsu-supply ng dugo sa utak. t ito ang dahilan kung bakit kasama rin sa mga sintomas ng hyperventilation ang pagkahilo at tingling ng mga daliri. Sa mga malalang kaso, maaaring mahimatay ang pasyente dahil sa hyperventilation at paghihigpit sa daloy ng dugo sa utak.

First Aid sa Hyperventilation

Dahil ang hyperventilation ay isang bagay na na-trigger at nangangailangan ng agarang pangangalaga, ang mga essentials madali para sa first aid sa hyperventilation.

Emotional First Aid

Ang main focus para sa first aid sa hyperventilation ay ang air intake sa isang kontroladong bilis. Gayunpaman, kung emosyonal ang mga sanhi, mas angkop ang emosyonal na first aid tulad ng reassurance at calming techniques.

Ang emotional responses sa isa pang kilalang kondisyon ay halos pareho ng hyperventilation: anxiety

Physical First Aid

Para sa physical recovery, may ilang technique sa first aid sa hyperventilation. Narito para itaas ang bahagyang pressure ng carbon dioxide sa dugo:

1. Pursed-Lip Breathing

Narito kung paano ito gawin:

  • Gaya ng katawagan nito, dapat gawin ng pasyente ang pag-purse ng mga labi, na parang sumisipol, at gawin ang kontroladong paghinga hangga’t maaari.
  • Pisilin ang isang butas ng ilong at huminga sa ilong. Gumagana di ito kung ang air intake ay limitado.
  • Kung maaari, ang pagkontrol o paghinga ng mabagal sa isang paghinga bawat limang segundo ay gumagana. Ang isang karaniwang technique nito ay ang belly breathing.

2. Belly Breathing

Isa pang first aid sa hyperventilation ang belly breathing, na pwedeng gawin ng nakatayo. Pero mas mabuting gawin ito ng nakahiga na nakabaluktot ng mga tuhod. Kapag ginagawa ang belly breathing:

  • Ilagay ang isang kamay sa ibaba mismo ng iyong ribs at isa pa sa iyong dibdib.
  • Huminga ng malalim sa pamamagitan ng iyong ilong at punuin ng buo ang iyong mga baga. Bigyang-pansin ang iyong tiyan na itinutulak ang iyong kamay pasulong, ngunit subukan at panatilihin ang chest level mo.
  • Huminga sa pamamagitan ng pursed lips at gamitin ang iyong kamay upang dahan-dahang itulak ang lahat ng hangin palabas habang dahan-dahan kang humihinga.
  • Ulitin ito ng 3 hanggang 10 beses o nang maraming beses hangga’t kinakailangan upang mapabagal ang paghinga.

3. Paper Bag Technique

May isang classic at timeless na first aid sa hyperventilation: paper bags. Mahalagang mag-ingat sa pamamaraang ito dahil maaari rin itong maging sanhi ng pagbaba ng oxygen levels sa katawan.

  • Gumawa ng 6 hanggang 12 na paghinga sa natural na bilis. 
  • Hawakan ang maliit na paper bag sa iyong bibig at ilong habang humihinga.
  • Epektibo rin ito kapag ginawa bago ang belly breathing o gawing alternate ang dalawa hanggang sa ang rate ng paghinga ay sapat na mapabagal. 

Tandaan na ang method na ito ay hindi dapat gawin kung may heart o lung problems ka. Ang paggamit nito sa matataas na lugar ay maaaring gawing mas mababa ang dami ng hangin kaysa sa inaasahan, kaya hindi rin ito dapat gawin. Ang mga plastic bag ay hindi angkop na pamalit sa mga paper bag dahil pinipigilan nila ang air exchange. Kung kailangan, siguraduhing alisin ang plastic bag sa iyong bibig at ilong sa pagitan ng paghinga.

Kailan Dapat Pumunta sa Doktor?

Kung unang beses mong maranasan ang hyperventilation o rapid breathing at hindi ka na-diagnose ng kahit anong maaaring sanhi nito, isa itong medical emergency. Pumunta agad sa ospital at humingi ng medikal na tulong at first aid sa hyperventilation. Ganoon din kapag nakakaranas ka ng pananakit, nilalagnat, o labis na pagdurugo. 

Kung ang mga home remedy tulad ng belly breathing ay nagpalala kaysa mas makabuti, kailangan ding pumunta sa ospital. Sa pangkalahatan, ang mga hindi nauugnay na sintomas o hindi kilalang dahilan ay nangangailangan ng medikal na atensyon.

Key Takeaways

Ang hyperventilation ay sanhi ng panic. Pero hindi ibig sabihin na mag-panic din tayo. Ito ang dahilan kung bakit kapaki-pakinabang ang pag-aaral ng first aid sa hyperventilation. Hangga’t alam natin kung ano ang dapat gawin at kung paano ito gagawin, matutulungan natin ang ating sarili at ang mga tao sa ating paligid na mabilis na maka-recover. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Hyperventilation, https://medlineplus.gov/ency/article/003071.htm, Accessed July 8, 2020

Hyperventilation, https://www.sja.org.uk/get-advice/first-aid-advice/breathing-difficulties/hyperventilation/, Accessed July 8, 2020

Hyperventilation, https://www.sciencedirect.com/topics/medicine-and-dentistry/hyperventilation, Accessed July 8, 2020

Hyperventilation, https://www.britannica.com/science/hyperventilation, Accessed July 8, 2020

Hyperventilation, https://www.uofmhealth.org/health-library/hypvn#tp2790, Accessed July 8, 2020

Kasalukuyang Version

06/14/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

5 Dapat Mong Gawin Kapag Tinamaan Ng Kidlat Ang Iyong Anak!

Safety sa Swimming Pool: Ano Ba Ito at Bakit Ito Mahalaga?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement