Ang diabetes ay isang uri ng kondisyon kung saan ang pasyente ay nakararanas ng pangmatagalang high blood sugar. Maaaring ito ay dahil kulang ang kanilang insulin o hindi nagagamit ng tama ang insulin (insulin resistance) sa katawan. Bagamat madalas na kailangan ng gamot para sa diabetes, iminumungkahi din ng mga doktor ang tamang nutrisyon at regular na ehersisyo. Ngunit mayroon din bang mga herbal para sa diabetes na maaaring makatulong upang pababain ang blood sugar ng isang pasyente? Alamin dito.
Anu-Ano and mga Uri ng Diabetes?
Ang diabetes ay maaaring magdulot ng iba’t-ibang komplikasyon, katulad ng sakit sa puso, pagkabulag, at kidney failure. Ayon sa World Health Organization, aabot sa 422 milyong kaso ng diabetes ang mayroon sa buong mundo, at ito’y nagreresulta sa 1.6 milyon na kamatayan taun-taon.
Maraming uri ng diabetes, ngunit ang dalawang pangunahing uri nito ay type 1 at type 2.
Ang type 1 diabetes ay nangyayari sapagkat hindi nakagagawa ng sapat na insulin ang lapay (pancreas). Madalas, kung ang isang tao ay may type 1 diabetes, malalaman ito habang sila ay bata pa. Ang mga pasyenteng may type 1 diabetes ay agarang mangangailangan ng insulin therapy.
Ang type 2 diabetes naman ay dulot ng hindi tamang paggamit ng ating mga cells ng insulin (insulin resistance). Maaaring ito ay dulot ng edad, kakulangan sa ehersisyo, dieta na mataas sa sugar o carbohydrates, at mataas na timbang.
Paano Ginagamot Ang Diabetes?
Upang agapan ang mga komplikasyon ng diabetes, importanteng ang pasyente ay kumonsulta sa doktor. Mula sa konsultasyon, malalaman niya kung ano ang nararapat ng diyeta at ehersiyo para sa kanya. Maaari ding magrekomenda ng herbal items para sa diabetes ang doktor, ngunit madalas, ito ay kasabay ng maayos na nutrisyon.
Paglilinaw: Bagamat madali lamang bumili ng herbal items para sa diabetes, kailangan munang sumangguni sa doktor bago ito subukan.
Kung hindi sapat ang diyeta at ehersisyo, magrerekomenda na ng gamot na pampababa ng blood sugar ang doktor. Kung hindi pa rin ito sapat, maaaring insulin na ang kailangan.
Anu-Ano ang Epekto ng mga Gamot para sa Diabetes?
Iba-iba ang maaaring maging epekto ng mga gamot para sa diabetes. Maaaring ang isang tao ay mangailangan ng dalawa o higit pang uri ng gamot, ineksyon, o insulin. Ngunit, ang mga inaasahang resulta ay ang sumusunod:
- Paggawa ng mas maraming insulin ng lapay
- Mabawasan ang paggawa ng glucose ng atay
- Mapigilan ang pag “breakdown” ng carbohydrates sa glucose
- Magamit ng tama ng mga cells ng insulin
- Pabagalin ang digestion ng carbohydrates
- Pigilan ang reabsorption ng glucose sa kidneys
Depende sa magiging reaksyon ng pasyente, maaaring palitan, bawasan, o dagdagan ng doktor ang kanyang mga gamot.
Ano ang mga Posibleng Benepisyo ng Herbal para sa Diabetes?
Ang paggamit ng iba’t-ibang gamot para sa diabetes ng pangmatagalan ay maaaring magdulot ng mga side effects. Dahil dito, maraming pasyente ang interesado sa paggamit ng herbal items para sa diabetes. Ilan sa mga posibleng benepisyo nito ay ang sumusunod:
- Pagbaba ng blood sugar: Higit isang libong herbal items para sa diabetes ang may mga sangkap na pwedeng magpababa ng blood sugar. May mga sangkap din sila na makakabuti sa kalusugan, tulad ng antioxidants.
- Mabawasan ang kagustuhang kumain ng matatamis: Isang herbal item para sa diabetes na tinatawag na Gymnema ay natuklasang epektibo upang maiwasan ang kagustuhang kumain ng matatamis.
- Mabawasan ang oxidative stress: Ang oxidative stress ay itinuturing na nakasasama sa kalusugan. Ang mga herbal items para sa diabetes ay maaaring may mga sangkap na nakakapagpababa ng oxidative stress.
Key Takeaway
Isinusulong ng World Health Organization na pag-aralang mabuti ang mga herbal items para sa diabetes. Mariin ding sinasabi ng mga eksperto na ang paggamit ng herbal items at mga gamot ay nararapat parin na sabayan ng regular na ehersisyo, maayos na diyeta, regular na konsultasyon sa doktor, at laboratory tests.
More on Diabetes here.
[embed-health-tool-bmi]