backup og meta

Para Saan Ang Dimetapp? Heto Ang Dapat Mong Tandaan

Para Saan Ang Dimetapp? Heto Ang Dapat Mong Tandaan

Paraan Ng Paggamit

Para Saan Ang Dimetapp Cold & Cough?

Ang Dimetapp Cold & Cough ay karaniwang ginagamit upang lunasan ang sakit sa ulo, lagnat, sakit sa katawan, ubo, sipon, bahing, at sakit sa lalamunan na sanhi ng allergies, karaniwang sipon, o lagnat.

Naglalaman ito ng tatlong pangunahing aktibong sangkap:

  • Brompheniramine maleate(antihistamine)
  • Dextromethorphan HBr (cough suppressant)
  • Phenylephrine HCl (nasal decongestant)

Ang Dimetapp® Cold & Cough ay hindi ginagamit upang lunasan ang ubo sa mga pasyenteng may asthma, o emphysema o may history ng paninigarilyo.

Para Saan Ang Dimetapp Cold & Cough: Paano Ito Inumin?

Ang gamot na ito ay mabibili bilang oral syrup. Ito ay kailangan na inumin gamit ang measuring cup. Huwag gumamit ng kutsara upang sukatin ang dose.

Tamang Pagtatago Ng Dimetapp Cold & Cough

Kailangan na itago ang produktong ito sa temperatura ng kwarto (20-25°C) na malayo mula sa init at moisture. Huwag hayaan na tumigas ang produkto. Laging tingnan ang label bago gumamit ng gamot. Para sa kaligtasan, ilayo ang mga gamot sa mga bata at alagang hayop.

Huwag gumamit kung expired na ang produkto, sira ang seal, o nagbago ang kulay ng gamot, amoy, o consistency.

Huwag itong i-flush sa inidoro o itapon sa drain maliban kung sinabihan na gawin. Konsultahin ang iyong pharmacist para sa mas marami pang detalye tungkol sa ligtas na pagtatapon ng produkto.

Para Saan Ang Dimetapp Cold & Cough: Pag-Iingat At Babala

Ano Ang Dapat Kong Malaman Bago Gumamit Ng Dimetapp Cold & Cough?

Bago gumamit ng gamot na ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay:

  • May allergic reaction sa kahit na anong produkto ng gamot na ito
  • May history ng allergy sa ibang gamot, pagkain o ibang substances
  • Ikaw ay gumagamit ng iba pang gamot
  • Kung ikaw ay may kasalukuyang kondisyon sa kalusugan, tulad ng asthma, cardiovascular disease, o naggagamot ng antidepressants

Ligtas Ba Ang Produktong Ito Habang Buntis o Nagpapasuso?

Ang Dimetapp Cold & Cough ay may pregnancy risk category C ayon sa US Food and Drug Administration (FDA). Walang sapat na impormasyon upang matukoy sa mga babae ang banta ng Dimetapp Cold & Cough habang buntis o nagpapasuso. Ang gamot na ito ay kailangan lang na gamitin habang nagbubuntis kung ang potensyal na benepisyo ay napatunayan at walang banta sa kalusugan ng fetus, batay sa iyong doktor.

Ang gamot na ito ay maaaring makuha mula sa gatas ng ina. Kailangan lamang na gamitin ang gamot na ito habang nagpapasuso kung ang potensyal na benepisyo ay napatunayan at walang banta sa bata, batay sa doktor.

Nasa ibaba ang sanggunian ng FDA pregnancy risk:

  • A= No risk
  • B= No risk in some studies
  • C= There may be some risk
  • D= Positive evidence of risk
  • X= Contraindicated
  • N= Unknown

Side Effects

Ano Ang Side Effects Ng Dimetapp Cold & Cough?

Lahat ng gamot ay may potensyal na side effects kahit na normal na ginagamit. Kadalasan ng side effects ay may kaugnayan sa dose. Nasosolusyonan ito pagkatapos ng paggamot o kung mabawasan ang dose. 

Mga potensyal na side effects habang ginagamit ang gamot na ito:

  • Pagkahilo, pagsusuka
  • Pagtatae o constipation
  • Pagkalabo ng mata
  • Drowsiness
  • Sakit sa ulo
  • Seizure (kombulsyon)
  • Pagtaas ng rate ng puso
  • Confusion
  • Hallucinations
  • Mahina o mababaw na paghinga
  • Tremors
  • Pagbawas ng ihi

Maaaring makaranas ka ng ilan, wala o iba pang side effects na hindi nabanggit sa nakalista. Kaya’t kung may mga tanong pa tungkol sa side effect, konsultahin ang iyong doktor o pharmacist.

Interactions

Anong Mga Gamot Ang Maaaring Mag-Interact Sa Dimetapp Cold & Cough?

Ang gamot na ito ay maaaring mag-interact sa ibang mga gamot na kasalukuyang iniinom.  Upang maiwasan ang kahit na anong potensyal na interaction sa gamot, maglista ng mga gamot na ginagamit (kabilang na rito ang nireseta, hindi nireseta, at halamang gamot) at sabihin ito sa iyong doktor o pharmacist. 

Ilang mga gamot na may interactions sa Dimetapp Cold & Cough:

  • Antihistamines
  • Monoamine oxidase inhibitors (MAOIs)
  • Selective serotonin reuptake inhibitors (SSRIs)
  • Mga gamot na may alcohol bilang ingredient

Ang Pagkain o Alak Ba Ay May Interaction Sa Dimetapp Cold & Cough?

Ang Dimetapp Cold & Cough ay walang naitalang mga pagkain na may interaction at maaaring uminom na may kinain o wala.

Huwag gamitin ang gamot na ito kasabay ng alak dahil ito ay nagpapalala ng drowsiness at CNS depression. Huwag magmaneho o mag-operate ng mabibigat na machinery habang ginagamit ang gamot na ito o kumokonsumo ng alak.

Sabihan ang iyong doktor o pharmacist kung may tanong tungkol sa food-drug interactions.

Anong Kondisyon Sa Kalusugan Ang May Interaction Sa Dimetapp Cold & Cough?

Ang mga gamot na ito ay kailangan na maingat na inumin kung ikaw ay may mga sumusunod na banta ng:

  • Sakit sa puso
  • Mataas na presyon ng dugo
  • Thyroid disease
  • Diabetes
  • Nahihirapan na umihi dahil sa paglaki ng prostate glands
  • Glaucoma
  • Ubo na may sobrang plema (mucus)
  • Problema sa paghinga o palagian o malalang ubo na tumatagal habang:
    • Naninigarilyo
    • Asthma
    • Chronic bronchitis
    • Emphysema

Dosage

Ang ibinigay na impormasyon ay hindi pamalit sa kahit na anong medikal na payo. Kaya’t laging komunsulta sa iyong doktor o pharmacist bago gumamit ng Dimetapp Cold & Cough.

Ano Ang Dose Ng Dimetapp Cold & Cough Para Sa Matanda?

Para sa matanda at bata na ang edad ay 12 taon pataas:

Uminom ng 20 mL kada 4 na oras. Huwag uminom ng sobra sa 6 na doses kada araw. Sukatin lamang ang gamot gamit ang dosage cup na binigay.

Ano Ang Dose Ng Dimetapp Cold & Cough Para Sa Bata?

Para sa mga bata na 6 hanggang 12 taon:

Ang gamot na ito ay hindi nirerekomenda para sa mga bata na mas bata pa sa 6 na taon. Wala pang tiyak na nirekomendang dose para rito. Konsultahin ang iyong doktor o pharmacist para sa mga alternatibo at marami pang impormasyon.

Paano Mabibili Ang Dimetapp Cold & Cough?

Ang Dimetapp Cold & Cough ay mabibili lamang sa sumusunod na dosage forms at tapang:

  • Syrup, 4 fl. oz. (118 mL) sa bote na may dosage cup

Ano Ang Gagawin Kung Nagkaroon Ng Emergency o Overdose?

Kung nangyari ang emergency o overdose, tawagan ang local emergency services o magtungo sa pinakamalapit na emergency room.

Ano Ang Gagawin Kung Nakalimutan Ang Dose?

Kung nakalimutan ang isang dose ng Dimetapp Cold & Cough, inumin ito sa lalong madaling panahon. Gayunpaman, kung malapit na ang oras para sa susunod na dose, hayaan ang nakalimutan na dose at inumin ang regular na dose gaya ng nasa schedule. Huwag magdoble ng dose.

Matuto pa tungkol sa Drugs at Supplements dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Product information, https://www.dimetapp.com/content/dam/cf-consumer-healthcare/bp-dimetapp/en_US/src/pdf/childrens-dimetapp-cold-cough.pdf, Accessed July 29, 2020.

Dextromethorphan, https://www.mims.com/philippines/drug/info/dextromethorphan, July 29, 2020

Phenylephrine, https://www.mims.com/philippines/drug/info/phenylephrine, July 29, 2020

Kasalukuyang Version

11/16/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Sinuri ang mga impormasyon ni Jan Alwyn Batara

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Para Saan Ang Metamizole?

Ozempic Para Sa Diabetes: Heto Ang Dapat Mong Malaman!


Sinuri ang mga impormasyon ni

Jan Alwyn Batara


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement