Dahil sa pagkamatay ng Tiktor Star na si Joyce Culla, dumami ang mga taong nais magkaroon ng kamalayan — tungkol sa mga sintomas ng aneurysm sa utak. Ang dalaga ay namatay sa edad na 24 taong gulang.
Si Joyce Culla ay nakilala sa Tiktok Community gamit ang kanyang username na @Joyceculla. Mayroon siyang 1.5 million followers, at nagawa niyang pasayahin ang kanyang followers sa pamamagitan ng kanyang dancing videos. Bukod sa pagiging Tiktok star, siya rin ay isang professional nurse.
Maraming netizen ang nalungkot sa kanyang pagkamatay noong 2nd week ng April, dahil sa ruptured aneurysm. Ayon sa mga report, siya ay dinala sa Mount Carmel Hospital sa Lucena. Nagsagawa rin ang mga doktor ng surgery, ngunit hindi pa rin ito naging sapat para maisalba ang buhay ng dalaga.
Basahin ang artikulong ito para sa iba pang mga detalye tungkol sa brain aneurysm.
Ano ang brain aneurysm?
Ang brain aneurysm ay nagaganap kapag ang isang umbok ay nabuo sa isang daluyan ng dugo (blood vessel) sa utak at napuno ng dugo. Madalas ang aneurysm ay walang sintomas na ipinapakita maliban na lamang kung ito ay bumukas o tumagas ang dugo.
Dagdag pa rito, ang aneurysm ay nabubuo bilang resulta ng pagnipis ng artery walls. Maaaring lumitaw kahit saan sa utak ang aneurysm. Subalit ito ay pinakakaraniwan sa arteries at sa base ng utak.
Gaano kadalas ang brain aneurysm?
Ayon sa Cleveland Clinic, umaabot sa 6% ng tao sa U.S ang nagkakaroon ng aneurysm sa utak. Ngunit, ang mga ito ay hindi dumudugo o pumuputok. Sinasabi na ito ay nangyayari sa humigit-kumulang na 30,000 na Amerikano sa isang taon.
Sino ang madalas na nagkakaroon ng brain aneurysm?
Ayon sa mga pag-aaral, lumalabas na ang brain aneurysm ay madalas sa mga kababaihan. Karaniwan, ang mga nagkakaroon nito ay nasa 40-60 taong gulang, at may family history ng aneurysm.
Narito pa ang mga sumusunod ng mga taong madalas na magkaroon ng aneurysm:
- Mga taong may rare blood-vessels disorder tulad ng arterial dissection, fibromuscular dysplasia o cerebral arteris.
- May genetic disorder na nakakaapekto sa connective tissues.
- Mayroong polycystic kidney disease
- Ipinanganak na may brain aneurysm, bilang birth defect.
Ayon sa mga pag-aaral, ang mga taong may kamag-anak na may aneurysm ay madalas na nagkakaroon din nito.
Ano ang mga dahilan ng brain aneurysm?
Ayon sa mga researcher ang mga sumusunod na factors ang dahilan kung bakit nai-irritate at humihina ang blood vessels ng tao:
- Paninigarilyo
- Pagkakaroon ng blood infection
- Hypertension
- Traumatic brain injury
- Atherosclerosis (ito ang fatty build-up sa blood vessel walls).
Sinasabi na nadedebelop ang brain aneurysm sa mga taong nasa 30 ang edad. Minsan naman ito ay nadedebelop pagkatapos ng edad na 40.
Ano ang mga dahilan ng pagdugo at pagputok ng aneurysm?
Sa ngayon, hindi pa rin matukoy ang eksaktong dahilan ng pag-leak at pagputok ng aneurysm na siyang nagiging dahilan ng pagdurugo sa utak.
Subalit, ang patuloy at walang patid na pagtaas ng blood pressure ay pwedeng maging sanhi ng pag-push sa dugo — ng mas matindi sa blood vessels walls.
Narito ang mga pwedeng maging dahilan ng pagtaas ng blood pressure:
- Patuloy na stress
- Matinding galit at emosyon
- Pagbubuhat ng mabibigat
- Pagtulak ng mga mabibigat na bagay
Sintomas ng aneurysm sa utak: Ruptured aneurysm
Ang ruptured brain aneurysm ay karaniwang sanhi ng pagdurugo sa espasyo sa paligid ng utak. Ito ay tinatawag na subarachnoid hemorrhage (SAH). Sinasabi na ang key symptom ng ruptured aneurysm ay ang matinding pagsakit ng ulo. Kung saan, pwede itong humantong sa nakamamatay na stroke.
Narito ang mga sumusunod pang sintomas ng ruptured aneurysm:
- Pagsusuka
- Pagduduwal
- Blurred at double vision
- Pagiging sensitibo sa liwanag
- Seizure
- Pagkakaroon ng drooping eyelid
- Pagkawala ng malay
- Pagkalito
- Atake sa puso
- Kawalan ng balanse
- Kahirapan sa pagsasalita
- Panghihina o kawalan ng pakiramdam sa binti at braso
Sintomas ng aneurysm sa utak: Leaking aneurysm
Sa ibang mga kaso ang aneurysm ay pwedeng magkaroon ng slight leak ng dugo. Maaari itong magbunga ng severe headache.
Sintomas ng aneurysm sa utak: Unruptured aneurysm
Ang unruptured brain aneurysm ay pwedeng hindi magpakita ng kahit anong sintomas, lalo na kung maliit lamang ito. Gayunpaman, ang malaking unruptured aneurysm ay maaaring makadiin sa brain tissues at nerves.
Narito ang mga sumusunod na sintomas ng unruptured aneurysm:
- Pakiramdam na may sakit
- Pagkakaroon ng sakit
- Stiff neck
- Neck pain
- Blurred o pagkakaroon ng double vision
- Biglaang pagkawala ng malay
- Pagkawala ng malay
- Panghihina sa isa isang side ng katawan o sa kahit anong limbs
Paano made-detect ang brain aneurysm
Maraming medical ways ang magagamit para ma-detect ang aneurysm. Narito ang mga sumusunod:
- MRI (magnetic resonance imaging)
- CT (computed tomography)
- Diagnostic cerebral angiogram
- CTA (computed tomography angiography)
- MRA (magnetic resonance angiography)
Sintomas ng aneurysm sa utak: Paano ginagamot ang brain aneurysms?
Ginagamot ito sa pamamagitan ng surgery o endovascular therapy. Ito man ay ruptured o unruptured.
Paano maiiwasan ang brain aneurysm?
Tandaan na ang aneurysm ay pwedeng hindi pumutok o maiwasan. Narito ang mga sumusunod na maaaring gawin para mapababa ang risk ng aneurysm:
- Ihinto ang paninigarilyo
- Magkaroon ng healthy lifestyle
- Pagkakaroon ng balanced diet
- Pagkontrol sa blood pressure
Tsansa ng pagkabuhay ng mga taong may brain aneurysm
Ang mga taong may brain aneurysm ay pwede pa ring magpatuloy sa buhay. Subalit, may risk pa rin na ang aneurysm ay pumutok. Ito ay nakadepende sa mga sumusunod:
Kapag ito ay pumutok maaaring maging sanhi ito ng hemorrhagic stroke. Laging tandaan na ang ruptured brain aneurysm ay nangangailangan ng emergency medical treatment. Humigit-kumulang nasa 75% ng mga taong may ruptured brain aneurysm ang nabubuhay nang mas mahaba kaysa sa 24 na oras. Gayunpaman, ang isang-kapat (quarter) ng mga nakaligtas ay pwedeng magkaroon ng mga komplikasyon. Maaari silang magkaroon ng life-ending complication sa loob ng anim na buwan.
Narito ang mga sumusunod na komplikasyon na pwedeng maranasan kapag nagkaroon ng brain bleed:
- Vasospasm
- Hydrocephalus
- Coma
- Hyponatremia
- Seizures
- Permanent brain damage
- Stroke
Key Takeaways
Ang pagkakaroon ng matinding sakit ng ulo — may stroke symptoms man o wala ay pwedeng maging sign ng brain aneurysm. Kinakailangan din ng agarang medikal na atensyon ang ruptured brain aneurysm, dahil ito ay life-threatening. Kaya sa oras na mayroon kang kakilala o nakakaranas ng anumang sintomas kaugnay sa aneurysm. Magpakonsulta agad sa doktor.