backup og meta

Sumifun Diabetic Patch: Gaano Ka-effective ang Produktong Ito?

Sumifun Diabetic Patch: Gaano Ka-effective ang Produktong Ito?

Kaliwa’t kanan na ang mga posts tungkol sa mga mga makabagong paraan upang mapadali ang buhay. Kabilang dito ang iba’t ibang mga kagamitan na makatutulong daw sa ating kalusugan tulad ng mga diabetic patches para sa mga taong may diabetes. Kilala ang Sumifun diabetic patch sa mga samu’t saring online marketplace, ngunit ano nga ba ito? Gaano ba ito ka-effective bilang pamalit ng mga insulin shots? Alamin ang mga kasagutan sa artikulong ito. 

Ang Estado ng Kaso ng Diabetes sa Pilipinas

Ang diabetes ay isang chronic disase na nailalarawan sa pamamagitan ng mataas nablood sugar levels (hyperglycemia). Ito ay nangyayari dahil hindi na sapat ang pagkilos at produksyon ng insulin, ang hormone na kumokontrol sa mga blood sugar levels. 

Kapag hindi ito makontrol, humahantong ang diabetes sa mga malulubhang komplikasyon tulad ng:

Ngayon 2022, umabot na ng halos 5% ang world blindness dahil sa diabetic retinopathy. Higit pa sa pagkabulag, dahil laganap ang kaso ng diabetes sa Pilipinas, ito ay kinikilala bilang isa sa mga nakamamatay na sakit. Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority, ang diabetes mellitus ay pang-apat sa listahan noong 2020. Mayroon itong 37, 265 na naitalang pagkamatay na sumunod sa:

  • Heart disease (99, 680)
  • Cancer (62, 289)
  • Cerebrovascular diseases (59, 736)

Binigyang-diin ni Dr. Gilbert Vilela, vice president ng Philippine Heart Association, na ang mga pagkamatay buhat ng diabetes mellitus ay tumaas ng 7.8% mula sa 2019 tally. Dagdag pa rito, apat na milyong matatanda sa Pilipinas ang na-diagnose na may diabetes at karaniwang mga comorbidity at komplikasyon ng type 2 diabetes, kabilang ang mga sakit sa puso. Ayon sa kanilang datos, mahigit sa 32 ng mga may type 2 diabetes ay may mga komplikasyon sa cardiovascular, habang higit sa 87%  ay  overweight o obese.

Bagaman kabilang ang diabetes sa mga talamak na kondisyon, ito ay maaaring maiwasan at masugpo ang patuloy na paglaganap nito sa pamamagitan ng iba’t ibang posibleng pangangasiwa para rito. Isa na ang pagkilala sa mga diabetic patches, partikular ang Sumifun diabetic patch. 

Ano ang Sumifun Diabetic Patch?

Ineendorso ang Sumifun diabetic patch bilang isang madali, makabago at murang klase ng treatment ng diabetes. Ito raw ay sikat na produkto sa China bilang epektibong adjuvant therapy na walang side effects. 

Ito raw ay natatangi marahil nagiging posible ang pagtagos sa balat ng mga kailangan na agents sa mga daluyan ng dugo. Ang direktang paghahatid sa dugo ay nagpapakilala ng mga kinakailangang sangkap sa circulatory system na nagpapababa naman ng mga blood sugar levels. Bukod pa rito, ito raw ay umaabot din sa iba pang parte ng katawan na nangangailang gumaling. 

Ang Sumifun diabetic patch ay naglalaman ng mga plant extracts na unti-unti raw nakatutulong sa tamang doses. Dahil sa mga ito, nagiging normal daw ang blood sugar levels ng taong gagamit magdidikit nito sa kanyang katawan. 

Ito raw ay idinisenyong upang gamutin ang mga localized peripheral diabetes. Nakaangkla rin daw ito sa claim nila na makapagpagaan ng mga sintomas dulot ng diabetic neuropathy tulad ng:

  • malalim na pananakit
  • Pagkahingal o pag-iksi ng paghinga
  • Mahinang memorya
  • Madalas na pag-ihi
  • Pamamanhid at pananakit ng mga paa

Epektibo Ba Ito Bilang Gamot sa Diabetes?

Sa ngayon, wala pa ring pag-aaral na nakapagsasabi kung mabisa nga ba ang Sumifun diabetic patch. Samakatuwid, hindi dapat nakadepende ang mga tao sa naturang produkto para sa kanilang kondisyon dahil baka lalo lang lumala ang sitwasyon kung hindi mapangasiwaan nang maayos. 

Ngunit, kasalukuyan ng nasa ilalaim ng experimental form ang mga insulin patch sa unang yugto ng pananaliksik. Ang mga ito ay palitan ang mga nakasanayang masasakit na insulin shots

Ang mga bioengineers ng UCLA at ang kanilang mga kasamahan ay nakabuo ng isang smart  insulin-delivery patch na maaaring ma-monitor at mapangasiwaan ang glucose levels ng mga  taong may diabetes at maghatid ng kinakailangang insulin doses sa isang araw. Ito ay halos isang-kapat ang laki, at madali lang gawin. Layon nilang ito ay gumana ng 24 na oras bago kailangang palitan.

Tinanggap na ng U.S. Food and Drug Administration Emerging Technology Program ang naturang teknolohiya. Ang mga mananaliksik ay nag-aaplay na para maapruba ng Food and Drug Administration ito para sa mga human clinical trials. Ito ay inaasahan na nilang magsimula sa loob ng ilang taon.

Kapag ito ay naging matagumpay, ito ay maaaring gamiting alternatibong paraan ng mga taong naka-insulin therapy. Maaari na silang makakuha ng insulin nang hindi kinakailangang maglagay ng mga karayom ​​o cannulas (ang manipis na tubo na naghahatid ng insulin sa katawan mula sa mga insulin pump) sa katawan.

Mahalagang Mensahe

Laganap ang kaso ng diabetes dito sa Pilipinas. At habang tumatagal, humahanap din ang mga tao ng makabago at alternatibong paraan upang magamot at mapangasiwaan ang naturang kondisyon. Subalit, nararapat pa rin kilatising mabuti ang mga produktong lumalalabas at hindi lang basta-basta magpadala sa kung ano ang mura at uso. 

Tandaan na walang doktor o eksperto ang nagrerekomenda ng paggamit ng Sumifun diabetic patch dahil hindi rin napatunayan ang mga claims nito bilang gamot sa diabetes. 

Alamin ang iba pa tungkol sa Diabetes dito.

Larawan mula sa Instagram

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Diabetes among top killer diseases in PH, https://www.pna.gov.ph/articles/1139440 Accessed June 6, 2022

DOH Leads World Diabetes Observance in the Philippines, https://doh.gov.ph/node/11786  Accessed June 6, 2022

Insulin Patch, https://www.diabetes.co.uk/insulin/insulin-patch.html Accessed June 6, 2022

UCLA Researchers Develop Coin-Sized Smart Insulin Patch, https://samueli.ucla.edu/smart-insulin-patch/ Accessed June 6, 2022

“Smart Patch” Could Help Patients Manage Blood Glucose Levels, https://www.diabetes.org.uk/professionals/news–updates/smart-patch-could-help-patients-manage-blood-glucose-levels Accessed June 6, 2022

Sumifun 6PCS/Bag New Diabetes Patch Chinese Natural Herbal Diabetes Cure Lower Blood Glucose Treatment Diabetic Patch (PACK OF 2), https://www.amazon.in/Sumifun-Diabetes-Chinese-Treatment-Diabetic/dp/B084TP4SBV  Accessed June 6, 2022

 

Kasalukuyang Version

06/29/2022

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyu ng Eksperto Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Dexter Macalintal, MD


Mga Kaugnay na Post

Puwede ba ang diabetic sa noodles? Alamin dito!

Okay lang ba Kumain ng Kanin ang may Diabetes?


Narebyu ng Eksperto

Dexter Macalintal, MD

Internal or General Medicine


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement