backup og meta

Anu-ano ang mga pagkaing pampatibay ng buto?

Anu-ano ang mga pagkaing pampatibay ng buto?

Isa ang mga buto sa mahalagang bahagi ng ating katawan. Napananatili nito ang ating postura, pinoprotektahan ang ibang bahagi ng katawan at iba pa. Ngunit sa paglipas ng panahon, ang ating buto ay napapalitan. Kaya ganito na lamang kahalaga ang pag-alam ng mga pagkaing pampatibay ng buto.

Mga Dapat Gawin Pampatibay ng Buto

Mag-ehersisyo

Maaari kang gumawa ng mga pisikal na gawain sa araw-araw. Nakatutulong ang mga ganitong gawain tulad ng paglalakad, pag-jogging, pag-akyat sa mga hagdan upang makabuo ng malakas na buto. Napababagal din nito ang pagkasira ng mga buto.

Umiwas sa Bisyo

Ang mga pang-araw-araw na ginagawa natin ay nakaaapekto sa ating mga buto kaya mahalagang umiwas sa mga gawaing hindi makabubuti. Iwasan ang paninigarilyo at magkaroon naman ng limitasyon sa iyong iniinom na alak.

Kumain ng mga Pagkaing Mayaman sa Calcium at Vitamin D

Kilala ang calcium sa mga mineral na kailangan ng ating buto upang tumibay. Habang ang vitamin D naman ay tumutulong na ma-absorb ang calcium. Ito ay maaaring makuha sa iba’t ibang pagkain.

Keso

Naglalaman ang keso ng natural na calcium, protina at vitamin D na nakatutulong pampatibay ng buto.

Mayroon ding mahahalagang sustansya ang keso na naibibigay sa ating katawan tulad ng phosphorus, zinc, vitamin A, vitamin B12. Kapwa mahalaga ang mga ito para sa ating buto, pagpapagaling ng sugat, para sa mata at balat, at paggawa ng mga red blood cells.

Yogurt

Palagiang kumain ng yogurt araw-araw sapagkat ito ay nagsasaayos ng calcium. May iba’t ibang benepisyo rin na naibibigay ang yogurt tulad ng protina at vitamin B.

Gatas

Ang gatas ay pinakakilalang pampatibay ng buto hindi lamang ng bata pati maging ang mga matatanda. Ito ay mayaman sa iba’t ibang mahalagang sustansya na kailangan ng ating katawan. Katulad na lamang ng calcium, riboflavin, phosphorus, vitamin A, vitamin B12, potassium, magnesium, zinc, at iodine.

Ilang mga pag-aaral din ang nagtala na nakatutulong ang gatas na mabawasan ang tyansa na magkaroon ng iba’t ibang sakit. Kabilang sa mga ito ang stroke, osteoporosis, at bowel cancer.

Maberdeng Gulay

Mayaman sa calcium at iba pang sustansya ang mga berdeng gulay tulad ng kale, spinach, repolyo at iba pa. Dagdag pa rito, mayaman din ang mga gulay na ito sa vitamin K na binabawasan ang tyansa ng pagkakaroon ng osteoporosis.

Salmon

Ang mga matatabang uri ng isda tulad ng salmon, tuna, mackerel at iba pa ay nakatutulong sa pagpapatibay ng buto. Mayaman ang mga ito sa vitamin D na tumutulong upang ang ating katawan ay gumamit ng calcium at omega-3 fatty acid. 

Bukod rito, marami ring benepisyong naibibigay ang salmon sa kalusugan ng ating katawan. Kabilang sa benepisyo nito ang pagpapabuti ng kalusugan ng cardiovascular, nag-aayos ng mga nasirang tisyu, at benepisyo sa balat.

Orange Juice

Mahalagang basahin muna ang pakete ng mismong orange juice na bibilhin. Ilan dito ay naglalaman ng calcium at vitamin D para sa buto. 

Almond Butter

Mayaman ang almond butter hindi lamang sa calcium maging sa protina. 

Itlog

Isa ang itlog sa mga paboritong pagkain hindi lamang ng mga bata kundi maging ang mga matatanda. Hindi lamang ito simpleng pagkain sapagkat ito ay nagbibigay rin ng mga sustansyang kailangan ng ating katawan.

Ang yolk ng itlog ay naglalaman ng vitamin D. Ito ay kailangan ng buto upang ma-absorb ang calcium mula sa iba pang pagkain.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o panggamot.

Mahalagang Tandaan

  • Ang mga buto ay mahalagang bahagi ng ating katawan na kinakailangang pangalagaan ng bawat isa.
  • Mag-ehersisyo, umiwas sa bisyo tulad ng alak, at kumain ng mga pagkaing mayaman sa calcium at vitamin D upang maging matibay ang buto.
  • Ilan sa mga pagkaing pampatibay ng buto ay gatas, salmon, itlog, yogurt, maberdeng gulay, keso at iba pa.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

3 Ways to Build Strong Bones

https://kidshealth.org/en/parents/strong-bones.html

Accessed August 10, 2022

8 Foods to Eat for Healthy Bones

https://www.healthywomen.org/condition/8-foods-to-eat-for-healthy-bones

Accessed August 10, 2022

Bone Health: Tips to Keep your Bones Healthy

https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/adult-health/in-depth/bone-health/art-20045060

Accessed August 10, 2022

Want Strong Bones and Joints? Get Your Nutrients from Food, Not Supplements

https://health.clevelandclinic.org/want-strong-bones-and-joints-get-your-nutrients-from-food-not-supplements/

Accessed August 10, 2022

Super Foods for Your Bones

https://www.webmd.com/osteoporosis/ss/slideshow-superfoods-for-your-bones

Accessed August 10, 2022

Kasalukuyang Version

07/11/2024

Isinulat ni Marenila Bungabong

Narebyung medikal ni Hello Doctor Medical Panel

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Epekto ng Iodine Deficiency, Alamin!

Ano Ang Dapat Gawin Kapag Nilalagnat Ang Buntis?


Narebyung medikal ni

Hello Doctor Medical Panel

General Practitioner


Isinulat ni Marenila Bungabong · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement