backup og meta
Matuklasan
Mga Health Tool
Magtanong sa Doktor
I-save

Safety sa Swimming Pool: Ano Ba Ito at Bakit Ito Mahalaga?

Sinuri ang mga impormasyon ni Jan Alwyn Batara


Isinulat ni Fiel Tugade · a

    Malapit na naman ang panahon ng tag-araw at isa sa pinakasikat na paraan upang matalo ang init ay ang sa pamamagitan ng paglangoy. Gayunpaman, hindi lang dapat puro kasiyahan ang iniintindi. Ang paglangoy sa mga pool at iba pang anyong tubig ay maaari pa ring magdulot ng ilang panganib. Ang pag-alam kung ano ang safety sa swimming pool tips at kung paano ang mga ito maisasakatuparan ay higit na kailangan. Bagaman nagtatagal lamang ng ilang segundo ang mga aksidente sa tubig, maaari pa ring magresulta ang mga ito sa ilang mga pinsala o minsan maging kamatayan.

    https://wp.hellodoctor.com.ph/fil/healthy-habits-fil/pangunang-lunas/first-aid-tips/

    Ano ang Safety sa Swimming Pool?

    Kabilang ang pagkalunod sa mga nangungunang sanhi ng injury-related death sa mga batang wala pang 4 taong gulang, pati na rin sa mga teenager. Ang mga mahihinang manlalangoy, lalo na ang mga bata, ay hindi dapat iwanan nang walang kasama sa tubig. Kung maganap ang isang aksidente, kahit na mabuhay sila, maaari itong mag-iwan sa kanila na magkaroon ng pinsala sa utak. Ang mga pangmatagalang kapansanan ay nangyayari sa 5% hanggang 10% ng mga kaso ng pagkalunod sa pagkabata. Maaari silang maparalisa o humantong sa vegetative state.

    Ang pag-unawa sa kung ano ang safety sa swimming pool ay makatutulong sa iyong maiwasan ang mga ganitong aksidente at magbibigay sa iyo ng kapayapaan ng isip habang ikaw o ang iyong pamilya ay nagsasaya sa ilalim ng araw.

    Ano ang Kailan Mong Tandaan Pagdating sa Safety sa Swimming Pool?

    Susi ang supervision

    Dapat bantayan ang mga bata sa lahat ng oras kapag nasa paligid sila ng pool. Nasa pinaka-panganib ang maliliit na bata marahil maaari silang malunod sa mas mababa sa 2 pulgada ng tubig sa loob lamang ng 30 segundo. Kahit na marunong lumangoy ang bata, hindi nagagarantiya ang 100% laban sa pagkalunod o mga kaugnay na pinsala. Baka madulas sila sa deck at matamaan ang ulo, mawalan ng malay, mahulog at tuluyang malunod. Para sa mga nag-aaral pa kung paano lumangoy, ang isang nasa hustong gulang o mas may karanasan na manlalangoy ay dapat abot kamay lang ang layo sa kanila. Tandaan: ang mga flotation device ay hindi dapat magsilbing kapalit ng supervision. 

    Mag-invest sa swimming lessons

    Ang pag-aaral kung paano lumangoy ay mahalaga para sa sarili man o para sa iyong anak. Maaaring magsimulang mag-aral ang mga bata sa edad na 1 taong gulang at may mga lessons naman na bukas para sa magulang at anak.

    Matutong isagawa ang CPR

    Ang cardiopulmonary resuscitation ay isang kapaki-pakinabang na pamamaraan sa maraming mga emergency na sitwasyon. Ito ay tiyak na nasa ilalim ng saklaw ng kung ano ang safety sa swimming pool. Kung hindi mo alam kung paano magbigay ng CPR, gawin ang hands-only method: isagawa ang 100 hanggang 120 chest compression sa isang minuto hanggang sa dumating ang mga medic. Ngunit kung mayroon kang training, i-check kung may pulso at hininga ang bata. Kung wala, simulan ang mga chest compression. Magbigay ng 30 bago magbigay ng dalawang rescue breaths.

    Ang mga maliliit na bata at sanggol — maliban sa mga bagong silang — ay maaaring makinabang sa CPR. Ang first-aid na ito ay nagpapanatili ng oxygen-carrying blood sa utak at iba pang mga organ hanggang sa dumating ang mga propesyonal. Kung wala ang puso na siyang nagbobomba ng dugo, hihinto ang oxygen sa pag-abot sa utak, na siya namang nagreresulta sa pinsala.

    Ang mga aksidente sa paglangoy ay nangyayari hindi lamang sa mga bata, kundi pati na rin sa mga matatanda. Sa mga sitwasyong iyon, maaari kang magsanay ng safety sa swimming pool sa pamamagitan ng mga sumusunod:

    • Alamin ang mga limitasyon at kakayahan ng iyong physical fitness o anumang kondisyong medikal na maaaring maging mas prone sa mga aksidente sa tubig.
    • Lumangoy nang matino at hindi lasing.
    • Tumawag ng tulong.
    • Huwag lumangoy nang mag-isa; kung hindi kasama ng iyong mga kapamilya o kaibigan, siguraduhing may mga lifeguard sa paligid.
    • Sa mga natural na anyong tubig, magkaroon ng kamalayan sa kapaligiran ng tubig na iyong kinaroroonan – agos ng ilog o karagatan, temperatura, hindi malinaw na tubig, mga panganib sa ilalim ng tubig (mga sea urchin o iba pang hayop).

    Key Takeaways

    Ang bawat outdoor activity ay may kanya-kanyang pros at cons, at hindi naiiba ang paglangoy dito. Para sa mga gumawa ng beeline para sa pool ay dapat magkaroon ng kamalayan sa kung ano ang safety sa swimming pool, gayundin sa iba pang anyong tubig tulad ng mga beach o lawa. Laging tandaan na magkaroon ng supervision kapag ikaw o ang isang bata ay lumalangoy. Ang pag-aaral kung paano lumangoy ay isang plus factor din. Ang mga first-aid techniques tulad ng CPR ay palaging isang handy skill, hindi lamang sa mga swimming accident emergencies.

    Alamin ang iba pa tungkol sa Pangunang Lunas dito.

    Disclaimer

    Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

    Sinuri ang mga impormasyon ni

    Jan Alwyn Batara


    Isinulat ni Fiel Tugade · a

    advertisement iconadvertisement

    Nakatulong ba ang artikulong ito?

    advertisement iconadvertisement
    advertisement iconadvertisement