backup og meta

Mga Sintomas ng Polio: Ano-ano ang Dapat Mong Bantayan?

Mga Sintomas ng Polio: Ano-ano ang Dapat Mong Bantayan?

Ang polio ay isang nakapipinsalang viral disease na sanhi ng tinatawag na poliovirus. Karaniwang biktima ng naturang kondisyon ang mga batang edad 5 pababa. Ito ay isang sakit na naililipat, maaaring magdulot ng paralysis, at maaaring nakamamatay. Bagama’t ang polio ay isang sakit na maiiwasan sa bakuna, pinakamahusay pa rin kung ikaw ay may sapat na kaalaman sa pagtuklas nito batay sa mga sintomas ng polio.

Noong ika-19 ng Setyembre 2019, inihayag ng Department of Health ang unang polio outbreak sa Pilipinas. Ang balitang ito ikinasorpresa ng marami, marahil ang bansa ay idineklara ng polio-free noong 2000.

Ano ang Polio?

Bago tayo tumungo sa iba’t ibang mga karaniwang sintomas ng polio, nararapat na malaman muna nating maunawaan ang naturang kondisyon. 

Ang poliomyelitis o polio ay isang nakahahawang sakit na dulot ng isang impeksyon sa virus na dala ng poliovirus.

Tina-target ng mga poliovirus ang mga nerve cells (motor neurons) sa nervous system. Dahil dito, maaari itong maging sanhi ng degeneration at pagkamatay ng mga motor neuron sa spinal cord.

Kapag ang mga motor neuron sa spinal cord ay nabigong muling mag-regenerate, maaari itong humantong sa pinakamalalang sintomas ng polio, ang paralysis.

Kadalasan, ang paralysis ay nagdudulot ng panghabambuhay na kapansanan, at humigit-kumulang 5% hanggang 10% ng mga taong nasuri na may paralytic polio, ang namamatay mula sa sakit.

Karamihan sa mga pasyenteng nahawaan ng poliovirus ay hindi magpapakita ng mga kapansin-pansing senyales at sintomas, at ang iba ay malamang na magpapakita ng mga flu-like symptoms tulad ng sipon, namamagang lalamunan, sakit ng ulo, at lagnat.

Pagsusuri Batay sa Sintomas ng Polio 

Ang pagtuklas ng polio batay sa mga sintomas ay maaaring maging mahirap dahil karamihan sa mga taong nahawaan ng poliovirus ay asymptomatic. Sa kabilang banda, maaari mong matukoy ang kalubhaan o uri ng polio na mayroon ang isang pasyente depende sa mga kapansin-pansing mga sintomas na mayroon sila. 

Sintomas ng Abortive Polio

Ito ay isang minor o mild na uri ng polio na karaniwang nasusuri sa maliliit na bata. Ang mga sintomas nito ay karaniwang nagpapakita 3 hanggang 5 araw pagkatapos ma-expose sa poliovirus, at ang paggaling ay tumatagal ng humigit-kumulang 24 hanggang 72 oras.

Ilan sa mga sintomas ng abortive polio ay kinabibilangan ng:

Sintomas ng Non-paralytic Polio

Ito ay mas malala kaysa sa abortive polio ngunit mas mild naman kaysa paralytic polio. Ang isang taong may non-paralytic polio ay maaaring magpakita ng mga sintomas na pareho sa abortive polio na maaaring humupa nang ilang araw ngunit sa kalaunan ay bumabalik. Kaugnay nito, ang paggaling mula sa non-paralytic polio ay maaaring tumagal mula 24 na oras hanggang 10 araw.

Ang mga sintomas ng non-paralytic polio ay ang mga sumusunod:

  • Pananakit o paninigas sa kahabaan ng spine, leeg, braso, binti, at maging torso
  • Muscle spasms at tenderness
  • Meningitis

Sintomas ng Paralytic Polio

Bagama’t bihira, ito ang pinakamalubhang uri ng polio. Ang mga sintomas ng polio na ito ay umuunlad pagkatapos ng isang linggo mula sa mild hanggang sa pinakamalubha.

Ang mga sintomas ng paralytic polio ay kinabibilangan ng:

  • Paghihina ng muscles o ng buong katawan 
  • Muscle atrophy (pagbaba ng muscle mass)
  • Malalang constipation
  • Kahirapan sa paglunok at paghinga 
  • Partial o complete paralysis na maaaring maging permanente

sintomas ng polio

Mga Komplikasyon

Ang mga hindi gaanong malubhang uri ng polio ay hindi nagdudulot ng mga komplikasyon habang ang mga taong dumaranas ng mga kondisyong ito ay ganap na gumagaling. Sa kabilang banda, ang paralytic polio ay maaaring magdulot ng panghabambuhay na pinsala at komplikasyon sa isang taong mayroon nito.

Kabilang sa mga komplikasyon ng paralytic polio ang:

  • Pansamantala o permanenteng muscle paralysis
  • Pulmonary edema (pagtaas ng blood pressure sa blood vessels ng baga)
  • Aspiration pneumonia (pamamaga ng baga)
  • Myocarditis (pamamaga ng heart muscle)
  • Depression

Sa ibang mga kaso, maaari rin itong humantong sa kamatayan.

Post-polio syndrome (PPS)

Ito ay isang kondisyon na umaatake sa mga kalamnan at ugat ng polio survivor. Ang mga sintomas ng PPS ay makikita pagkatapos ng 10 hanggang 40-taong recovery ng isang taong lubhang naapektuhan ng unang poliovirus infection.

Ang mga sintomas ng post-polio syndrome ay kinabibilangan ng:

  • Progresibong pananakit at panghihina ng mga kalamnan at kasukasuan
  • Pagkapagod o pagkahapo kahit na gumagawa ng magagaan na pisikal na aktibidad
  • Muscle atrophy
  • Mga problema sa paglunok at paghinga
  • Kahirapan sa pag-tolerate ng lamig
  • Mga sleeping disorders tulad ng sleep apnea at periodic limb movements (PLM)

Pag-iwas

Ang pinakamahusay na paraan upang maiwasan ang poliovirus infection ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng poliovirus vaccine. Sa Pilipinas, libre ang bakuna sa polio immunization vaccine sa batang wala pang 5 taong gulang, sa panahon ng mass immunization campaign sa bansa.

Ang oral poliovirus vaccine (OPV) sa Pilipinas, ay dapat ibigay sa mga bata sa edad na 1 ½, 2 ½, 3 ½ buwan, at ang inactive polio vaccine (IPV) naman ay nararapat ibigay sa 3 ½ buwan.

Bukod sa bakuna, may iba pang mga tips sa kung paano limitahan ang pagkalat ng poliovirus, tulad ng:

Key Takeaways

Ang polio ay isang nakakapanghinang sakit na karaniwan sa mga bata. Maaaring maging mahirap ang pagsusuri nito batay sa mga sintomas marahil karamihan sa mga taong may sakit ay asymptomatic.
Upang maiwasan ang polio at ang mga komplikasyon nito, ipinapayo sa mga magulang o matatanda, sa pangkalahatan, na pabakunahan ang kanilang mga anak ng OPV at IPV upang maprotektahan sila laban sa poliovirus.
Mahalaga rin na obserbahan ang proper hygiene dahil ang poliovirus ay naililipat sa pamamagitan ng dumi at iba pang secretions ng katawan ng isang nahawaang indibidwal.

Alamin ang iba pang Issue sa Nervous System dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Poliomyelitis (Polio) https://www.who.int/health-topics/poliomyelitis#tab=tab_2 Accessed September 19, 2020

History of Polio (Poliomyelitis) https://www.historyofvaccines.org/content/articles/history-polio-poliomyelitis Accessed September 19, 2020

Polio https://kidshealth.org/en/parents/polio.html Accessed September 19, 2020

What is Polio? https://www.cdc.gov/polio/what-is-polio/index.htm Accessed September 19, 2020

Polio and Post Polio Syndrome https://www.hse.ie/eng/health/az/p/polio-and-post-polio-syndrome/complications-of-polio-and-post-polio-syndrome.html Accessed September 19, 2020

DOH, WHO, and UNICEF Resume Polio Campaign https://www.doh.gov.ph/press-release/DOH-WHO-and-UNICEF-Resume-Polio-Campaign Accessed September 19, 2020

Poliomyelitis Symptoms and Causes http://www.childrenshospital.org/conditions-and-treatments/conditions/p/poliomyelitis/symptoms-and-causes Accessed September 19, 2020

Polio (Poliomyelitis) https://www.urmc.rochester.edu/encyclopedia/content.aspx?ContentTypeID=85&ContentID=P00643 Accessed September 19, 2020

Polio https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/polio/symptoms-causes/syc-20376512 Accessed September 19, 2020

Polio and the Late Effects of Polio https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/conditionsandtreatments/polio-and-post-polio-syndrome Accessed September 19, 2020

Kasalukuyang Version

06/30/2023

Isinulat ni Fiel Tugade

Sinuri ang mga impormasyon ni Jan Alwyn Batara

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Sanhi ng Delirium at Confusion

Alamin: Ano ang Meige Syndrome?


Sinuri ang mga impormasyon ni

Jan Alwyn Batara


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement