Ang normal na blood pressure ay mula 120 hanggang 129 (systolic o mas mataas na antas ng blood pressure) at 80 (diastolic o mas mababang antas ng blood pressure). Anumang numero na higit sa 129 para sa systolic ay nagpapahiwatig ng mataas na presyon ng dugo. Ang pinakamainam na kinakailangang kurso ng paggamot ay ang napagpasyahan ng isang doktor batay sa naitalang blood pressure. Gayumpaman dapat talagang alam mo ang tungkol sa mga uri ng gamot sa blood pressure kasama ang mga posibleng epekto nito.
Gamot sa Blood Pressure: Mga Uri at Side Effects
Diuretics
Ang gamot na ito sa high blood pressure ay natatangi sa pag-alis ng sodium at sobrang tubig sa katawan.
Mga uri
Ang mga diuretics ay maaaring uriin sa tatlong pangunahing kategorya tulad ng:
- Thiazide diuretics
- Potassium-sparing diuretics
- Loop diuretics
Mayroon ding mga kombinasyon ng diuretics na pinaghalong higit sa isang diuretics.
Ang Thiazide diuretics ay karaniwang may mas mababang panganib ng mga side effect kaysa sa iba pang mga kategorya.
Side effects
Narito ang side effects ng diuretics:
- Erectile dysfunction sa ilang lalaki.
- Labis na pag-ihi: Nagdudulot ng sobrang pag-ihi ang pag-inom ng diuretics. Madalas na ipinapayo sa iyo na uminom ng gamot sa high blood pressure sa unang kalahati ng araw. Ito ay upang hindi ka masyadong umihi sa gabi. Gayundin, ang mga taong umiinom nito ay dapat may malapit na toilet dahil maaaring hindi nila makontrol ang pag-ihi.
- Matindi at biglaang pananakit sa paa na nagpapahiwatig ng mga sintomas ng gout, bagaman ito ay bihira.
- Fatigue at cramps ay isa pang karaniwang side effect. Nangyayari ito dahil maaaring mabawasan ng diuretics ang potassium content sa katawan. Gayumpaman may ilang diuretics na walang potassium content. Ibig sabihin, hindi nagkakaroon ng ganitong side effect.
Beta-blockers
Kinokontrol ng beta-blockers ang bilis at lakas ng mga tibok ng puso. Sa mga gamot na ito nagpu-pump ang puso ng mas kaunting dugo sa pamamagitan ng blood vessels upang mapababa ang blood pressure levels.
Mga uri
Ang mga karaniwang uri ng beta-blockers ay nasa ibaba:
- carvedilol
- atenolol
- propranolol
- metoprolol succinate
- metoprolol tartrate
Side effects
Side effects ng meta-blockers:
- Sintomas ng kakapusan ng paghinga tulad ng sa hika
- Depresyon
- Erectile problems sa ilang mga lalaki
- Hindi makatulog tulad ng insomnia
- Malamig na kamay at paa
Angiotensin Converting Enzyme (ACE) Inhibitors
Kinokontrol ng mga inhibitor ng ACE ang paggawa ng hormone na tinatawag na angiotensin II, na nagpapaliit sa mga daluyan ng dugo. Nagbibigay-daan ito ng sapat na espasyo para sa pagdaloy ng dugo nang walang mga hadlang, sa gayon, binabawasan ang blood pressure level.
Mga Uri
Ang ilan sa mga uri nito ay:
- enalapril maleate
- benazepril hydrochloride
- captopril
- lisinopril
- fosinopril sodium
Side effects
Narito ang mga side effect ng ACE inhibitors:
- Persistent dry cough. Para sa mga taong nakakaranas ng side effect na ito, maaaring baguhin ng doktor ang gamot na ito at magreseta ng alternatibo.
- Pagkawala ng lasa
- Mga pantal sa balat
Angiotensin II Receptor Blockers (ARBs)
Pinoprotektahan ng gamot sa blood pressure na ito ang mga daluyan ng dugo mula sa hormone na angiotensin II, na humaharang sa unrestricted blood flow. Pinipigilan nito ang blood vessels na maging makitid, at nanunumbalik ang blood pressure levels sa inirerekomendang hanay.
Mga uri
Ang ilan sa mga uri nito ay:
- telmisartan
- irbesartan
- valsartan
- candesartan
- eprosartan mesylate
- losartan potassium
Side effects
Ang karaniwang side effect ng ARBs ay pagkahilo.
Calcium Channel Blockers (CCBs)
Mahalaga ang muscle contractions para sa paggalaw ng calcium papunta at mula sa muscle cells. Ang gamot sa blood pressure na ito ang humaharang sa calcium na makarating sa muscle cells ng puso at blood vessels. Nababawasan nito ang mabilis na tibok ng puso at nagpapanatili ng tamang blood pressure levels.
Mga uri
Narito ang ilan sa mga uri nito:
- diltiazem
- felodipine
- amlodipine besylate
- isradipine
- verapamil hydrochloride
- diltiazem
Side effects
Ang ilan sa mga side effects ng CCBs ay:
- Sakit ng ulo
- Lightheadedness at pagkahilo
- Constipation
- Namamaga ang bukong-bukong
- Palpitations ng puso o hindi regular/napakabilis na tibok ng puso
Mga Alpha-blocker o Alpha-1 Blockers
Kilala rin bilang alpha-1 blockers, kinokontrol ng gamot sa high blood pressure na ito ang pagsisikip ng mga daluyan ng dugo, na nagpapagaan sa daloy ng dugo.
Mga uri
Ang ilan sa mga uri nito ay:
- terazosin hydrochloride
- prazosin hydrochloride
- doxazosin mesylate
Side effects
Ang side effects ng alpha-blockers ay:
- Lightheadedness at pagkahilo
- Mabilis na tibok ng puso
- Pakiramdam na nanghihina sa pagbangon na may pag-igtad
- Panghihina kapag nagigising sa umaga bilang resulta ng mababang presyon ng dugo
Alpha-Beta-Blockers
Ang gamot sa blood pressure na ito ay nagpapababa ng bilis ng tibok ng puso at kinokontrol din ang mga impulses ng nerves sa pamamagitan ng pagbabawas ng paninikip ng mga daluyan ng dugo. Karaniwang ibinibigay ito sa pamamagitan ng intravenous (IV) injection sa mga taong na-diagnose na may malubhang high blood pressure. At gayundin sa mga dumanas ng congestive heart failure.
Ang alpha-beta-blockers ay mga sub-category ng beta-blockers at pumipigil sa pagbubuklod ng mga catecholamine hormones sa alpha pati na rin sa beta receptors.
Mga uri
Narito ang ilan sa mga uri nito:
- labetalol hydrochloride
- carvedilol
Side effects
Ang side effects ng alpha-beta-blockers ay:
- Lightheadedness at pagkahilo
- Pakiramdam na nanghihina sa pagbangon
- Panghihina kapag nagigising sa umaga bilang resulta ng mababang presyon ng dugo
Central Agonists o Alpha-2 Receptor Agonists
Pinapanatiling kontrolado ng mga gamot na ito ang nerve impulses sa pamamagitan ng pagharang sa produksyon ng norepinephrine, sa gayon, nagkakaroon ng soothing effect sa mga daluyan ng dugo.
Ito naman ay nagpapababa ng antas ng presyon ng dugo. Ang mga gamot na ito ay gumagana sa utak at sa central nervous system.
Mga uri
Ang ilan sa mga uri nito ay ang mga sumusunod:
- clonidine hydrochloride
- methyldopa
- guanabenz acetate
- guanfacine hydrochloride
Side effects
Ang side effects nito ay:
- Lagnat
- Constipation
- Anemia
- Antok
- Lightheadedness at pagkahilo
- Tuyong bibig
- Pakiramdam na nanghihina sa pagbangon na may kasamang pag-igtad
- Panghihina sa paggising sa umaga bilang resulta ng mababang presyon ng dugo
- Mga problema sa erection sa ilang mga lalaki
Peripheral Adrenergic Inhibitor
Ang gamot na ito ay humaharang sa neurotransmitters sa utak, kaya ang mensahe na higpitan ang blood vessels ay hindi umaabot sa utak. Hindi madalas na ginagamit kumpara sa iba pang mga gamot sa high blood pressure, ang mga ito ay maaaring magdulot ng:
- Lightheadedness at pagkahilo
- Antok
- Pagtatae
- Pakiramdam na nanghihina sa pagbangon na may pag-igtad
- Panghihina sa paggising sa umaga bilang resulta ng mababang presyon ng dugo
- Heartburn
- Baradong ilong
- Mga problema sa erection sa ilang mga lalaki
- Kulang sa tulog o insomnia
- Bangungot
Vasodilators
Ang vasodilators ay inirereseta para pampa-relax ng muscles sa walls ng blood vessels, kaya nagkakaroon ng unrestricted blood flow. Ito ay mahalaga para sa arterioles na makitid na mga daluyan ng dugo. Bilang resulta, bumababa sa normal range ang high blood pressure.
Mga uri
Nasa ibaba ang ilan sa mga uri nito:
- minoxidil
- hydralazine hydrochloride
Side effects
Ang side effects nito ay:
- Sakit ng ulo
- Pamamaga sa paligid ng mga mata
- Sobrang pagtubo ng buhok
- Fluid retention
- Palpitations ng puso o hindi regular/mabilis na tibok ng puso
- Sakit ng mga kasukasuan
Direct Renin Inhibitor (DRI)
Kinokontrol ng bagong klase ng gamot sa blood pressure na ito ang enzyme na tinatawag na renin, na nagpapa-relax sa makitid na blood vessels. Pinapadali nito ang daloy ng dugo sa mga daluyan na ito, na nagpapababa ng high blood pressure levels.
Uri
Ang karaniwang nakikitang uri ng DRI ay aliskiren.
Side effects
Ang side effects nito ay:
- Mga pantal
- Ubo
- Pagtatae
- Pananakit sa tiyan
- Heartburn
Bagaman ang impormasyong ito tungkol sa gamot sa blood pressure ay maaaring magbigay sa iyo ng awareness sa kanilang mga uri at epekto, mahalagang sundin ang payong medikal mula sa iyong doktor. Huwag gamitin ang mga ito nang walang wastong reseta mula sa iyong doktor.
Matuto pa tungkol sa pamamahala ng hypertension dito.
[embed-health-tool-bmr]