backup og meta

Ano ang HIIT: Narito Ang Lahat ng Dapat Mong Malaman Upang Makapagsimula

Ano ang HIIT: Narito Ang Lahat ng Dapat Mong Malaman Upang Makapagsimula

Itinulak ng pandaigdigang pandemya ang mga taong sumubok ng iba’t ibang bagay lalo na pagdating sa pagpapanatili ng kanilang fitness at pagpapabuti ng kalusugan. Narinig mo na ba ang mga fitness enthusiast na nagsalita tungkol sa HIIT at LIT? Ano ang HIIT? 

Ano ang HIIT?

Ang high-intensity interval training, o HIIT, ay tumutukoy sa uri ng cardio exercise na isinasagawa nang maikli ngunit matindi. Kabilang dito ang alternating short speed at recovery intervals upang itaas ang kabuoang intensity ng iyong workout. 

Sa scale na 1-10, pipiliin mo ang exertion na 7 o mas mataas. Ibig sabihin nito, kapag mas mataas ang intensity, mas maikli ang speed interval.

Ang mga atleta at fitness enthusiasts ay gumagamit ng HIIT upang matamo ang performance goals at ma-improve ang fitness at well-being.

Ano ang HIIT at mga Benepisyo Nito?

Maraming paraan kung paano nakapagbibigay ng benepisyo ang ehersisyong ito sa mga tao.

Isang mabisa at efficient na anyo ng ehersisyo

Isa sa magandang bagay tungkol sa HIIT workouts ay time-efficient ito, na nagpapadali para sa iyo na kompletuhin ang kinakailangang oras ng ehersisyo. 

Kadalasang tumatagal ng 30 minuto ang HIIT workout,  bagaman may mga workout na pwedeng matapos sa loob lamang ng apat na minuto. Ayon sa mga pag-aaral, maaari kang magkaroon ng karagdagang improvement sa loob ng 15 minuto ng interval training kumpara sa magagawa mo sa isang oras na treadmill jogging. Maganda ito para sa mga taong may trabaho sa araw o may gawaing dahilan na pagiging abala nila sa araw.  

Dagdag pa, hindi nangangailangan ng karagdagang kagamitan ang HIIT workouts upang magawa ang ehersisyong ito. Pwede mong magawa ang buong routine kahit may maliit ka lamang na espasyo sa bahay o sa kung saan man.

Nakatutulong na masunog ang mga taba at calories

Itinutulak ng HIIT ang iyong katawan na sunugin ang iyong taba para maging energy kaysa carbs. Pinagaganda nito ang efficiency ng fat loss.

Makatutulong itong masunog ang fat nang mabuti habang nagiging mas fit ka, mas malakas, at mas athletic. Pinapanatili nito ang pagkakaroon ng high-functioning state ng iyong katawan matapos ang makapag-workout. 

Dinadagdagan ang metabolismo

Pinalalakas ng ganitong uri ng mga workout ang produksyon ng iyong human growth hormone, na tumutulong sa pagsunog ng fat at sa muscle maintenance. Tumataas ito ng 450% sa 24 na oras kasunod ng workout. Kaya naman, pinalalakas nito ang iyong metabolismo sa mabilis na pagkakataon at napabubuti ang kabuoang metabolic rate matapos ang serye ng mga HIIT session.

Paano Ka Makabubuo ng Sarili Mong HIIT Exercise Program

Ang pagbuo ng sarili mong workout plan ay nangangailangan ng pagtatakda ng intensidad, dalas, at haba ng workout at panahon ng pagpapahinga

Habang ginagawa ang high-intensity work interval, ang heart rate mo ay dapat nasa 80% ng nakalkulang maximum heart rate. Samantala, ang recovery interval ay dapat na nasa 40-50% na maximal heart rate intensity. Kahanay nito ang relaxing  physical activity na makatutulong na maka-recover at makapaghanda para sa susunod na pagpapapawis.

Dagdag pa rito, mayroon ding ibang bagay na kailangang tandaan upang maisagawa ang HIIT agad. Ito ang mga sumusunod:

  • Palaging simulan ang sesyon sa warm-up at magtapos sa cooldown.
  • Pansinin ang iyong form
  • Huwag kalimutang mag-hydrate at uminom ng tubig at kumain
  • Bigyan ng pagkakataon ang iyong sariling magkaroon ng recovery day at planuhin nang mas maaga palagi ang iyong susunod na mga sesyon.

Key Takeaways

Ano ang HIIT? Ang HIIT ay isang napakagandang anyo ng ehersisyo na maisasabay sa iyong workout routine kung nais mong lumakas pati ang iyong muscle endurance o kung nais mo lang pumayat. 

Ngunit tandaang ang pinakamabisang workout program ay ang kayang gawin at ipagpatuloy sa paglipas ng mga panahon. Kumonsulta sa iyong doktor o trainer para sa mas akmang exercise routine para sa iyo.

Matuto pa tungkol sa fitness dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

High-Intensity Interval Training, https://www.acefitness.org/education-and-resources/lifestyle/blog/6752/high-intensity-interval-training/ Accessed November 19, 2021

High-intensity interval training – Fact Sheet, https://www.acsm.org/docs/default-source/files-for-resource-library/high-intensity-interval-training.pdf Accessed November 19, 2021

High-Intensity Interval Training: For Fitness, for Health or Both?, https://www.acsm.org/all-blog-posts/acsm-blog/acsm-blog/2019/08/16/high-intensity-interval-training-for-fitness-for-health-or-both Accessed November 19, 2021

Top 5 Benefits of HIIT  Workouts, https://myy.org/top-5-benefits-of-hiit-workouts/ Accessed November 19, 2021

What Is HIIT and its benefits, https://www.activehealth.sg/read/physical-activity/what-is-hiit-and-its-benefits Accessed November 19, 2021

Kasalukuyang Version

02/13/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

7 Full body exercises na makatutulong sa iyong kalusugan

Anu-Ano Ang Benepisyo Ng Aerobics Sa Kalusugan?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement