backup og meta

Pagkabatak ng Husto o Pagkapuno ng Pantog: Sanhi, Sintomas, Paggamot, at Pag-iwas

Pagkabatak ng Husto o Pagkapuno ng Pantog: Sanhi, Sintomas, Paggamot, at Pag-iwas

Ang pakiramdam ng puno o pressure na nararanasan kung puno ang pantog ay nawawala kung umihi na. Gayunpaman, ang ilan sa mga tao ay nakararanas ng paulit-ulit na pressure, at minsan ay kasama ng kirot at sakit. Hindi ito normal at maaaring senyales ng labis na pamamaga ng pantog.

pamamaga ng pantog

Ang pantog o bladder ay kahugis ng peras na muscular sac kung saan ang ihi ay nakokolekta at naiimbak. Ito ay makikita sa itaas at sa likod ng pubic bone. Ang laki at hugis ng pantog ay depende sa kung gaano karami ang nilalaman na ihi. Maaari din nitong maapektuhan ng presyon na binibigay ng paligid na organs sa pantog.

Kung ang ihi ay naimbak sa pantog, maaaring maging kontrolado kung papaano at kailan ang pag-ihi. Tuwing umiihi o urination, lumalabas ang ihi mula sa pantog at dumadaloy sa urethra. Hinahayaan nito na ang ihi ay dumaloy palabas sa katawan. Ang normal na kakayahan ng bladder na mag-imbak ay nasa 400-600 ml ng ihi.

Pagkabatak ng Husto o Pagkapuno ng Pantog

Sa normal, ang pantog ay nababatak kung ito ay puno ng ihi, tulad ng water balloon. Matapos na umihi, babalik ang pantog sa dati niyang laki. Gayunpaman, maaari itong labis na mapuno, na hahantong sa pagkabatak ng husto ng pantog.

Ang ng pagkabatak ng husto ng pantog ay nangyayari kung mayroong kawalan ng tone sa mga kalamnan sa pantog na nagreresulta sa kawalan ng kakayahan na matukoy ang mataas na pressure na mula sa ihi. Sa ibang mga kaso, mayroong nakaharang na hindi hinahayaan ang ihi na dumaloy sa urethra. Maaari itong maging sanhi ng sakit, pakiramdam ng pagiging puno, at pagnanais na umihi palagi.

Urinary retention

Tumutulong ang pantog sa pagkontrol ng ihi kaya’t hindi natin kailangan na umihi palagi. Kung napuno ang pantog ng ihi, ang presyon ay maiipon sa pantog at ito ay nababatak o lumalaki. Ang paglaki o distention ng pantog ay nagpapadala ng signal sa utak kung ito ay puno na. Ang trigger na ito ay nagbibigay ng pagnanais sa pantog na pumunta sa banyo.

Ngunit paano kung ang pantog ay hindi kayang ubusin ang laman nito?

Sa normal na kondisyon, ang ihi ay kinokonsiderang sterile o walang mga pathogens. Gayunpaman, kung ang ihi ay naiiwan sa pantog sa mahabang panahon o mayroong natirang ihi matapos umihi, maaari itong pagmulan ng bacteria. Ang pagpigil sa ihi o natitirang ihi ay maaaring humantong sa impeksyon sa pantog, ureters, at maging sa mga kidneys o bato. 

May mga kalagayan kung saan may problema sa pag-contract at paglabas ng ihi ng wasto. Kapag ganito ang nangyayari, ang pantog ay napupuno o nababatak ng husto. At dahil puno na ng ihi ang pantog, ang ihi ay maaaring bumalik sa bato at ang presyon ay maaaring makapinsala sa blood vessels ng bato. Sa madaling salita, ang pagkakapuno ng ihi at pagtataas ng presyon ang nakakapagpalala ng pagkabatak ng husto ng pantog. 

Ano ang sanhi ng pagkabatak ng husto o pagkapuno ng pantog?

Ang ihi ay naglalaman ng dumi o waste na nasala ng kidneys o bato mula sa ating dugo. Kung hindi nalalabas ng maayos ang ihi at maraming naiiwan sa pantog tuwing inilalabas ang ihi, maaari itong maging senyales ng urinary retention.

Ang urinary retention ay isang kondisyon kung saan ang pantog ay hindi ganap na nawawalan ng laman o hindi nauubos tuwing umiihi. Kabilang sa mga sanhi ng urinary retention ay:

  • Impeksyon o pamamaga na pumipigil sa ihi mula sa paglabas sa katawan
  • Pinsala sa nerve na nagsu-supply sa pantog
  • Paggamit ng mga tiyak na gamot, kabilang na ang anesthesia
  • Pagharang sa urethra (hal. paglaki ng prostate)

Mayroong dalawang uri ng urinary retention, na nagngangalang:

  • Acute urinary retention. Ibig sabihin nito na ang kondisyon ay biglaan at mabilis na lumala. Maaaring ito ay sanhi ng malalang kaso ng urinary retention at kinokonsiderang medical emergency.
  • Chronic urinary retention. Ibig sabihin nito na mayroon kang kondisyon sa loob ng maraming buwan. Ang ganitong uri ng urinary retention ay mas gradwal at maaaring walang kaakibat na sintomas. Kabilang ang benign prostatic hyperplasia (malaking prostate) at spinal cord injuries sa mga sakit na maaaring magdulot nito.

Mga banta at komplikasyon ng pagkabatak ng husto o pagkapuno ng pantog

Ang labis na pagkabatak ng pantog ang nagdudulot ng sakit sa tiyan o puson at pakiramdam ng pagiging busog. 

  • Matinding suprapubic na sakit. Ang sakit o pressure ay nangyayari sa iyong ibaba ng tiyan, bandang puson, kung saan ang organs tulad ng mga bituka, pantog at mga ari ay makikita.
  • Madalas na pagnanais na umihi
  • Pagkahilo at pagsusuka

Sa kaso ng labis na pamamaga ng pantog na nananatiling hindi nalulunasan, maaaring mangyari ang komplikasyon tulad ng:

  • Urinary tract infection (UTI). Kung ang ihi ay hindi nailabas lahat sa pantog, mananatili rin ang bacteria at maaaring dumami at ma-infect sa itaas na bahagi ng urinary tract. Ang mga malalang impeksyon ay maaaring kumalat sa mga bato at maranasan bilang sakit sa likod at lagnat.
  • Pinsala sa pantog. Kung ang pantog ay hindi normal na nauubos ang laman, magiging puno ito at stretched sa mahabang panahon. Maaari itong maging sanhi ng labis na pamamaga na hahantong sa pinsala at ang pantog ay maaaring hindi na bumalik sa normal na laki.
  • Pinsala sa bato. Kung ikaw ay may namamagang pantog, nagiging puno ito at magiging sanhi ng ihi na bumalik sa bato na nakakapinsala sa nerves. Ang iyong bato ay maaaring mapuno ng ihi at magiging maga. Maaari itong humantong sa malalang sakit sa bato at kidney failure.
  • Urinary incontinence. Ang urinary o overflow incontinence ay kung saan ang pantog ay puno na at hindi mawalan ng laman na humahantong sa pagtagas ng ihi.

Paano maiiwasan ang pagkabatak ng husto o pagkapuno ng pantog

Ang pagkabatak ng husto o pagkapuno ng pantog ay maaaring humantong sa malalang komplikasyon. Maaari mong gawin ang mga hakbang na ito upang bumaba ang tsansa ng pagkakaroon ng ganitong kondisyon:

  • Palitan ang iyong gawi sa banyo. Ang pagpigil ng ihi ay maaaring makapinsala sa kalamnan sa pantog na humahantong sa UTI at urinary retention.
  • Bigyang-pansin ang iyong katawan. Tandaan ang bawat pagbabago sa iyong pag-ihi, kung ikaw man ay may pagnanais na umihi palagi o nakararamdam pressure sa iyong puson.
  • Magsagawa ng Kegel exercises. Ang pelvic floor exercises ay makapagpapabuti ng pantog at bowel function sa parehong babae at lalaki.
  • Pagbutihin ang iyong diet at lifestyle. Uminom ng maraming tubig at fluids at magsagawa ng mga pisikal na gawain.
  • Uminom ng iniresetang gamot at humingi ng tulong mula sa doktor kung nagpatuloy ang sintomas.

Sa mga malalang kaso, ang paggamot ay naglalayon na tanggalin ang sanhi ng pagkapuno ng pantog. Ang maagang diagnosis ay mahalaga dahil walang paraan upang maiayos ang muscle ng pantog kung ito ay umabot na punto na masyado na itong batak at hindi na ito mababalik sa dating estado. Makatutulong ang akmang gamot sa pagtulong na maibalik nang normal ang function ng pantog. Sa mga kaso kung saan may paglaki ng pantog na sanhi ng pagharang o congestion, kinakailangan ng surgical procedure. Kung natanggal na ang harang, maaari nang mag-function muli nang normal ang pantog depende sa kung gaanong pinsala ang kaya nitong panatilihin.

Mahalagang Tandaan

Ang pagkabatak ng husto o pagkapuno ng pantog ay hindi komportableng kondisyon at maaaring potensyal na humantong sa pangmatagalang komplikasyon. Ang pangkalahatang kalusugan ng urinary system ay nakasalalay sa iyong diet, lifestyle at gawi sa pagbabanyo. May paraan ang katawan ng pagsasabi na kailangan mong pumili ng mga malulusog na pagpipilian. Minsan ang simpleng sakit sa tiyan ay maaaring senyales ng seryosong kondisyon sa kalusugan.

Laging konsultahin ang iyong doktor kung naghihinala ng problema sa iyong pantog o pangkalahatang urological function.

Matuto pa tungkol sa sakit sa pantog dito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Urinary Bladder | SEER Training

https://training.seer.cancer.gov/anatomy/urinary/components/bladder.html

April 14, 2021

How does the urinary system work? – InformedHealth.org – NCBI Bookshelf – NIH

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK279384/

April 14, 2021

Distended Bladder | MD Anderson Cancer Center Madrid

https://mdanderson.es/en/cancer/glossary/distended-bladder#:~:text=Term%20used%20to%20refer%20to,pain%20and%20urge%20to%20urinate.

April 15, 2021

Urinary Retention: Causes, Diagnosis & Treatment

https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/15427-urinary-retention

April 15, 2021

Definition & Facts of Urinary Retention | NIDDK

https://www.niddk.nih.gov/health-information/urologic-diseases/urinary-retention/definition-facts

April 15, 2021

 

Kasalukuyang Version

08/24/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Paano Makakaiwas Sa Pagkakaroon Ng Cystitis?

Bato Sa Pantog: Mga Sintomas, Sanhi, Gamutan, At Iba Pa


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement