Pagkatapos ng iyong check-up, inireseta sa iyo ng doktor ang pag-inom ng Ascophil. Para saan ang gamot na ito? Tuwing kailan mo dapat inumin ang Ascophil? Ang artikulong ito ang magbabahagi ng mga kinakailangang impormasyon tungkol sa naturang gamot.
Ano Ang Ascophil?
Ang Ascophil ay isang brand ng ascorbic acid na ginawa ng Jiangxi Xierkangtai Pharmaceutical Co., Ltd., isang kilalang kumpanya na pangunahing nag-eexport ng mga produkto sa Africa, Southeast America, at Southeast Asia. Ito naman ay in-import at ipinamahahagi dito sa Pilipinas sa tulong ng Philrx Pharma, Inc. Ipinagmamalaki ng kumpanya ang kanilang pagsunod sa mga mandato ng Food and Drug Association of the Philippines sa paglabas ng ilang mga produkto kabilang ang mga pharmaceutical products, medical supplies, at over-the-counter products.
Mga Karagdagang Impormasyon Tungkol Sa Ascorbic Acid
Upang maunawaan kung ano at para saan ang Ascophil bilang gamot, nararapat na malaman mo kung paano nakatutulong ang ascorbic acid sa iyo at iyong katawan.
Ang ascorbic acid, o vitamin C, ay isang water-soluble nutrient na kailangan ng katawan upang makabuo ng mga sumusunod:
- Blood vessels
- Tendons
- Ligaments
- Cartilages
- Muscles
- Collagen
Mahalaga ang naturang bitamina sa proseso ng pagpapagaling ng iyong katawan. Dagdag pa rito, kilala rin ang ascorbic acid bilang isang antioxidant na tumutulong na protektahan ang iyong mga cell laban sa mga free radicals. Nakatutulong din ito sa pag-absorb at pag-imbak ng iron sa katawan. Matatagpuan ang vitamin C sa iba’t ibang mga pagkain tulad ng:
- Citrus fruits (orange, lemon, calamansi, dalandan)
- Strawberries
- Blackcurrants
- Broccoli
- Brussels sprouts
- Spinach
- Repolyo
- Kamatis
- Patatas
Bakit Inirerekomenda Ang Ascophil Bilang Gamot?
Maaari irekomenda ang Ascophil bilang dietary supplement kapag hindi sapat ang dami ng ascorbic acid sa diyeta. Ang mga taong madalas binibigyan nito ay may limitadong pagkakaiba-iba ng pagkain sa kanilang diyeta. Posible rin ito sa mga may intestinal malabsorption problems dahil sa cancer o sakit sa bato.
Ginagamit din ang ascorbic acid upang maiwasan at magamot ang vitamin C deficiency o scurvy. Kabilang ang pamamaga at pagdurugo ng gilagid (gingivitis), pagkatuyo ng buhok, magaspang at tuyong balat sa ilang mga sintomas buhat ng kakulangan ng vitamin C sa katawan.
Bukod sa scurvy, maaari ring mapataaas ng ilang mga kondisyon ang iyong pangangailangan para si naturang bitamina. Kabilang dito ang:
Paano Ginagamit Ang Ascophil Bilang Gamot?
Ang ascorbic acid tulad ng Ascophil ay isang tableta na kadalasang iniinom isang beses sa isang araw o ayon sa inireseta ng iyong doktor. Ito ay maaaring makuha nang walang reseta, ngunit ang iyong doktor ay maaaring magreseta nito upang gamutin ang ilang mga kondisyon.
Sundin nang mabuti ang mga direksyon sa pakete o sa label ng iyong produkto o mga tagubilin ng doktor. Kumuha ng ascorbic acid nang eksakto tulad ng itinuro. Huwag uminom ng mas marami o mas kaunti nito o uminom ng mas madalas kaysa sa inirerekomenda ng iyong doktor.
Maaaring tumagal ng hanggang 4 na linggo bago bumuti ang mga sintomas ng scurvy.
Ang mga suplemento ng ascorbic acid ay magagamit nang nag-iisa at kasama ng iba pang mga bitamina.
Mayroon Bang Side Effects Ang Pag-Inom Ng Ascorbic Acid?
Ang mga oral vitamin C supplements tulad ng Ascophil ay karaniwang itinuturing na ligtas kapag angkop ang dosage. Ang sobrang pag-inom nito ay maaaring magdulot ng mga side effect. Ilan sa mga posibleng reaksyon buhat nito ay ang mga sumusunod:
- Pagduduwal at pagsusuka
- Pagtatae
- Heartburn
- Stomach cramps o bloating
- Pagkapagod at pagkaantok, o kung minsan ay insomnia
- Pananakit ng ulo
- Pamumula ang balat
Sa ilang mga tao, ito ay maaaring maging sanhi ng mga kidney stones, lalo na kapag iniinom sa mataas na dose. Ang pangmatagalang paggamit ascorbic acid na higit sa 2,000 milligrams sa isang araw ay nagpapataas ng panganib ng ilang mga side effects.
Key Takeaways
Ang Ascophil ay isang brand ng ascorbic acid na maaaring inumin ng sinumang nangangailang ng higit na dami ng vitamin C sa katawan, bukod sa nakukuha sa diyeta. Ito ay itinuturing na ligtas, ngunit mainam na kunsultahin ang iyong doktor sa tamang dose na kinakailangan mo. Malaki ang maitutulong nito upang maiwasan ang paglala ng kondisyon o pagkakaroon ng mga hindi kanais-nais na epekto sa iyong pangkalahatang kalusugan.
Alamin ang iba pa tungkol sa Drugs at Supplements dito.