“You are what you eat“. Kaya’t kung nais mong maging malusog, dapat kang kumain ng masustansyang pagkain. Ang konsepto ng tatlong pangkat ng pagkain na “Go, Grow, Glow foods” na itinuturo sa atin sa murang edad pa lamang, ay nagsisilbing gabay sa tamang pagkain.
Ngunit habang tumatanda, nagiging mas busy na tayo sa buhay, at minsan ay nakakalimutang kumain ng tama. Upang magkaroon ng sapat na nutrisyon at maging malusog, mahalaga ang pag-alala sa tatlong pangkat ng pagkain.
Anu-Ano Ang Tatlong Pangkat Ng Pagkain?
Ang Go, Grow, Glow foods, o “G foods” kung tawagin, ay nagsisilbing gabay upang madaling matandaan ang nutrisyon ng mga pagkain. Itinuturo ito sa mga bata upang sa pagtanda nila ay hindi nila makalimutan kung aling mga pagkain ang nagbibigay ng sustansya.
1. Go Foods
Ang mga Go foods ay isa sa tatlong pangkat ng pagkain na nakakatulong magbigay ng lakas sa ating katawan. Kabilang dito ang mga carbohydrates, sugar, at pagkain na may fat.
Nagsisilbi rin itong fuel sa pagkakaroon ng healthy brain function at nagbibigay lakas rin sa iba’t-ibang systems ng katawan.
Mahalaga ang Go foods para sa mga taong aktibo, o kaya ay sa mga may trabaho na kinakailangan ng manual labor. Nakatutulong rin ang mga Go foods sa mga nagbe-breastfeed, dahil nagbibigay ito ng lakas sa kanilang katawan.
Ang mga adults ay nangngailangan ng 255 hanggang 325 grams ng carbohydrates kada araw. Upang maabot ito, subukang idagdag ang mga pagkaing ito:
2. Grow Foods
Ang Grow foods naman ang pangalawa sa tatlong pangkat ng pagkain. Ito ay mga pagkain na mataas ang protein. Nakatutulong ito sa pagpapalaki ng muscles at ng ating katawan. Pero hindi rito natatapos ang trabaho ng mga proteins. Nakakatulong rin ang protein sa pag-repair ng mga cells, tissues, at sa paggawa ng hormones, enzymes, at antibodies.
Bukod dito, nakatutulong rin ang grow foods upang magkaroon ng mas matibay na buto at ngipin, malakas na muscles, at nagpaparami ng dugo. Pampatangkad rin at pampalakas ang grow foods, at nakatutulong sa pagiging alert.
Ang mga Grow foods ay pinakakinakailangan ng mga bata, buntis at nagbe-breastfeed, mga matatanda, at mga atleta.
Heto ang ilang protein-rich grow foods na mainam idagdag sa iyong diet:
3. Glow Foods
Ang mga Glow foods ay hitik sa minerals at vitamins na nakatutulong magpalakas ng immune system upang malabanan nito ang mga sakit. Nakatutulong rin ito sa mabilis na paggaling ng mga sugat, pag-repair ng mga damaged cells, pagkakaroon ng magandang balat, makintab na buhok, malinaw na mata, at malusog na kuko.
Ang pinakamadaling pagkuhanan ng mga minerals at vitamins na ito ay mula sa mga gulay at prutas. Para makuha ang benepisyo ng Glow foods, magandang sumubok ng iba’t-ibang uri ng prutas at gulay araw-araw, hangga’t maaari.
Heto ang ilang mineral-rich na Glow foods:
- Mga dahon tulad ng spinach, bok choy, and lettuce
- Shellfish tulad ng tahong, talaba, at tulya
- Abokado, saging, mansanas, orange, grapes, at kiwi
- Soymilk, soybeans, tokwa, at taho
- Gatas at keso
- Kasuy at mani
- Isda at karne ng baboy
- Whole grains
Heto naman ang ilang vitamin-rich na Glow foods:
- Makulay na prutas tulad ng mangga, papaya, pinya, saging, grapes, melon, kamatis, at abokado
- Malunggay, kangkong, at kale
- Manok, karne ng baboy at baka, at isda (salmon, tuna, sardinas, at mackerel)
- Patatas, kamote, carrots, kalabasa, bell peppers, asparagus, at green beans
- Dairy products tulad ng low-fat o nonfat milk at keso
- Whole-wheat na grains, brown rice, quinoa, at barley
- Broccoli, cauliflower, at cabbage
- Mga beans, mani, at seeds
Key Takeaways
Ang pagkakaroon ng healthy diet ay hindi nangangahulugan na hindi ka na kailangan kumain ng masasarap. Ang importante ay ang pagkakaroon ng sapat na nutrisyon sa bawat araw. Dito papasok ang tatlong pangkat ng pagkain na makatutulong sa iyong tandaan kung anu-ano ang mga pagkain na kasama sa iyong diet.
Learn more about Healthy Eating, here.
[embed-health-tool-bmi]