Umaabot ng hanggang siyam na buwan ang pagbubuntis. At marahil ganon kahabang panahon din ang kakailanganin upang gumaling mula sa panganganak. Ikaw man ay nagkaroon ng vaginal birth o cesarean section, hindi maitatanggi na ang katawan mo ay dumaan sa isang “rough patch.” Samakatuwid, dapat mong pagtuunan ng pansin ang mga problemang kailangang iwasan pagkatapos manganak. Ito ay upang mas mapabilis ang iyong paggaling.
Ano ang dapat iwasan ng mga buntis sa buwan ng kapanganakan upang matulungan ang kanilang katawan na gumaling nang mabilis?
Makakatutulong ang postpartum beauty secrets na ilalatag sa artikulong ito upang malaman din ang postpartum diet na dapat mong sundin at ang iba’t ibang mga tip para makapagpahinga ka kahit na abala ka sa pag-aalaga ng iyong sanggol.
Ano ang Dapat Iwasan ng mga Babaeng Nakararanas ng Postpartum?
Matapos ang panganganak, karamihan sa mga kababaihan ay napapaisip kung paano mapapabilis ang panunumbalik ng kalagayan ng kanilang katawan. Sa katunayan, matapos manganak, ang iyong katawan ay nangangailangan ng pahinga, nutrisyon at tamang pangangalaga upang maging malusog at malakas para sa sarili at para sa iyong anak.
Sundin ang 10 sumusunod na postpartum beauty secrets upang maibalik ang pansariling kasaganahan:
Iwasang Kumain ng Maaalat na Pagkain
May mga nagpapayo sa mga bagong nanay na kumain ng tuyo at maalat na pagkain tulad ng nilagang karne na may paminta, nilagang isda, at umiwas sa mga gulay at sabaw upang panatilihing ang pagiging firm ng balat.
Subalit, ang pagsunod sa diet ng maaalat na pagkain ay maaaring magdulot ng mataas na altapresyon, constipation o pagtibi, at maging pamamanas. Kung kaya, hindi nararapat sundin ang payong ito.
Gayun din, umiwas din sa mga hilaw na pagkain o mga pagkang hindi masyadong luto upang malimitahan ang impeksiyon o mga parasite na nagdudulot ng sakit. Bagong lutong pagkain ang ihain. Siguraduhin rin na sapat ang tubig na naiinom sa araw-araw para hindi maging dehydrated.
Bagama’t kinakailangang limitahan ang pagkain matapos manganak, hindi dapat labis ang pagiwas sa mga ito dahil maaari ka namang humantong sa panghihina, impeksiyon, at kakulangan ng mahahalagang nutrisyon. Ang mga ito ay makakaapekto rin sa quality ng breast milk na maibibigay sa anak. Kung kaya, makakatulong kung mayroon kang varied diet na sinusunod.
Dapat iwasan ng mga bagong kapapanganak na babae ang pagkain ng mga processed food dahil sa grupong ito ng pagkain ay kadalasang mayroong maraming asin, asukal, at preservatives na hindi maganda sa kalusugan.
Iwasan ang Pagbuhat ng Mabibigat na mga Bagay
Ang ikalawa sa listahan ng postpartum beauty secrets ay ang pag-iwas sa pagbubuhat ng mabibigay na mga bagay. Ito ay marahil hindi lang arm muscles ang ginagamit upang masagawa ito, kailangang din magcontract ang iyong abdominal muscles na maaaring makaapekto sa tahi ng cesarean section.
Kahit ang mga nanganak ng normal ay kailangan din mag ingat sa pagbuhat ng mabibigat o pag-iri dahil maari itong magdulot ng pagkakaroon ng buwa (pelvic organ prolapse).
Umiwas sa Mabibigat at Nakakapagod na mga Ehersisyo
Ang iyong katawan ay pagod pa mula sa iyong panganganak kaya naman, dapat ay ipagpaliban na muna ang mga high-intensity exercise upang pumayat at mabilis na makabalik sa dating porma ng katawan. Gayunpaman, kailangan pa rin ng iyong katawan na banayad na gumalaw-galaw upang maayos ang sirkulasyon ng dugo, lalo na sa mga sumailali, sa caesarean section.
Maaring simulan ito sa mabagal na paglalakad at paggawa ng ibat ibang moderate at gentle movements na kaya ng iyong katawan bago magtransisyon muli sa mga nakagawiang ritwal na ehersisyo.
Huwag Uminom ng Alak at mga Inuming may Caffeine
Ang pag-inom ng alak at iba pang inuming may alcohol content ay maaaring magdulot ng pagtaas ng altapresyon.
Hindi dapat uminom ng alak kung nais mong mag-breastfeed dahil ito ay makaaapekto sa kalusugan ng sanggol.
Sa isang pag-aaral na pinatunayan ng Babycenter, bababa ang dami ng gatas na nailalabas kung regular na umiinom ng alcohol o anumang alcoholic na inumin ang ina.
Kasabay nito, ang mga babaeng kakapanganak pa lang ay dapat umiwas sa kape at iba pang mga inuming may caffeine. Ang caffeine na nasa mga inumin ay maaaring humalo sa gatas ng ina. Ito ay magreresulta sa hindi pagkapakali at hirap na pagtulog ng sanggol.
Dapat mong suriin ang impormasyon sa packaging ng mga de-boteng inumin dahil ang ilang mga sa mga ito ay naglalaman ng caffeine.
Isa pa sa mga postpartum beauty secrets ay ang pag-inom ng sapat na tubig upang mapanatiling malusog ang iyong katawan. Ito ay makatutulong din upang magkaroon ng sapat na gatas para sa iyong sanggol. Ang mga inumin na dapat mong inumin ay tubig, fresh juice, at gatas.
Huwag Gumamit ng Droga
Kung ikaw ay nagpapasuso at may mga ibang pangkalusugang problema, dapat mo lamang inumin ang gamot kapag inireseta ng iyong doktor. Ito ay sa kadahilanan na maaaring dumaloy sa iyong gatas ang anumang inumin o kainin mo, na maaring makaapekto sa sanggol.
Iwasang ang Maagang Pakikipagtalik
Dapat ay maghintay ng mga 6-8 na linggo bago makipagtalik muli. Maaring maghintay ng mas matagal pa hangga’t ikaw ay hindi pa handa. Ang dahilan ay ang katawan ay nangangailangan ng oras upang makabawi mula sa isang labor-intensive na procedure. Kung kaya, sa panahon ng postpartum, dapat mong iwasan ang maagang pakikipagtalik upang mabawasan ang panganib ng impeksyon at vaginal bleeding. Mainam na pag usapan din ang family planning para maiwasan ang hindi planadong pagbubuntis.
Iwasang ang Pagsalita nang Malakas
Madalas na pagod ang mga inang postpartum. Kung tatangkaing magsalita nang malakas, ikaw ay lalo pang manghihina dahil mas malaking enerhiya ang kailangan mong ibuhos para sumigaw o magsalita ng malakas.
Bahagi ng postpartum beauty secrets ay ang paglimita ng panonood ng TV at paggamit ng kahit anong gadget upang hindi sumakit ang ulo o mga mata.
Dagdag pa rito, nararapat na iwasan ang pagakyat-baba mula sa hagdan upang maiwasan ang pagdulas at pagkahulog.
Iwasan ang Stress at Fatigue
Masasabing ito ay isa sa pinakamahalagang postpartum beauty secrets. Hindi lang ang pansariling kalagayan ang naapektuhan kapag ikaw ay pagod at nakararanas ng stress. Bagkus, maaari ring makapasok sa gatas ang hormone na ito, na makakaapekto sa sanggol upang maging maselan, hindi komportable, at maging mabagal ang paglaki niya.
Kung ang pag-aalaga sa sanggol at pag-aasikaso sa bahay ay nakakapagod para sa iyo, subukang humingi ng suporta sa isang mahal sa buhay o kumuha ng kasambahay upang bigyan ka ng oras na magpahinga.
Iwasan ang Cold Showers o Swimming
Ang isa sa mga bagay na dapat iwasan pagkatapos manganak ay ang malalamig na shower o paglangoy upang limitahan ang posibilidad ng sipon, impeksyon, at pulikat. Subalit, hindi ito nangangahulugan na kailangan mong umiwas sa paliligo pagkatapos manganak. Kailangan mo pa ring maghugas ng maligamgam na tubig upang maiwasan ang impeksyon sa postpartum.
Iwasan ang Ibang mga Pagkain Habang nasa Postpartum Period
Kung ikaw ay nagbbreastfeed ng iyong anak, makatutulong na iwasan ang mga sumusunod na pagkain:
- Tskolate
- Cinnamon
- Bawang
- Sibuyas
- Paminta
- Broccoli
- Cauliflower
- Pipino
- Repolyo
- Pinya
- Kiwi
- Strawberry
- Citrus na mga prutas at juice
Ito ay sa kadahilanan na ang mga pagkaing ito nakaaapekto sa amoy ng gatas, na nagreresulta sa pagkaayaw ng sanggol na sumuso.
Isinalin sa Tagalog ni Fiel Tugade.
[embed-health-tool-ovulation]