Kapag may diabetes ka, nagiging mapili ka sa mga prutas na kinakain mo. Upang makaiwas sa pagtaas ng blood sugar, ibig sabihin kailangan mong pumili ng mga prutas na hindi matamis. Ang isa sa mga ito ay ang avocado. Gayunpaman, ang mga avocado ay kadalasang mataas sa calories at fat. Kaya ang tanong ay kung mabuti ba ang avocado para sa may diabetes? Alamin dito.
Ano ang Avocado?
Mataas ba talaga sa calories at fat ang mga avocado? Ang sagot ay, oo.
Ayon sa mga ulat, ang kalahating avocado ay mayroong 150 kcal. Kung ihahambing, ang kasing dami ng broccoli o orange ay mayroon lamang na 20 kcal. Ang avocado ay mayroon ding 20- 25 grams ng taba, pero ang magandang balita ay, 15 grams nito ay monounsaturated (healthy fats).
Dahil sa mga nabanggit, mabuti ba ang avocado para sa diabetes?
Mabuti ba ang Avocado para sa may Diabetes?
Sa pangkalahatan, ang avocado ay mabuti para sa may diabetes. Iyon ay hangga’t isinasaalang-alang mo ang iba pang mga pagkain sa iyong diyeta.
May tatlong pangunahing dahilan kung bakit ang avocado ay mainam para sa mga taong may diabetes:
- Una, tulad ng karamihan sa mga prutas, mabuting source ito ng maraming mga bitamina at mineral.
- Pangalawa, mababa ito sa carbohydrate content kumpara sa mga pangkaraniwang mga prutas.
- Panghuli, maaari pa itong makatulong sa pagtaas ng blood sugar dahil mababa ang sugar content nito.
Para sa paghahambing, ang 100 grams ng hilaw na avocado ay may 8.64 grams ng carbohydrates na walang humigit-kumulang na 6.8 grams ng fiber. Ang kabuuang asukal nito ay nasa 0.3 grams lamang.
Sa kabilang banda, ang saging (100 grams) ay may 22.8 grams ng carbohydrates na may 2.6 grams ng fiber. Bukod dito, ang total sugar content ay nasa 12.2 grams.
Mga Karagdagang Benepisyo ng Avocado para sa May Diabetes
Mabuti ba ang avocado para sa may diabetes? Lumalabas na totoo nga. Lalo na kung iniisip mo ang mga karagdagang benepisyong ito:
Ang monounsaturated fats ay kilala na nagpoprotekta sa puso laban sa mga sakit sa puso at dahil na rin sa ang avocado ay mataas sa fiber. Maaaring bawasan ng high fiber ang mga antas ng low density lipoprotein o masamang kolesterol. Mataas din sa potassium ang avocado, na makakatulong sa pagkontrol ng presyon ng dugo.
- Ito ay maaaring makakatulong na ma-manage ang iyong timbang
Dahil ang avocado ay mababa sa carbohydrates, maaari itong makatulong sa weight management. Isa itong mahalagang aspeto ng pangangalaga sa diabetes. Sa katunayan, sinasabi ng ilang ulat na ang avocado ay maaaring makatulong sa pamamahala ng obesity. Bukod dito, nakakabusog ang avocado. Kaya mas malamang na hindi mo kailangang mag-snack ng mga hindi malusog na pagkain kung kakain ka ng isang serving ng avocado.
- Maraming maaring gawin sa avocado
Madalas na nag-aalala ang mga taong may diabetes kung ano ang kanilang susunod na kakainin. Dahil alam nila na limitado ang kanilang options. Sa mga avocado, maaari silang magkaroon ng maraming opsyon dahil ito ay versatile.
Maaari mo itong kainin na lang na healthy snack o ihalo sa salad, sopas, at iba pang mga pagkain.
Mga Paalala sa Pagkain ng Avocado
Mainam ba ang avocado para sa may diabetes? Oo, tulad ng naipaliwanag sa ibang bahagi. Gayunpaman, tandaan na pagdating sa kalusugan, mahalaga ang pangkalahatang diet mo.
Ibig sabihin, pinakamainam pa rin ang kumain ng iba’t ibang mga pagkain ayon sa meal plan na napag-usapan nyo ng iyong doktor.
Heto ang ilang mga tips na makatutulong sa pagkain ng avocado:
- Mainam kainin ang hinog na avocado.
- Mag-ingat sa mga pagkain na kinakain mo kasama ng avocado. Halimbawa, kung maghahanda ka ng avocado smoothies, ang pagdaragdag ng gatas at pampatamis ay maaaring mag-trigger ng pagtaas ng blood sugar.
- Maging maingat sa serving size. Ayon sa ilang mga eksperto, ang kalahati ng avocado ay okay lang, pero syempre, depende ito kung ano ang iba pang kinakain mo kasama nito. Kailangan mong tiyakin na hindi ka lalampas sa iyong mga target na calorie o carbohydrates.
Key Takeaways
Mabuti ba ang avocado para sa may diabetes? Ayon sa mga eksperto, oo – hanggat ito ay bahagi ng malusog at well-planned na diet. Maaaring mataas ito sa calories, ngunit mayaman ito sa monounsaturated fats at fiber. Higit pa rito, mababa rin ito sa carbs at asukal.
Matuto pa tungkol sa Diabetes dito.
[embed-health-tool-bmi]