Ang tubig ng niyog o coconut water ay mayamang pinagkukunan ng carbohydrates at mga electrolytes kabilang na rito ang sodium, potassium, at magnesium. Ito ay naging tanyag na inumin sa buong mundo sa loob ng maraming siglo dahil sa taglay nitong napakaraming benepisyo sa kalusugan. Isa rin itong magandang alternatibo para sa mga inumin tulad ng tsaa, kape, at malamig na inumin. Walang pag-aalinlangan, ang coconut wtaer ay puno ng lakas ng mga benepisyo sa nutrisyon, ngunit ligtas bang uminom ng coconut water habang nagbubuntis?
Ligtas Bang Uminom Ng Coconut Water Habang Nagbubuntis?
Nakatutulong ang coconut water sa pag-iwas sa posibleng pagkakaroon ng impeksyon sa ihi o urinary tract infection (UTI), dehydration, kidney stones, panganib ng pagkakaroon ng sakit sa puso, habang pinabubuti rin nito ang pagtunaw ng pagkain.
Ito ay ilan lamang sa maraming pankalasugang benepisyong taglay nito. Dagdag pa rito ay ang katotohanan na mayroon itong kapangyarihan upang mapababa ang calories at carbohydrates.
Normal sa mga buntis ang maramdaman ang pagkapagod. At upang makatulong maibsan ang pakiramdam na ito, inirerekumenda ang coconut water. Ang pag-inom ng coconut water habang nagbubuntis ay ligtas kung ito ay naaayon sa katamtamang dami.
Sa unang tatlong buwan ng pagbubuntis, ang coconut water ay kapaki-pakinabang dahil nakakatulong ito upang mapuksa ang dehydration at maiwasan ang constipation.
Mga Nutrisyonal Na Benepisyo Ng Coconut Water
Ang isang tasa ng tubig ng niyog ay naglalaman ng mga sumusunod na benepisyo sa nutrisyon:
- Calories – 46 mg
- Sodium – 252 mg
- Potassium – 600 mg
- Carbohydrates – 8.9 grams
- Dietary fiber – 2.6 grams
- Sugars – 6.26 grams
- Calcium – 6%
Mga Benepisyong Taglay Ng Coconut Water Habang Nagbubuntis
- Ang pag-inom ng coconut water habang nagbubuntis ay nakaiiwas sa impeksyon sa ihi (UTI), marahil ito ay sagana sa mga mineral na potassium at magnesium. Nakatutulong ito upang linisin ang urinary tract o daluyan ng ihi at maiwasan ang mga kidney stones.
- Karaniwan din ang mga hormonal changes sa panahon ng pagbubuntis. Ang mga pagbabagong ito ay bunga ng iba’t ibang isyu tulad ng constipation, heartburn, at indigestion. Napabubuti ng dietary fiber content sa inumin ang digestion at iniiwasan din nito ang constipation.
- Nakakatulong din ang coconut water sa pag-regulate ng blood pressure dahil mayaman ito sa potassium, magnesium, at lauric acid.
- Dahil ito ay isang natural na inumin na walang anumang idinagdag na mga preservative o flavoring, hindi ito nakakasama sa iyong sanggol.
- Iniiwasan din ng coconut water ang pagkakaroon ng dehydration. Dahil ang hydration ay nagpapabuti ng elasticity ng balat, ang pag-inom ng coconut water habang nagbubuntis ay maaari ring makatulong upang mapababa ang mga tsansa ng pagkakaroon ng mga stretch mark.
Mga Side Effects Ng Coconut Water Sa Mga Buntis
- Mayroong sodium content ang coconut water na maaaring makaapekto sa pagbubuntis. Kung kaya, ang mga babaeng may pre-eclampsia ay dapat umiwas sa pag-inom ng coconut water.
- Ang mga buntis na may altapresyon ay hindi pinapayuhan na uminom ng coconut water.
- Kung mayroon kang anumang sakit sa bato, palaging pinaalahanan na kumunsulta sa iyong doktor bago uminom ng tubig ng niyog.
Gaano Karaming Coconut Water Ang Sapat?
Ang isang basong coconut water ay sapat na para sa mga buntis. Laging ubusin ang tubig-tabang (freshwater). Iwasang uminom ng de-lata o de-boteng tubig ng niyog.
Mga Dapat Tandaan
- Bago uminom ng coconut water nang madalas, laging kumunsulta sa iyong doktor.
- Ang pagmo-moderate ng iyong pag-inom nito ang dapat mong isipin. Ang pagkonsumo ng mas maraming coconut water ay maaaring humantong sa kawalan ng balanse ng electrolyte sa iyong katawan.
- Siguraduhing laging kumonsumo ng sariwang niyog. Iwasan ang pag-inom ng tubig ng niyog na may dagdag na lasa at preservatives.
- Laging gumamit ng malinis na istraw upang ubusin ang coconut water. Maaari mo ring ibuhos ang inumin sa isang baso at pagkatapos ay inumin mula rito.
Paano Pumili Ng Tamang Niyog
Upang matamasa nang husto ang mga kalakip na benepisyo ng niyog, pumili ng sariwang niyog.
Sundin ang mga simpleng hakbang na ito upang makuha ng iyong mga kamay sa tamang niyog.
- Pumili ng niyog na katamtaman ang laki at berde ang kulay. Iwasan ang mga balat na may kayumangging kulay.
- Alugin nang malakas ang niyog at tingnan kung mayroon itong sapat na tubig. Habang umiinom ng tubig ng niyog, suriin kung ang tubig ay hindi maasim. Gayundin, iwasan ang mga niyog na naglalaman ng mga puting malambot na sangkap.
Isinalin mula sa Ingles ni Fiel Tugade.
Matuto pa tungkol sa Prenatal Care dito.
[embed-health-tool-due-date]