backup og meta

Kailan Dapat Uminom Ng Alaxan? Alamin Dito Ang Tungkol Sa Gamot Na Ito

Kailan Dapat Uminom Ng Alaxan? Alamin Dito Ang Tungkol Sa Gamot Na Ito

Alaxan ang brand ng gamot na naglalaman ng dalawa pang gamot na ibuprofen at paracetamol. Nagbibigay ang kombinasyon ng dalawang gamot na ito sa Alaxan ng pinagsamang bisa na tumutulong upang mas maibsan ang mga pananakit ng katawan na higit pa sa indibidwal na kakayahan ng ibuprofen at paracetamol. Kailan dapat uminom ng Alaxan?

Tinuturing na NSAID ang ibuprofen na ginagamit bilang gamot sa iba’t ibang sanhi ng pananakit, inflammation, at swelling. Hindi NSAID ang paracetamol, ngunit ginagamit ito laban sa lagnat at pananakit ng katawan.

Mga Gamit

Kailan dapat uminom ng Alaxan?

Karaniwang ginagamit ang Alaxan bilang gamot laban sa mga sumusunod:

  • Lagnat
  • Mild hanggang moderate na musculoskeletal pain
  • Sakit sa arthritis
  • Bursitis at tendonitis
  • Sakit ng likod at stiff neck
  • Sakit ng ulo
  • Dysmenorrhea
  • Sakit ng ngipin
  • Post-operational pain

Paano gamitin ang Alaxan?

Maaaring mabili ang Alaxan bilang oral tablet, at ang Alaxan FR bilang oral capsule. Inumin ang parehong oral capsule at tablet nang hindi ito nginunguya o dinudurog. Maaaring magdulot ng gastric irritation ang Alaxan kaya dapat inumin ang gamot na ito nang may laman ang tiyan.

Paano itabi ang Alaxan?

Itabi ang gamot na ito sa loob ng room temperature (<30°C). Para sa kaligtasan, marapat na ilayo ang gamot sa maaabot ng mga bata at alagang hayop.

Bukod pa rito, parating tingnan ang label bago gamitin ang produkto. Huwag gamitin kung lumagpas na sa nakalagay na expiration date, nasira ang seal ng produkto, o nagbago ang kulay, amoy, o consistency ng gamot.

Huwag itapon ang produktong ito sa drain, inidoro, o sa kapaligiran. Kumonsulta muna sa iyong pharmacist para sa iba pang detalye tungkol sa ligtas na pagtapon ng produktong ito.

Alamin Ang Mga Pag-Iingat At Babala

Bukod sa kaalaman kung kailan dapat uminom ng Alaxan, mahalaga ring malaman kung kailan ito ipinagbabawal.

Nauugnay ang mga NSAID, kabilang ang Alaxan, sa gastric ulceration at bleeding. Mataas ang posibilidad ng mga panganib na ito sa mga pasyenteng nasa edad 60 pataas na umiinom ng mga gamot na pampalabnaw ng dugo, at mga mayroon ding blood clotting disorder.

Ilang grupo ng mga taong may asthma o allergic rhinitis ang maaaring makaranas ng paglala ng sintomas matapos uminom ng mga NSAID.

Bago gumamit ng gamot na ito, ipagbigay-alam sa doktor kung ikaw ay o mayroon ng mga sumusunod:

  • Nagkaroon ng allergic reaction sa Alaxan o iba pang NSAID
  • May history ng allergy sa ibang gamot, pagkain, o substance
  • Umiinom ng iba pang gamot, lalo na iba pang NSAID at pampalabnaw ng dugo
  • May iba pang kondisyon sa kalusugan, lalo na ang gastric ulceration o bleeding

Ligtas ba ito tuwing nagbubuntis o nagpapasuso?

Hindi inirerekomenda ang Alaxan tuwing nagbubutis at ipinagbabawal ito gamitin sa pangatlong semester. Ginagamit lamang ang Alaxan at iba pang gamot na may ibuprofen tuwing nagbubuntis kung nabibigyang-katwiran ng benepisyo ng gamot ang posibleng panganib nito sa fetus, ayon sa iyong doktor.

Maaaring maipasa ang gamot na ito sa breastmilk. Kaya gamitin lamang ito habang nagpapasuso kung inaprubahan ng iyong doktor.

Mga Side Effect

May posibilidad na mayroong side effect ang lahat ng gamot kahit sa normal nitong paggamit. Gayunpaman, may kinalaman sa pagbibigay ng dose ang karamihan sa mga side effect at mareresolba lang ito kung babaguhin ang dose o kapag natapos na ng therapy.

Kabilang ang mga sumusunod sa mga posibleng side effect ng paggamit ng Alaxan:

  • Pagduduwal
  • Diarrhea
  • Sakit ng tiyan
  • Abdominal pain
  • Hindi pagtunaw ng pagkain
  • Sakit ng ulo
  • Pagkahilo
  • Allergic reaction
    • Rash
    • Pruritus
  • Bronchospasm
  • Abnormalities sa dugo
    • Bleeding
    • Anemia
    • Thrombocytopenia
    • Leukopenia
    • Eosinophilia
  • Edema
  • Irritation sa mata
  • Photosensitivity
  • Malaise
  • Tinnitus
  • Pagkaantok – Huwag uminom nito bago magmaneho o gumamit ng mga machine

Humingi kaagad ng medical attention kung makaranas ng alinman sa mga seryoso at maaaring nakamamatay na mga drug reaction tulad ng:

  • Arterial thrombotic events – Myocardial infarction (heart attack)
  • Gastrointestinal damage – Peptic ulceration
    • Pagdurugo
  • Severe hypersensitivity reaction – Lagnat
    • Toxic epidermal necrolysis (TEN) o Stevens-Johnson Syndrome (SJS)
    • Vasculitis
    • Serum sickness
  • Hepatitis
    • Jaundice
  • Nephrotoxicity
  • Hematologic abnormalities – Anemia
    • Thrombocytopenia
    • Leukopenia
    • Agranulocytosis
    • Pancytopenia
  • Seizures

Maaaring makaranas ng ilan, wala, o ng iba pang mga side effect na hindi nabanggit sa itaas. Ngunit kung mayroong katanungan tungkol sa mga side effect, o kung maging nakakaabala na ito sa iyo, kumonsulta lamang sa iyong doktor o pharmacist.

Alamin Ang Mga Interaction

Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa iba pang gamot. Upang maiwasan ang anumang maaaring drug interaction, marapat na magtabi ng listahan ng lahat ng ginagamit na gamot (kabilang na ang prescription drug, nonprescription drug, at herbal product) at ipagbigay-alam ito sa doktor o pharmacist.

Mga gamot na may interaction sa Alaxan:

  • Iba pang mga NSAID – GI distress

– Ulceration

  • Salicylates – GI distress
  • Anticoagulants – Matagal na pagdurugo
  • Corticosteroids – GI bleeding
  • Lithium – Pagbaba ng elimination
  • Diuretics – Pagbaba ng sodium excretion
  • ACE inhibitors – Pagbaba ng kontrol ng blood pressure
  • Selective serotonin reuptake inhibitors (SSRIs) – GI bleeding

Kung makaramdam ng masamang drug interaction, agad na ihinto ang pag-inom ng Alaxan at ipagpatuloy ang kasalukuyang iniinom na gamot. Ipagbigay-alam ito sa doktor upang muling masuri ang iyong treatment plan. Kabilang sa maaaring gawin ang pagbabago ng dose, pagpapalit ng gamot sa iba pang gamot, o pagtigil ng pag-inom ng gamot na ito.

Nag-i-interact ba ang Alaxan sa pagkain at alak?

Napapabagal ng pagkain ang epekto ng gamot na ito, ngunit naiiwasan naman ng pag-inom nito nang may laman ang tiyan ang pagkakaroon ng gastrointestinal distress. Hindi dapat uminom ng gamot na ito kasabay ng alak dahil sa panganib ng gastrointestinal ulceration, bleeding, at hepatotoxicity.

Ipagbigay-alam sa iyong doktor o pharmacist kung mayroong pag-aalala tungkol sa mga food-drug interaction.

Anong kondisyon sa kalusugan ang maaaring mag-interact sa Alaxan?

Mag-ingat sa pag-inom ng gamot na ito kung mayroon ng mga sumusunod na kondisyon o risk factors:

  • Active bronchial asthma
  • Uncontrolled hypertension
  • Congestive heart failure (CHF)
  • Iba pang sakit sa puso
  • Gastrointestinal diseases – Peptic ulcer disease (PUD)

– Gastroesophageal reflux disease (GERD)

  • Mga kondisyong nangangailangan ng operasyon
  • Renal o hepatic impairment
  • Mga babaeng may problema sa fertility o sumasailalim sa treatment
  • Mga matadang pasyente na lagpas 60 ang edad

Ipagbigay-alam sa iyong doktor o pharmacist kung mayroong pag-aalala tungkol sa partikular na kondisyon ng kalusugan.

Dosage

Hindi pamalit sa anumang medical advice ang mga ibinibigay na impormasyon. Kaya parating kumonsulta sa doktor o pharmacist bago gumamit ng Alaxan®.

Ano ang dose ng Alaxan para sa nasa hustong gulang o adult?

Para maibsan ang pananakit, lagnat, o pamamaga

  • Uminom ng 1 tablet o capsule kada 6 na oras kung kinakailangan, o ayon sa payo ng iyong doktor.
  • Hanggang 10 araw lang ang pinakamatagal na paggagamot

Dose adjustment para sa matatandang pasyente

  • Gamitin ang pinaka mabisang mababang dose sa pinaka maiksing panahon

Ano ang dose ng Alaxan para sa bata?

Para maibsan ang pananakit, lagnat, o pamamaga

Sa mga batang 12 taong gulang pataas:

  • Uminom ng 1 tablet o capsul kada 6 na oras kung kinakailangan, o ayon sa payo ng pediatrician.
  • Hanggang 10 araw lang ang pinakamatagal na paggagamot

Mga batang nasa edad na mas mababa pa sa 12 taon: hindi inirerekomenda ang pag-inom nito sa mga batang nasa edad na ito, maliban kung sabihin ng pediatrician.

Paano nakukuha ang Alaxan?

Nakikita ang Alaxan sa mga sumusunod na dosage forms at strength:

  • Alaxan tablets (200 mg ibuprofen + 325 mg paracetamol)
  • Alaxan FR capsules (200 mg ibuprofen + 325 mg paracetamol)

Ano ang dapat gawin sa panahon ng emergency o overdose?

Sa panahon ng emergency o overdose, tumawag sa local emergency services o magtungo sa pinakamalapit na emergency room.

Ano ang dapat gawin kung makalimutan ang dose?

Kung makalimot ng dose, uminom nito sa lalong madaling panahon. Kung malapit na sa oras ng sunod na dose, laktawan na ang nalimutang dose. Ipagpatuloy ang regular na dose ayon sa iskedyul. Huwag uminom ng dalawang dose.

Matuto pa tungkol sa Drugs at Supplements dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Alaxan®, https://assets.unilab.com.ph/uploads/Common/Products/Alaxan/alaxan.pdf, Accessed April 28, 2021

Paracetamol, https://www.mims.com/philippines/drug/info/paracetamol?mtype=generic, Accessed April 28, 2021

Ibuprofen, https://www.mims.com/philippines/drug/info/ibuprofen?mtype=generic, Accessed April 28, 2021

Effect of Combination of Paracetamol (Acetaminophen) and Ibuprofen vs Either Alone on Patient-Controlled Morphine Consumption in the First 24 Hours After Total Hip Arthroplasty, https://jamanetwork.com/journals/jama/fullarticle/2724188, Accessed April 28, 2021

Paracetamol/ibuprofen combinations for acute pain, https://www.nps.org.au/news/paracetamol-ibuprofen-combinations-for-acute-pain, Accessed April 28, 2021

Kasalukuyang Version

12/20/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Para Saan Ang Metamizole?

Ozempic Para Sa Diabetes: Heto Ang Dapat Mong Malaman!


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement