Kung mayroong diabetes, alam mo dapat na kailangan mong limitahan ang pagkonsumo ng refined carbohydrates, na nasa anyo ng mga “white” products (white rice, white bread, atbp.) Sa halip, hinihikayat ng mga doktor ang pagkonsumo ng whole grains. Ano ang mga benepisyo ng whole grains para sa diabetes? Alamin dito.
Ano ang whole grains?
Hindi mo na siguro mabilang kung ilang beses mo nang narinig sa mga palatastas ang pagmamalaki nila ng whole grain content sa kanilang mga produkto. At kung bakit mas maganda sila kaysa sa refined carbohydrates?
Tinatawag na whole grains ang mga hindi naprosesong buto ng cereal plants tulad ng barley, corn, rice, rye, quinoa, at wheat. Naiiwan sa whole grains ang tatlong bahagi nito:
- Bran – Ito ang manipis at pinakalabas na layer na mayaman sa insoluble fiber, phytochemical, at B vitamins.
- Endosperm – Ito ang pinakamakapal at gitnang bahagi na mayaman sa starch.
- Germ – Ito ang pinakamaliit na bahagi na mayaman sa protein at healthy fats.
Ngayon, maraming manufacturer ang ginagawang “refine” ang whole grains para maging white bread, white pasta, white rice, atbp. Nagreresulta ng mas pinong texture ang proseso at mas mahabang shelf life, ngunit natatanggal nito ang bran at germ, at ang sustansya na nakapaloob sa mga ito.
Mga benepisyo ng whole grains
Ayon sa tinalakay sa itaas, madali lamang sabihin na isa sa mga benepisyo ng whole grains ang nutritional value nito. Ngunit ano ang iba pang mga benepisyong pangkalusugan ang maibibigay nila, lalo na para sa mga taong mayroon o nasa panganib ng diabetes?
1. Mabuti ito para sa blood sugar control
Ayon sa mga report, may mas mababang glycemic index ang whole grains kumpara sa refined alternatives. Nangangahulugan na hindi nila naaapektuhan ang blood sugar levels nang kasing bilis ng ginagawa ng white products.
Sa isang pag-aaral na kinasasangkutan ng mga participant na may metabolic syndrome, nakita ng mga mananaliksik na may mas magandang blood sugar control ang mga kumakain ng whole grains kaysa sa mga kumakain ng refined grains.
2. Ipinakita ng pananaliksik na nababawasan nila ang panganib sa sakit sa puso
Alam mo ba na pinapataas ng diabetes ang posibilidad mong magkaroon ng cardiovascular disease?
Ayon sa mga pag-aaral, may iba’t ibang sustansya ang whole grains na nauugnay sa pagpapababa ng panganib mula sa sakit sa puso at stroke. Maaari pa silang makatulong sa pagbaba ng level ng artery-clogging cholesterol.
3. Nakatutulong ang whole grains sa regular bowel movement
Ang isa sa mga benepisyo ng buong butil ay nagtataguyod sila ng regular na pagdumi. Ito ay dahil sa fiber content ng bran.
4. Makakatulong sila sa pagbabantay ng timbang
Ilang report ang nagsasabi na mas nakakabusog ang whole grains kaysa refined grains. Samakatuwid, maaaring makatulong ang pagkain ng whole grains upang mabawasan ang unhealthy snacking sa pagitan ng regular na oras ng pagkain. Higit sa lahat, makakatulong ito na mabantayan mo nang mas mabuti ang iyong timbang.
5. Maaaring makapagpababa ng panganib mula sa type 2 diabetes ang whole grains
Kung ikaw ay nasa panganib ng diabetes, alamin na ang isa sa mga benepisyo ng buong butil ay ang type 2 diabetes na pagbabawas ng panganib.
Halimbawa, sinabi sa isang report may kaugnayan ang pagbaba ng posibilidad na magkaroon ng type 2 diabetes sa pagkain nang marami ng total whole grains at iba pang karaniwang kinakain na whole-grain food tulad ng dark bread, brown rice, whole grain breakfast cereals, at oat meal.
Mga paalala sa pagkain ng whole grain
Sa kabila ng mga benepisyo ng whole grains, tandaan na hindi lang dapat nakatuon sa whole grains ang iyong pansin. Siguraduhing kumain din ng mga prutas at gulay, lean protein, healthy fats, at low-fat dairy. Iwasang kumain ng mga processed at sugary food.
Pagdating sa whole grains, maaaring makatulong sa iyo ang mga sumusunod na paalala:
- Huwag umasa sa kulay. Para malaman kung isa itong whole grain product, tingnan ang mga label. Tandaan na maaari lamang ilagay ang caramel coloring upang magmukang naglalaman ng whole grain ang produkto.
- Maghanap ng mga recipe. Sa simula, maaaring ma-intimidate sa konsepto ng pagpapalit ng refined carbs sa whole grains dahil sa lasa at pagkakaiba ng preparasyon dito. Ang kagandahan dito, may maraming online recipe para sa whole-grain bread, pasta, oats, at kanin.
- Magplano nang maaga. Tandaang may mas maikling shelf life ang whole grains. Kaya dahil dito, planuhin ang iyong mga pagkain at maging maingat sa pag-iimbak.
Kung mayroong mga tanong tungkol sa mga benepisyo ng whole grains, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa iyong doktor.
Matuto pa tungkol sa type 2 diabetes dito.
[embed-health-tool-bmi]