backup og meta

Pagtaas ng Timbang habang Nagbubuntis: Ano ang Ligtas at Malusog?

Pagtaas ng Timbang habang Nagbubuntis: Ano ang Ligtas at Malusog?

Hindi maitatanggi ang pagtaas ng timbang sa pagbubuntis. Habang may sanggol na dinadala sa sinapupunan, kailangan ang karagdagang pagpapakain upang mapanatiling malusog ang ina at anak. Mahalaga rin ang mga pagpili ng pagkain upang matiyak ang healthy na paglaki ng bata.

Ngunit kapag nagpaplano ng isang ligtas na pagbubuntis, ang isang pangunahing alalahanin para sa mga kababaihan ay kung paano maiiwasan ang hindi ligtas na pagtaas ng timbang habang nagbubuntis.

Pagtaas ng Timbang Habang Nagbubuntis

Depende sa kanilang unang timbang, ang mga babae ay lalaki mula sa 25 hanggang 35 pounds (11.5 – 16 kilo) sa panahon ng pagbubuntis. Ito ay karaniwang binubuo ng mga sumusunod:

  • Sanggol: 5.5 hanggang sa 8 pounds (2.5 to 3.5 kilo)
  • Plasenta: 2 hanggang sa 3 pounds (1-1.5 kilo)
  • Amniotic fluid: 2 hanggang 3 pounds (1-1.5 kilo)
  • Breast tissue: 2 hanggang 3 pounds (1-1.5 kilo)
  • Suplay ng dugo: 4 pounds (2 kilogram)
  • Fat stores: 5 hanggang sa 9 pounds (2.5 – 4 kilo)
  • Paglawak ng matres: 2 hanggang 5 pounds (1-2.5 kilo)

Sa karaniwang pamantayan, ang sanggol sa loob ng sinapupunan ay kumakatawan sa 25% ng kabuuang pagtaas ng timbang; 5% ay maaaring maiugnay sa plasenta, at 6% naman sa amniotic fluid.

Mga Pagbabago sa mga Alintuntunin Ukol sa Pagtaas ng Timbang habang Nagbubuntis

Ang medikal na payo sa pagtaas ng timbang habang nagbubuntis ay nagbago sa bawat dekada.

Noong 1950s, madalas na pinapayuhan ng mga doktor ang mga buntis na kababaihan na iwasan ang pagkakaroon ng higit sa 15 pounds. Gayunpaman, mula 1970s hanggang 1980s, naniniwala ang mga doktor na hindi ito sapat.

Ang hindi magandang pagtaas ng timbang habang nagbubuntis ay maaaring mag-resulta sa maliiit na sanggol at posibleng isyu tungkol sa paglaki ng bata. Ito ay nag-ugat upang payuhan ng mga doktor ang mga kababaihan na “kumain para sa dalawa.”

At dahil sa rekomendasyong ito, nagsimula ang labis na pagtaba ng mga buntis na kababaihan. Madalas ay sasabihan ng mga doktor ang mga pasyenteng buntis na magbawas na lamang ng karagdagang timbang matapos ipanganak ang bata.

Gayunpaman, ang mga pananaliksik noong unang bahagi ng 2000s ay nagsimulang magbunyag ng mga isyu na may kaugnayan sa hindi ligtas na pagtaas ng timbang habang nagbubuntis.

Kasama sa mga komplikasyong ito ang kadalasan ng pangyayari ng mga sumusunod na kondisyon:

Ang pagtaas ng timbang ay nakakaapekto rin sa kalusugan ng bata, dahil pinapataas nito ang mga panganib ng obesity, childhood diabetes, at mga isyu at sakit sa puso sa sanggol.

Pagkatapos nito ay sinuri ang mga alituntunin upang mas mapayuhan ng mga doktor ang mga kababaihan tungkol sa hindi ligtas na pagtaas ng timbang habang nagbubuntis. Sa ilang mga kaso, ang pagtaas o pagbaba ng timbang ay maaaring talakayin at planuhin bago ang pagbubuntis.

Kapag hindi na ito opsyon, sumasang-ayon ang mga medikal na propesyonal sa mga katanggap-tanggap na malusog na limitasyon tungkol sa pagtaas ng timbang ng ina.

Ano ang Optimal na Pagtaas ng Timbang habang Nagbubuntis?

Karamihan sa mga kababaihan ay makakapansin ng pagtaas ng timbang na 2 hanggang 4 na pounds (1 – 2 kilo) sa unang trimester.

Pagkatapos, ang pagtaas ng 1 pound (halos kalahating kilo) sa isang linggo hanggang sa kapanganakan ay isasaalang-alang sa loob ng makatwirang mga hangganan.

Ang pinakamainam na pagtaas ng timbang ay nakadepende sa sitwasyon ng isang babae.

  • Depende sa kanilang timbang bago magbuntis. Ang mga babaeng sobra sa timbang ay kailangang tumaas nang mas kaunti, na maaaring humigit-kumulang 15 hanggang 25 pounds (7 – 11 kilo).
  • Para sa mga babaeng nabibilang sa klasipikasyong obese, ang pagtaas ng timbang para sa buong panahon ng pagbubuntis ay pinapayuhan na hanggang 5-9 kg lamang.
  • Sa kabilang banda, ang mga babaeng kulang sa timbang ay maaaring makakuha ng lumaki pa ng 28 hanggang 40 pounds (o 13 – 18 kilo).
  • Kapag ang inaasahan ay kambal, kailangan ng mas malaking timbang, na maaaring mula sa 37 hanggang 54 pounds (16.5 – 24.5 kilo).

Inirerekomenda ng mga doktor na panatilihin ang tamang paggamit ng calorie upang makatulong na pamahalaan ang mga limitasyon sa timbang. Para sa karamihan ng mga buntis, ito ay:

  • 1,800 calories bawat araw sa unang trimester
  • 2,200 calories bawat araw sa ikalawang trimester
  • 2,400 calories bawat araw sa ikatlong trimester

Paano Panatilihin ang Tamang Pamamahala sa Timbang

Sa pangkalahatan, dapat mapanatili ng mga babae ang balanse at masustansyang pagkain, at regular na pag-ehersisyo, upang magkaroon ng malusog na pagbubuntis. Narito ang ilang mga tip upang matulungan ang mga kababaihan na maiwasan ang hindi ligtas na pagtaas ng timbang habang nagbubuntis:

  1. Gumawa ng malusog na mga pagpipilian sa pagkain. Gawing meryenda ang mga sariwang prutas at gulay. Pumili ng whole grain na tinapay, pasta, at iba pang kumplikadong carbohydrates. Hindi na kailangang laktawan ang mga dairy, ngunit pumili ng mga opsyon na mas mababa ang kalakip na fats.
  2. Iwasan ang mga pagkain at inumin na mataas sa asukal o may mga artificial sweeteners. Iwasan ang mga meryenda gaya ng chips, cookies, cake, at ice cream. Bawasan ang pagkonsumo ng fats sa pamamagitan ng pag-iwas sa pritong pagkain, masaganang sarsa, o mabibigat na salad dressing.
  3. Maghanap ng mas malusog na mga opsyon kapag kumakain sa labas. Maging ang mga fast food restaurant ay nag-aalok ng mga fruit juice, salad, grilled meat sandwich, o vegetarian selection.
  4. Maghanda ng mga lutong bahay na pagkain. Gumamit ng mga paraan ng pagluluto na may mababang fat, tulad ng pagbe-bake, pag-ihaw,  pagpapasingaw, at pagpapakulo.
  5. Manatili sa isang regimen ng ehersisyo upang mapanatili ang fitness at matadtad ang mga karagdagan na calorie. Maaari pa ring isagawa ang iyong fitness routine bago ang pagbubuntis, hangga’t iniiwasan mo ang mga high-impact na sports/workout. Maaari ring isaalang-alang ng mga babae ang iba pang ligtas na alternatibo sa fitness, tulad ng paglangoy, paglalakad, paghahardin, prenatal yoga, at jogging.

Mabuting tandaan na ang pagbabalik sa timbang bago pa man ang pagbubuntis ay mas madali kung ikaw ay manggagaling sa kaayon-ayon na pagtaas ng timbang habang nagbubuntis.

Sa kapanganakan ng bata, humigit-kumulang 11 pounds ang agad na nawala, na tumutukoy sa sanggol, amniotic fluid, at plasenta. Ang natitirang timbang ay maaaring tumagal ng ilang buwan bago mawala, at mas matagal pa kung malaki ang pagtaas ng timbang.

Ang breastfeeding o pagpapasuso ay maaaring makatulong sa pagbaba ng timbang. Ang gatas ng ina ay hindi lamang sa ikabubuti ng sanggol, bagkus nakababa rin ito ng humigit-kumulang 500 calories sa isang araw at maaari pang magdagdagan sa pamamagitan ng matagumpay na pagbabawas ng timbang ng isang ina.

Mahalagang Mensahe

Namnamin ang bawat pagkain sa panahon ng pagbubuntis, ngunit manatiling malusog at malusog!

Tandaan, mainam ang pagkakaroon ng karagdagang timbang, ngunit mahalaga rin na gawin ito sa katamtaman! Ang pagtaas ng timbang ay bahagi ng pagkakaroon ng isang sanggol, subalit dapat na malaman ng mga kababaihan ang mga komplikasyon na maaaring lumitaw dahil sa hindi ligtas na pagtaas ng timbang habang nagbubuntis.

Maaaring maging mahirap ang pagsunod at pagpapanatili sa mga alituntuning ito, lalo na kapag kinakaharap mo ang lahat ng pisikal at emosyonal na paghihirap na dulot ng pagbubuntis. 

Nararapat na tandaan na ang pananatili sa loob ng inirerekomendang hanay ng pagtaas ng timbang ay maaaring mabawasan ang saklaw ng mga problema sa kalusugan.

Ang pagkain ng mga tamang uri ng pagkain at pananatiling aktibo ay tiyak na ang pinakamahusay na paraan sa isang malusog na paglalakbay para sa parehong ina at sanggol.

Isinalin mula sa Ingles ni Fiel Tugade.

[embed-health-tool-due-date]

Disclaimer

Hello Health Group does not provide medical advice, diagnosis or treatment.

MedlinePlus. (n.d.). Managing your weight gain during pregnancy. Accessed from https://medlineplus.gov/ency/patientinstructions/000603.htm Accessed on 5 March 2020.

ScienceDaily. (2018). Pregnant women can safely control weight gain through diet and lifestyle changes. Accessed from https://www.sciencedaily.com/releases/2018/09/180906184239.htm

Accessed on 5 March 2020

Pregnancy Weight Gain: What’s Healthy? https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/pregnancy-week-by-week/in-depth/pregnancy-weight-gain/art-20044360  Accessed on 5 March 2020

Current Version

12/20/2021

Written by Fiel Tugade

Medically reviewed by Mary Rani Cadiz, MD

Updated by: Bianchi Mendoza, R.N.


People Are Also Reading This

Heart Rate During Pregnancy: What's The Ideal?

Mahalagang Kaalaman Sa Pagbubuntis Ng Mga Babaeng May Edad 35 Pataas


Medically reviewed by

Mary Rani Cadiz, MD

Obstetrics and Gynecology


Written by Fiel Tugade · Updated Dec 20, 2021

ad iconadvertisement

Was this article helpful?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement