Disclaimer:
Disclaimer:
Ang gamot o supplement na ito ay kasalukuyang hindi ipinagbibili o ginagamit sa Pilipinas. Ang mga impormasyong mababasa sa artikulong ito ay para lamang magbigay ng kaalaman.
Para saan ang Rantudil®? Paggamit nito
Ang Rantudil® (acemetacin) ay isang nonsteroidal anti-inflammatory drug (NSAID). Bilang pagtitiyak, isa itong non-selective cyclooxygenase (COX) inhibitor. Ang NSAIDs ay gamot sa iba’t ibang sanhi ng pananakit, at pamamaga. Nakatutulong din ito sa pagpapababa ng lagnat.
Hinaharang ng COX inhibitors ang aksyon ng COX-1 o COX-1 enzymes o ng parehong aksyon ng dalawang ito. Sa pamamagitan ng enzymes na ito, ang arachidonic acid ay nagiging prostaglandin. Ang prostaglandin ay isang grupo ng substances na kumokontrol sa maraming proseso ng cell tulad ng platelet aggregation, vasodilation, gastric mucus secretion, at proinflammatory mediators.
Ang Acemetacin ay nagmula sa indomethacin, isa ring NSAID. Kumpara sa indomethacin, ito ay may bahagyang hindi magandang epekto sa tiyan.
Ang Rantudil ay sadyang ginawa bilang gamot sa mga sumusunod na kondisyon:
Paano inumin ang Rantudil?
Ang Rantudil at Rantudil Retard ay mabibili bilang capsules na iniinom. Ito ay dapat lunukin nang buo nang hindi nginunguya o dinudurog. Dapat itong inumin matapos kumain upang maiwasan ang hindi magandang epekto sa tiyan.
Paano itago ang Rantudil?
Ang gamot na ito ay dapat itago sa room temperature (<30°C) at malayo sa direktang liwanag at kahalumigmigan. Huwag itong itago sa refrigerator o freezer. Bilang pag-iingat, dapat ilayo ang lahat ng gamot sa mga bata at alagang hayop.
Laging tingnan ang label bago inumin ang produktong ito. Huwag inumin kung expired na, kung sira ang seal ng produkto, o kung may pagbabago sa lasa, amoy, o itsura nito.
Hindi dapat ito itapon sa lababo, inodoro, o sa paligid. Kumonsulta sa iyong pharmacist para sa karagdagang detalye tungkol sa ligtas na pagtatapon nito.
Para saan ang Rantudil®? Mga Pag-iingat at Babala
Ano ang dapat kong malaman bago uminom ng Rantudil?
Ang NSAIDs, kabilang ang Rantudil, ay nauugnay sa mataas na tyansa ng pagdurugo o gastric ulceration. Mas mataas ang tyansa nito sa mga pasyenteng mas matatanda na kadalasang 60 taong gulang, umiinom ng blood thinners, at may blood clotting disorders.
Ang ilang grupo ng mga tao na may kondisyon tulad ng asthma o allergic rhinitis ay maaaring makaranas ng matinding sintomas matapos uminom ng NSAIDs.
Bago uminom ng gamot na ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay:
Ligtas ba itong inumin habang nagbubuntis o nagpapasuso?
Ang gamot na ito ay hindi inirerekomendang inumin habang nagbubuntis. Ito ay hindi dapat inumin sa ikatlong trimestre ng pagbubuntis. Maaari lamang itong inumin habang nagbubuntis kung ang potensyal na benepisyo ay nagpapatunay sa potensyal na panganib sa sanggol na nasa sinapupunan, batay sa pagsusuri ng iyong doktor.
Ito ay maaaring humalo at lumabas sa gatas ng ina. Maaari lamang itong inumin habang nagpapasuso kung ang potensyal na benepisyo ay nagpapatunay sa potensyal na panganib sa sanggol, batay sa pagsusuri ng iyong doktor.
Para saan ang Rantudil®? Side Effects
Ano-anong side effects ang maaaring maranasan sa pag-inom ng Rantudil?
Ang lahat ng gamot ay maaaring may side effects kahit na normal ang paggamit ng mga ito. Karamihan sa mga ito ay may kaugnayan sa dosage at nawawala kung kung ibinaba ang dose o pagkatapos ng gamutan.
Ang mga posibleng side effects habang iniinom ang gamot na ito ay ang mga sumusunod:
Agad na magpakonsulta sa doktor kung ikaw ay nakararanas ng alinman sa mga malulubha, posibleng nakamamatay na side effects ng gamot na ito:
Maaari mong maranasan ang ilan sa side effects na ito. Maaari din namang wala o ibang side effects ang iyong naranasan na wala sa mga nabanggit. Kung ikaw ay may alalahanin tungkol sa mga ito, kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist.
Para saan ang Rantudil®? Mga Interaksyon
Ano-anong mga gamot ang maaaring may interaksyon sa Rantudil?
Ang gamot na ito ay maaaring may interaksyon sa iba pang gamot. Upang maiwasan ang anomang posibleng drug interactions, mahalagang magkaroon ng listahan ng mga gamot na iyong iniinom (kabilang na ang gamot na may reseta, gamot na walang reseta, at halamang gamot) at sabihin ito sa iyong doktor o pharmacist.
Ang mga sumusunod ay ang mga gamot na may interaksyon sa Rantudil:
Kung ikaw ay makaranas ng matinding drug interaction, itigil ang pag-inom ng gamot na ito at ipagpatuloy ang pag-inom ng iba mo pang gamot. Agad na ipagbigay-alam ito sa iyong doktor upang muling masuri ang iyong plano ng iyong gamutan. Ang mga maaaring gawin ay ang pagsasaayos ng dose, pagpapalipat ng gamot, o pagtapos sa gamutan.
May interaksyon ba ang pagkain at alak sa Rantudil?
Walang kapansin-pansing epekto ang Rantudil sa pagkain. Subalit mainam itong inumin pagkatapos kumain upang maiwasan ang gastric irritation. Hindi dapat ito inumin kasabay ng alak dahil maaari tumataas ang tyansa ng gastrointestinal ulceration, pagdurugo, at hepatotoxicity.
Ipagbigay-alam sa iyong doktor o pharmacist ang iyong mga alalahanin tungkol sa interaksyon ng gamot na ito sa pagkain at alak.
Ano-anong mga medikal na kondisyon ang maaaring may interaksyon sa Rantudil?
Ang gamot na ito ay kailangang inumin nang may pag-iingat kung ikaw ay may kondisyong kabilang sa mga sumusunod:
Ipagbigay-alam sa iyong doktor o pharmacist ang iyong mga alalahanin tungkol sa tiyak na medikal na kondisyon.
Para saan ang Rantudil®? Dosage
Ang mga impormasyong ito ay hindi pamalit sa anomang payong medikal. Kaya, laging kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist bago uminom ng anomang gamot.
Ano ang Dose para sa Isang Nakatatanda?
Para sa pananakit, pamamaga, musculoskeletal at joint disorders
Pagbabago ng dose para sa mga matatandang pasyente
Ano ang Dose para sa Isang Bata?
Ang gamot na iro ay hindi inirerekomenda na inumin ng mga bata. Wala ring tiyak na dose nito para sa kanila. Kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist para sa mga alternatibo at iba pang mga impormasyon.
Anong Rantudil® ang maaaring mabili?
Ang gamot na ito ay maaaring mabili sa mga sumusunod na pormulasyon, anyo, at lakas ng dosage:
Ano ang maaari kong gawin kung emergency o kung na-overdose?
Kung emergency o na-overdose, tumawag ng ambulansya o pumunta sa pinakamalapit na ospital.
Ano ang maaari kong gawin kung nakalimutan kong uminom?
Kung nakalimutang uminom, inumin ito sa lalong madaling panahon. Ngunit kung malapit na rin namang inumin ang kasunod na dose, huwag nang inumin ang nakalimutang dose at inumin na lamang ang regular na dose sa tamang oras. Huwag uminom ng dalawang dose sa isang pagkakataon.
Disclaimer
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.
Rantudil®, https://www.mims.com/philippines/drug/info/rantudil-rantudil%20retard, Accessed Aug 20, 2020
Acemetacin, https://www.mims.com/philippines/drug/info/acemetacin?mtype=generic, Accessed Aug 20, 2020
Acemetacin, https://pubchem.ncbi.nlm.nih.gov/compound/Acemetacin, Accessed Aug 20, 2020
Kasalukuyang Version
02/24/2026
Isinulat ni Jan Alwyn Batara
Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD
In-update ni: Jan Alwyn Batara