Maaaring makaranas ng ilan, wala, o ng iba pang mga side effect na hindi nabanggit sa itaas. Ngunit kung mayroong katanungan tungkol sa mga side effect, o kung maging nakakaabala na ito sa iyo, kumonsulta lamang sa iyong doktor o pharmacist.
Alamin Ang Mga Interaction
Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa iba pang gamot. Upang maiwasan ang anumang maaaring drug interaction, marapat na magtabi ng listahan ng lahat ng ginagamit na gamot (kabilang na ang prescription drug, nonprescription drug, at herbal product) at ipagbigay-alam ito sa doktor o pharmacist.
Mga gamot na may interaction sa Alaxan:
- Iba pang mga NSAID – GI distress
– Ulceration
- Salicylates – GI distress
- Anticoagulants – Matagal na pagdurugo
- Corticosteroids – GI bleeding
- Lithium – Pagbaba ng elimination
- Diuretics – Pagbaba ng sodium excretion
- ACE inhibitors – Pagbaba ng kontrol ng blood pressure
- Selective serotonin reuptake inhibitors (SSRIs) – GI bleeding
Kung makaramdam ng masamang drug interaction, agad na ihinto ang pag-inom ng Alaxan at ipagpatuloy ang kasalukuyang iniinom na gamot. Ipagbigay-alam ito sa doktor upang muling masuri ang iyong treatment plan. Kabilang sa maaaring gawin ang pagbabago ng dose, pagpapalit ng gamot sa iba pang gamot, o pagtigil ng pag-inom ng gamot na ito.
Nag-i-interact ba ang Alaxan sa pagkain at alak?
Napapabagal ng pagkain ang epekto ng gamot na ito, ngunit naiiwasan naman ng pag-inom nito nang may laman ang tiyan ang pagkakaroon ng gastrointestinal distress. Hindi dapat uminom ng gamot na ito kasabay ng alak dahil sa panganib ng gastrointestinal ulceration, bleeding, at hepatotoxicity.
Ipagbigay-alam sa iyong doktor o pharmacist kung mayroong pag-aalala tungkol sa mga food-drug interaction.
Anong kondisyon sa kalusugan ang maaaring mag-interact sa Alaxan?
Mag-ingat sa pag-inom ng gamot na ito kung mayroon ng mga sumusunod na kondisyon o risk factors:
- Active bronchial asthma
- Uncontrolled hypertension
- Congestive heart failure (CHF)
- Iba pang sakit sa puso
- Gastrointestinal diseases – Peptic ulcer disease (PUD)
– Gastroesophageal reflux disease (GERD)
Mga komento
Ibahagi ang iyong mga iniisip
Maging una sa pagpapaalam sa Hello Doctor ng iyong iniisip!
Sumali sa amin o Mag-log in para makasali sa pag-uusap