Isa sa mga pinaka pangkaraniwang sanhi ng mga urinary changes at discomfort ay ang urinary tract infection. Ito ay maaring mauwi sa mas malubhang kondisyon kung hindi magagamot. Pero may mga hakbang para maiwasan ang impeksyon at mabawasan ang pag-aalala. Hindi kailangang komplikadong bagay ang mga hakbang na ito. Ang pagkain na madaling makuha ay maaaring magkaroon ng malaking epekto sa urinary health mo, tulad ng mga saging. Mabuti ba ang saging para sa UTI? Paano sila positibong nakakaapekto sa pag-ihi mo? alamin dito kung mabisa nga ba ang saging para sa impeksyon sa ihi.
Ano ang Urinary Tract Infections?
Ang urinary tract infections (UTI) ay tumutukoy sa mga kondisyon kung saan ang urinary tract ay napuno na ng bacteria. Maaari itong magpakita mula sa pamamaga ng pantog o cystitis hanggang sa matinding impeksyon sa bato.
Kapag ang bacteria ay pumasok sa mga bahagi ng daanan ng ihi at nagsimulang dumami, magsisimula din ang impeksyon.
Kapansin-pansin din na mas madalas nangyayari sa mga babae ang UTI. Ito ay dahil ang urethra, o ang tubo kung saan dumadaloy ang ihi ng mga babae ay mas maikli kaysa sa mga lalaki.
Ang impeksyon sa ihi sa mga lalaki ay mas bihirang nangyayari. Dapat na masuri ito ng mga medikal na propesyonal sa lalong madaling panahon.
Maaring nagtataka ka kung mabuti nga ba ang saging para sa UTI? Paano nito tinutugunan ang bacterial build-up? Bago natin sagutin yan, mahalagang malaman ang mga palatandaan ng isang impeksyon.
Sintomas ng Urinary Tract Infections
Ang mga sintomas na nararanasan ay nag-iiba batay sa kung aling bahagi ng urinary tract ang nahawahan. Ngunit may mga pangkalahatang nangyayari anuman ang lokasyon, tulad ng:
- Pagod at hindi komportableng pakiramdam
- Ang ihi ay malabo o may malakas na amoy
- Mas madalas ang pag-ihi kaysa karaniwan
- Burning sensation o pananakit kapag umiihi
- Madugo ang ihi
- Ang temperatura ng katawan ay extremes (mababa man o mataas)
Samantala, ang mga mas nakatatanda ay maaari ring makaranas ng iba, hindi gaanong karaniwang mga sintomas tulad ng:
- Pagbabago sa pangkalahatang pag-uugali
- Lumalalang hindi makapigil ng ihi
- Tumaas na hostility o pagkalito
Mabuti ba ang Saging para sa UTI?
Ang mga saging at iba pang mga pagkaing mayaman sa fiber ay talagang mabuti para maiwasan ang mga impeksyon sa ihi. Nakakatulong ang mga ito sa maayos na pagdumi, na tumutulong iwasan ang pressure sa daanan ng ihi. Kaya’t maayos ang pagdaloy ng ihi, na tinitiyak na hindi mangyayari ang bacteria build-up.
Karamihan sa 120g na saging ay may 1.7 grams ng soluble fiber. Ito ay tumutulong sa pag-alis ng bacteria kapag ipinares sa sapat na dami ng water intake.
Ang saging ay isa ring mainam na pagkain kung mayroon kang sensitibong pantog. Ito ay dahil maaaring magdulot ng irritation ang ilang pagkain.
Ang mga benepisyong makukuha mo sa saging ay higit pa sa pag-iwas sa impeksyon sa daanan ng ihi. Dahil mayaman ang mga saging sa mga sustansya tulad ng:
- Potassium para sa kalusugan ng mga muscle at nerve
- Bitamina C, na nagpapalakas ng immune system bilang isang antioxidant
- Magnesium para sa bone strength at health
Mas Mabuting Lumabas kaysa Pumasok
Kaya’t upang masagot ang naunang tanong na, “Mabuti ba ang saging para sa UTI?” Sa pamamagitan ng pagtiyak na ang iyong bituka ay maayos at malusog, mas malamang na hindi ka magkaroon ng impeksyon.
Karaniwan, ang pagtiyak na ang iyong katawan ay naglalabas ng bacteria at iba pang mga dumi ay ang susi sa pag-iwas sa impeksyon sa ihi. At ang saging ay isang pangunahing pagkain na tumutulong sa katawan sa pag-alis ng dumi.
[embed-health-tool-due-date]