backup og meta

Paano Mapababa Ang Blood Sugar? Heto Ang Mga Maaari Mong Gawin

Paano Mapababa Ang Blood Sugar? Heto Ang Mga Maaari Mong Gawin

7 Mga Paraan Para Makontrol ang Blood Sugar Levels Para sa Diabetes

Hindi magagamot ang diabetes, ngunit ang mga pasyenteng may diabetes ay maaari pa ring mamuhay ng malusog. Ang susi sa isang malusog at normal na buhay upang malampasan ang diabetes ay ang pag-alam kung paano mapababa ang blood sugar. Ito ay sa loob ng mga normal na limitasyon. Narito ang ilang mga tip upang mapanatiling normal ang blood sugar level upang mas madali mong mapagaan ang buhay araw-araw.

Paano Mapababa ang Blood Sugar

Ang diabetes mellitus ay isang sakit na may ng mataas na level  ng asukal sa dugo. Ang ilang uri ng diabetes, tulad ng type 1 diabetes, ay nangangailangan ng diabetes treatment upang manatiling malusog. 

Gayunpaman, anuman ang uri ng diabetes mayroon ka, umiinom ng gamot sa diabetes o hindi, mahalaga ang pagkontrol ng blood sugar level na may healthy lifestyle.

Maaring gawin sa iba’t ibang paraan ng pagpapababa ng blood sugar. Ito ay simula sa pagbibigay-pansin sa pag-inom ng pagkain, pagre-regulate ng diet at pahinga, regular na pag-eehersisyo, at pag-inom ng mga supplement para sa karagdagang mga bitamina.

Ang mga sumusunod ay mga tip sa malusog na pamumuhay na may diabetes upang mapanatiling normal ang blood sugar levels:

1. Kumain ng mga tamang pagkain 

Ang mga diabetic (mga may diabetes) ay dapat na mahigpit na sumunod sa diet na sinusunod. Ito ay dahil ang pagkain ay direktang nakakaapekto sa blood sugar levels.

Una, kailangan mong iwasan ang mga pagkaing may mataas na glycemic index, mga pagkaing mataas sa taba at calories, at limitahan ang mga pinagmumulan ng simpleng carbohydrates. 

Iwasan din ang mga naprosesong pagkain at inumin, lalo na ang mga may instant processing tulad ng fast food. 

Ang diabetic diet na ito ay kadalasang mataas sa sugar kaya dapat itong bawasan para maiwasan ang pagtaas ng blood sugar. 

Pangalawa, magkaroon ng regular na diet na may balanseng nutrisyon. Ang method na ito ang susi kung  paano mapababa ang blood sugar  sa mga pasyenteng may diabetes.

 Ibig sabihin, kailangan mo pa ring kumain ng carbohydrates kahit na ang mga pagkaing ito ay gumagawa ng sugar. 

Ang safe na pagpili ng carbohydrates para sa diabetes ay complex carbohydrates dahil mas matagal itong maging glucose. Kaya ang blood sugar levels ay nagiging mas stable. 

Ang paghinto sa pagkain ng carbohydrates ay hindi isang wise decision. Nangangailangan pa rin ng carbohydrates ang mga diabetic para sa enerhiya.

Para sa mga pasyenteng may diabetes, mahalagang kumain nang regular. 

Ayon sa isang pag-aaral sa journal na Education and Health Promotion, ang paglaktaw sa pagkain nang napakatagal ay talagang magdudulot ng pagbaba ng asukal sa dugo. At pagkatapos ay mabilis na tumataas.

2. Kontrolin ang dami ng pagkain

Hindi lamang ang pagkain ng mga tamang pagkain para sa diabetes, ang pagkontrol sa dami ay mahalaga din kung paano mapababa ang blood sugar level.

Narito ang ilang paraan at tip para sa pagkontrol ng bahagi upang ang mga pasyenteng may diabetes ay mapanatiling normal ang blood sugar levels.

  • Bigyang-pansin ang laki at bigat ng pagkain.
  • Kumain ng maliliit na portion, ngunit madalas sa buong araw.
  • Iwasang kumain sa mga restaurant na may konseptong one meal ( all-you-can-eat).
  • Bigyang-pansin ang impormasyon na nilalaman ng pagkain sa packaging, alamin ang komposisyon. 
  • Kumain nang dahan-dahan para ang pagkain ay matunaw ng maayos ng katawan.

Ang mga tip na ito para mapanatiling normal ang blood sugar level ay hindi lamang para sa mga diabetic na overweight. 

Ito rin ay para sa mga may diabetes na may normal na timbang. Dapat ding bantayan ang kanilang mga bahagi ng pagkain upang hindi ito humantong sa obesity. 

3. Maging aktibo at regular na mag-ehersisyo

Ang isang paraan kung paano mapababa ang blood sugar levels ay ang regular na pag-eehersisyo. 

Ang pag-eehersisyo ay makakatulong sa mga cells ng iyong muscles na magkaroon ng mas maraming glucose at gawing enerhiya, sa gayon ay bababa ang blood sugar.

Kung regular na gagawin sa mahabang panahon, ang pag-eehersisyo ay maaaring gawing mas responsive ang cells ng katawan sa hormone na insulin, sa gayon ay mapipigilan ang insulin resistance . 

Ang tamang target na ehersisyo para sa diabetes ay hindi bababa sa 150 minuto sa isang linggo.

Siguraduhing gawin ito nang regular, iwasang mag-ehersisyo nang higit sa dalawang araw na sunud-sunod. 

Para sa mga umiinom ng mga gamot na nasa risk na magdulot ng hypoglycemia (pagpababa ng asukal sa dugo), siguraduhing suriin mo muna ang iyong asukal sa dugo.

Ideally, ang ehersisyo ay maaaring gawin kung ang blood sugar level ay nasa range na 100-250 mg/dL. 

 Kung ang iyong blood sugar level ay mas mababa sa 100 mg/dL, ang snacks mo ay dapat na naglalaman ng 15-30 gramo ng carbohydrates, tulad ng mga fruit juice, prutas, o biskwit.

Dapat mong i-postpone ang ehersisyo kapag ang iyong blood sugar level ay higit sa 250 mg/dL. Kung maaari, suriin muna ang ketone levels sa iyong ihi. 

Bilang karagdagan sa regular na ehersisyo, subukang manatiling aktibo sa iyong mga pang-araw-araw na gawain. 

Iwasan ang isang laging nakaupo (tamad) at kaunting pisikal na paggalaw o pag-aaksaya ng enerhiya, tulad ng panonood ng TV, paglalaro sa mga device, o pag-upo ng masyadong matagal sa harap ng computer.

4. I-manage ng mabuti ang stress 

Ang sobrang stress ay maaari ding maging sanhi ng pagtaas ng blood sugar dahil sa pagpapalabas ng cortisol, ang stress hormone. 

Hindi lamang nagpapataas ng blood sugar ang stress. May posibilidad na gawin nitong mas madalas na  

kumain ng mas matatamis (mataas na sugar) na pagkain ang mga diabetic.

Kaya, para hindi mapataas ng stress ang blood sugar levels, mahalagang maunawaan mo kung paano kontrolin ang stress at subukan ang iba’t ibang bagay na makakapagpabuti sa iyong mood. Ipahinga ang iyong katawan, at kalmahin ang isip. 

Ilan sa mga paraan na magagawa mo ang mga sumusunod:

  • Subukang huminga ng 5 slow deep breaths. 
  • Magpatugtog ng nakapapawing pagod na musika. 
  • Gumawa ng ilang simpleng pag-stretch o subukan ang ilang yoga poses. 
  • Magkaroon ng oras para gawin ang isang bagay na talagang gusto mo. 
  • Maglaan ng oras upang gawin ang iyong paboritong libangan. 
  • Makipag-usap sa isang kaibigan, o isang medikal na propesyonal kung mayroong reklamo.

5. Magkaroon ng sapat na pahinga

Ang isa pang paraan kung paano mapababa ang blood sugar ay ang pagkakaroon ng sapat na pahinga. 

Sa isang paraan, ang patuloy na kawalan ng tulog ay nakakaapekto sa iyong kalidad ng buhay at nakakasagabal sa insulin secretion (paglabas). Ideally, ang mahimbing na tulog ay umaabot ng 7-9 na oras bawat gabi. 

Ang sapat na tulog ay makakapagbalanse ng mga hormone, makakaiwas sa stress, at makapagbibigay sa iyo ng sapat na enerhiya para kumilos at mag-ehersisyo sa susunod na araw. 

Kaya, mapababa ang blood sugar nang maayos. 

6. Regular na pag-check ng blood sugar

Ang pagsukat at pagmonitor sa blood glucose levels gamit ang isang blood sugar meter ay isa ring epektibong paraan ng pagkontrol sa sugar ng dugo.

Ang regular na pag-check sa iyong blood sugar ay makakatulong na malaman kung paano nagre-react ang iyong katawan sa ilang partikular na pagkain. 

Sa patuloy na pag-monitor sa mga pagbabago sa blood sugar levels, magiging mas madali sa iyo na malaman kung magkakaroon ng pagbabago sa diet o iinom ng gamot. 

Kaya, subukang sukatin araw-araw ang sugar level araw-araw. Siguraduhin na ang iyong sugar levels ay palaging naaayon sa mga rekomendasyon ng doktor.

7. Pag-inom ng supplements

Ang supplements ay mabuti para sa pagtaas ng paggamit ng mga bitamina at mineral sa katawan. HIndi naman kailangan ang pag-inom ng supplements para sa diabetes.

Lalo na kung nagpatupad ka ng regular na diet at ang food intake ay natutugunan ang pang-araw-araw na mga pangangailangan sa nutrisyon.

Gayunpaman, kung gusto mong dagdagan ang iyong pang-araw-araw na nutritional intake, hindi masama  na uminom ng supplements. Pero, kailangan mo pa ring talakayin muna ito sa iyong doktor. 

Ang mga bitamina at mineral na mabuti para sa diabetes upang makatulong na mapanatili ang blood sugar levels:

  • Vitamin D: tumutulong sa pagkontrol ng blood sugar sa mga pasyenteng may diabetes.  
  • Vitamin E : gumaganap bilang isang antioxidant na may kakayahang maiwasan ang sakit sa puso, kidney failure, at kapansanan sa paggana ng paningin. Ang sakit na ito ay isang komplikasyon na madaling maranasan ng mga pasyenteng may diabetes.
  • Magnesium: Ang mga diabetic ay nasa panganib para sa kakulangan ng magnesium intake sa kanilang mga katawan. Maaaring dahil ito sa mga side effect ng mga gamot sa diabetes.  
  • Vitamin C: may papel sa pagkontrol sa blood sugar levels at kabuuang kolesterol sa mga pasyenteng may diabetes.

Key Takeaways

Natural lang na mahihirapan kang masanay sa isang healthy lifestyle sa simula. Ang pagbabago ng mga habit ay hindi magiging madali. 
Ang pinakamahalagang bagay ay huwag sumuko kaagad. Magsimula nang paunti-unti sa pamamagitan ng pagtatakda ng ilang mga target. Kung matagumpay ka, maaari mong subukang unti-unting ituloy sa mas malalaking  lifestyle changes.

[embed-health-tool-bmi]

Matuto pa tungkol sa diabetes dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

  1. Kalyani, R. R., Corriere, M. D., Donner, T. W., & Quartuccio, M. W. (2018). Diabetes Head to Toe: Everything You Need to Know about Diagnosis, Treatment, and Living with Diabetes. Johns Hopkins University Press. Available at https://jhupbooks.press.jhu.edu/title/diabetes-head-toe
  2. Asif M. (2014). The prevention and control the type-2 diabetes by changing lifestyle and dietary pattern. Journal of education and health promotion3, 1. https://doi.org/10.4103/2277-9531.127541
  3. National Institute of Diabetes and Digestive and Kidney Diseases. (2020). Changing Your Habits for Better Health. Retrieved 27 July 2020, from https://www.niddk.nih.gov/health-information/diet-nutrition/changing-habits-better-health
  4. National Institute of Diabetes and Digestive and Kidney Diseases. (2020). 4 Steps to Manage Your Diabetes for Life. Retrieved 27 July 2020, from https://www.niddk.nih.gov/health-information/diabetes/overview/managing-diabetes/4-steps
  5. CDC. (2020). Living with Diabetes. Retrieved 27 July 2020, from https://www.cdc.gov/diabetes/managing/index.html
  6. American Diabetes Association. (2020). Managing Diabetes. Retrieved 27 July 2020, from http://web.diabetes.org/winning/ManagingDiabetes/LearningHowtoChangeHabitsPresentationGuide.pdf?WTLPromo=winningatwork_learninghowtochangehabits_pdf
  7. Diabetes.co.uk. (2019). How To Control Diabetes. Retrieved 27 July 2020, from https://www.diabetes.co.uk/how-to/control-diabetes.html
  8. Diabetes.co.uk. (2019). Vitamins and Minerals for Diabetes. Retrieved 27 July 2020, from https://www.diabetes.co.uk/vitamins-supplements.html

Kasalukuyang Version

05/29/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Puwede ba ang diabetic sa noodles? Alamin dito!

Okay lang ba Kumain ng Kanin ang may Diabetes?


Narebyung medikal ni

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement