backup og meta

Sanhi Ng Diabetes: Dahil Ba Ito Sa Pagkain Ng Matatamis?

Sanhi Ng Diabetes: Dahil Ba Ito Sa Pagkain Ng Matatamis?

Marahil kapag natanong ka kung ano ang sanhi ng diabetes, una mong iisipin ay sugar, o pagkain ng matatamis. Ngunit mas komplikado pa ang kasagutan sa tanong na ito.

Alamin dito kung ano ang tunay na koneksyon ng asukal at diabetes, pati na rin ang mga risk factors na maaaring humantong sa diabetes.

Pagkain Ba Ng Matamis Ang Sanhi Ng Diabetes?

sweet tooth cravings

Madaling maunawaan kung bakit sugar ang madalas na sisihin ng mga tao pagdating sa diabetes. Siyempre, ang pagkakaroon ng high blood sugar levels ay ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng komplikasyon sa diabetes. Bukod dito, ang pagkain ng matamis ay nakakapagpataas nga ng blood sugar.

Pero ang katotohanan ay walang kinalaman ang pagkain ng matamis pagdating sa pagkakaroon ng diabetes. Partikular na sa type 1 diabetes.

Ang paniniwala pagdating sa type 1 diabetes ay epekto ito ng autoimmune reaction1. Ang nangyayari ay pinapatay ng immune system ang mga insulin-producing cells na kung tawagin ay beta cells, sa loob ng pancreas. Kapag nangyari ito, hindi na nakakagawa ng insulin ang pancreas, at wala nang magkokontrol sa blood sugar. Kaya nagkakaroon ng type 1 diabetes.

Pagdating sa type 1 diabetes, walang kinalaman ang kalusugan ng isang tao. Mas nasa genetics nakadepende kung mataas ba ang risk ng isang tao pagdating sa type 1 diabetes.

Sa kaso naman ng type 2 diabetes, may koneksyon nga ang sugar at ang risk ng pagkakaroon nito. Pero marahil ay hindi ito ang iyong inaasahan.

Type 2 Diabetes At Sugar

Pagdating sa sanhi ng type 2 diabetes, posibleng makadagdag sa panganib nito ang sugar. Pero hindi ito direktang responsable sa type 2 diabetes.

Kapag kumakain tayo ng matatamis, o ng pagkain na maraming carbohydrates, tumataas ang ating blood sugar level. Upang ma-kontrol ito, gumagawa ng insulin ang ating pancreas para i-balanse ang blood sugar. Ang sugar na ito ay iniimbak ng ating katawan sa ating atay, upang gamitin kapag kinakailangan natin ng energy2.

Ngunit hindi dahil sa pagtaas ng blood sugar ang dahilan kung bakit isa ang asukal sa posibleng sanhi ng type 2 diabetes. Ito ay dahil maaari kang maging overweight o obese kapag nasobrahan ka sa pagkain ng sugar.

Hanggang ngayon ay hindi pa natin gaanong nauunawaan kung bakit nagkakaroon ng type 2 diabetes. Pero alam natin na may mga ilang bagay, tulad ng pagiging obese o overweight, na nagdudulot ng type 2 diabetes. Pinaniniwalaan na mayroong kinalaman ito sa pagkakaroon ng insulin resistance ng ating katawan3.

Kapag umabot na sa punto na hindi na sapat ang insulin na ginagawa ng ating pancreas upang ma-kontrol ang blood sugar, ito ang tinatawag na type 2 diabetes.

At dahil ang pagkain ng maraming matatamis ay nakakapagpataba, maaari itong humantong sa pagkakaroon ng type 2 diabetes. Ngunit hindi rin tama na sisihin lang ang sugar para sa sakit na ito. Ang pinakamalaking factor dito ay ang lifestyle ng isang tao.

Halimbawa, kung ang isang tao ay kumakain ng maraming matatabang pagkain, at di rin nag-ehersisyo, mas mataas ang kaniyang risk ng type 2 diabetes4. Kaya’t hindi lang sapat ang pag-iwas sa sugar upang hindi magkaroon ng diabetes. Kailangan rin na magkaroon ng healthy lifestyle.

Paano Mababawasan Ang Panganib Ng Diabetes?

Ang pinakamadaling paraan para makaiwas sa diabetes ay ang pagkain ng masustansya. Kabilang na rito ang mga pagkain na mayroong low glycemic load5, tulad ng cereals, apples, oranges, beans, skim milk, cashews, peanuts, at carrots.

Mainam rin na magbawas sa red meat, at sa halip ay kumain ng healthier sources of protein tulad ng isda, lean meat, at tokwa.

Mahalaga rin ang pag-ehersisyo. Ang 30 minutes ng pag-ehersisyo ay nakakatuling makabawas sa panganib ng type 2 diabetes, pati na rin heart problems, high blood pressure, at iba pang lifestyle-related na mga sakit.

Alamin ang tungkol sa Diabetes dito

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

1 Sugar and diabetes | Eating with diabetes | Diabetes UK, https://www.diabetes.org.uk/guide-to-diabetes/enjoy-food/eating-with-diabetes/food-groups/sugar-and-diabetes, Accessed August 10, 2021

2 Does Eating too Much Sugar Cause Diabetes? – Chicago CARES DPP, https://chicagocaresdpp.org/does-eating-too-much-sugar-cause-diabetes/, Accessed August 10, 2021

3 Does Sugar Cause Diabetes?, https://www.pcrm.org/news/blog/does-sugar-cause-diabetes, Accessed August 10, 2021

4 Symptoms & Causes of Diabetes | NIDDK, https://www.niddk.nih.gov/health-information/diabetes/overview/symptoms-causes, Accessed August 10, 2021

5 Carbohydrates and Blood Sugar | The Nutrition Source | Harvard T.H. Chan School of Public Health, https://www.hsph.harvard.edu/nutritionsource/carbohydrates/carbohydrates-and-blood-sugar/, Accessed August 10, 2021

Kasalukuyang Version

03/06/2023

Isinulat ni Jan Alwyn Batara

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Sintomas Ng Diabetes Na Dapat Mong Malaman

Ano Ang Normal Blood Sugar? Heto Ang Dapat Mong Malaman


Narebyung medikal ni

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jan Alwyn Batara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement