Dahil sa bumibilis na bilang at estadistika, hindi maitatanggi ang lumalalang kaso ng diabetes mellitus hindi lamang sa buong mundo ngunit pati na rin sa Pilipinas. Noong 2019, may 4.9 milyon diagnosed sa bansa na may rate na nasa 6.1 %. Mas tumaas ito noong nagkaroon ng COVID na may 5 milyon na apektado nito. Ito ang isa sa pinaka karaniwang sakit na potensyal na napapasa sa bawat henerasyon, lalo na ang type 2 diabetes. At maraming mga pamilya ang may history ng diabetes. Namamana ba ang diabetes?
Inimbitahan si Dr. Theresa Marie Valdez-Faller, isang medically-accredited at acclaimed practitioner sa field ng Endocrinology na maging isang tagapagsalita sa unang episode ng Hello Doctor PH’s #AskTheExpert series na tinalakay niya ang relasyon sa pagitan ng diabetes at iba pang cardiovascular na sakit. Alamin dito kung namamana ba ang diabetes.
Sa pamamagitan ng panayam na ito, ibinahagi niya rin ang apat na kapakipakinabang na tips na maaaring alalahanin upang maiwasan ang ibang nakamamatay na sakit para sa mga pamilyang may history ng diabetes.
Namamana ba ang Diabetes? O nais itong maiwasan sa hinaharap? Alamin ang mga tips na ito
1. Maaari mong kainin lahat ng nais mo basta’t may moderasyon
Sa bahay ng isang pamilyang Pilipino, madalas mong marinig na sinasabi ng mga matatanda ang “Huwag kang kain nang kain ng matamis, magkaka-diabetis ka.” Bagaman ito ay totoo dahil nagpapataas ito ng lebel ng iyong sugar. Gayunpaman, ipinaliwanag ni Dr. Ayi na ito ay depende sa iyong lifestyle.
“Kung hindi ka nag-eehersisyo, hindi umiinom ng sapat na tubig, at kung may banta ng diabetes, mainam talaga para sa iyo na hindi kumain nang sobra. Ngunit kailangan mong alalahanin na hindi porket na may diabetes ka, hindi mo na makakain ang mga matatamis na pagkain kahit kailan.”
Binanggit niya pa na hindi niya inirerekomenda sa mga pasyente na may diabetes na maging malungkot sa kanilang realidad. Hindi niya pinagbabawalan sila sa kung anong nais kainin, tulad ng leche flan, ice cream, o maging ang halohalo, hangga’t may moderasyon.
2. Gamitin ang Pinggang Pinoy o ang Mediterranean Diet bilang sanggunian sa pagkonsumo ng pagkain
Ang konsepto ng Pinggang Pinoy ay kinokompromiso ang lahat ng nutritional food groups na kailangan ng iyong katawan sa buong araw.
Ang masustansya at ideal na meal para sa Pilipino ay kailangan ng porsyon ng mga ito:
- Pagkain na mataas sa fiber tulad ng prutas at gulay
- Isda o karne na magdaragdag ng iyong pang-araw-araw na protina
- Kanin para sa carbohydrates
- Katabing isang basong tubig
Maliban sa pangkaraniwang Pinggang Pinoy ng mga Pilipino, isinusulong niya rin ang Mediterranean diet na inirerekomenda ng American Diabetes Association para sa mga taong may diabetes. Tulad ng Pinggang Pinoy, ito ay masustansyang uri ng diet na mas maraming pagkain na may mainam na dami ng fiber at protina na may good oil na olive oil, at kaunting porsyon ng carbohydrates.
Sinabi niya pa na ang pagkakaroon ng carbohydrates sa isang diet ay mainam pa rin dahil ito ang nagbibigay ng enerhiya na nagpapagana sa katawan na may primary sources ng sugar.
3. Kontrolin ang pagkonsumo ng pagkain depende sa lebel ng aktibidad
Upang pasimplehin, kinontekstuwala ni Dr. Ayi ang tatlong meals na kainin sa ganitong paraan:
- Almusal: kailangan na kainin na “tulad ng isang hari” dahil ito ang pinakamaraming meal sa isang araw
- Tanghalian: kailangan na ito ay nasa ⅔ o ⅓ ng iyong almusal
- Hapunan: kailangan na ito ay nasa ⅓ o ¼ ng iyong almusal
Laging sinasabi na ang almusal ang pinakamahalagang meal sa buong araw. Ipinaliwanag niya na marami kang gagawing mga gawain. Mahalaga na mayroon kang enerhiya na kakailanganin sa buong araw.
Gayunpaman, nabanggit niya rin na kung sa tingin mo hindi ka kikilos sa buong araw, huwag kumain nang marami. Ang tamang dami ng pagkain ay nakadepende sa lebel ng iyong gawain.
Binigyang-diin niya rin na sinasabihan niya ang mga pasyente na huwag kumain ng maraming carbohydrates sa hapunan dahil hindi na masyadong kikilos at kalaunan ay matutulog na rin.
“Hindi mo na kakailanganin ang mga carbs na magiging sugar na dapat na ginagamit. Maiimbak lamang ito. Maiimbak ang mga ito bilang fats,” dagdag niya.
4. Ugaliin ang paglalakad bilang ehersisyo
Ang paglalakad ay nakaiiwas sa mga sakit lalo na kung ang iyong pamilya ay may history ng diabetes. Napakikilos ka nito kada araw. Isinusulong ni Dr. Ayi ang marahan lang at madaling porma ng ehersisyo upang ugaliin kada araw.
Tinatanong niya rin ang mga pasyente kung anong kaya nilang gawin kada araw sa 30 minuto o nasa 2 at kalahating oras kada linggo. Ang paglalakad ay cardiovascular na ehersisyo na nangunguna sa listahan. Ito ay maaari mong gawin kahit nasa bahay.
Key Takeaways
Tandaan — ito ay nakadepende sa kung paano mo kinakain at pagkilos. At gawin ang mga bagay na may balanse at moderasyon.
Panoorin ang kabuuang panayam kasama si Dr. Faller dito.
At matuto pa tungkol sa pag-iwas sa diabetes dito.