Ang mga sexually transmitted disease (STD) ay hindi lamang nakukuha sa pamamagitan ng vaginal, anal, at oral sex. Kahit anong skin-to-skin contact sa ari ay maaaring magpakalat ng mga impeksyong ito.
Ang oral sex ay kinabibilangan ng paggamit ng bibig, labi, at dila ng isang tao upang ma-stimulate ang ari ng kapareha. Ang stimulation ng penis ay tinatawag na fellatio, ang stimulation ng vagina ay cunnilingus, habang ang pagpapasigla ng anus ay anilingus.
Upang maiwasan ang transmission at mabawasan ang panganib ng impeksyon, ang mga sexual partners ay gumagamit ng isang genital o dental condom (minsan ay tinatawag na dental dam).
Mayroong iba’t ibang uri ng oral sexually transmitted disease (STDs) na pwedeng kumalat sa pamamagitan ng oral sex, kasama dito ang chlamydia, gonorrhea, syphilis, herpes simplex virus (HSV-2), human papilloma virus (HPV) at human immunodeficiency virus (HIV)
Mga Uri ng Oral STD na Dapat Pag Ingatan
Chlamydia
Ang Chlamydia, isang uri ng oral STD, ay dala ng bacteria na Chlamydia trachomatis. Noong 2015, ang Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ay nakatanggap ng higit sa 1.5 milyong ulat ng chlamydia. Maaaring kumalat ang Chlamydia sa pamamagitan ng oral sex, na nakakaapekto parehong sa lalaki at babae. Ngunit ito ay mas malamang na maipasa sa pamamagitan ng anal o vaginal sex. Tinatarget ng Chlamydia ang lalamunan, genitals, daanan ng ihi at tumbong.
Ang mga taong nahawaan ng chlamydia ng lalamunan ay asymptomatic.Kapag lumitaw ang mga sintomas, maaari silang magkaroon ng sore throat. Sa tamang antibiotics, maaari itong gumaling.
Gonorrhea
Ang Gonorrhea ay tinatawag ding “the clap“, mula sa French na “clapier bubo”, ibig sabihin ay pamamaga ng genital area na nagmula sa brothel. Ito ay sanhi ng bacterium na Neisseria gonorrhoeae. Tinatayang 820,000 bagong impeksyon ang iniuulat bawat taon ng CDC, na may 570,000 kaso na nagpapahirap sa mga indibidwal na may edad 15 hanggang 24.
Nakikita ang gonorrhea sa lalamunan, ari, urinary tract, at tumbong. Maaari rin itong maipasa sa pamamagitan ng genital sex.
Ang gonorrhea ay hindi madalas na nagpapakita ng anumang mga sintomas, pero ang mga sintomas ay maaaring lumitaw isang linggo pagkatapos ng exposure.Ang pinaka karaniwang oral manifestation ng sakit na ito ay sore throat.
Tulad ng chlamydia, ang gonorrhea ay maaaring gamutin sa pamamagitan ng antibiotics.
Gayunpaman, may naiulat na pagtaas ng gonorrhea na drug-resistant. Inirerekomenda ang muling pagsusuri kung ang mga sintomas sa isang apektadong tao ay nagpapatuloy kahit tapos na ang buong kurso ng paggamot.
Syphilis
Ang isa pang uri ng oral STD ay syphilis. Ito ay sanhi ng bacterium Treponema pallidum. Apektado ang bibig, labi, lalamunan, ari, anus at tumbong.
Hindi tulad ng ibang mga impeksyon sa bibig, ang syphilis ay malubha, at hindi kasingkaraniwan ng ibang mga STD. Iniulat ng CDC ang mahigit 74,000 bagong diagnosis ng syphilis noong 2015.
Ang mga sintomas ng oral syphilis ay nangyayari sa three stages:
- First stage: Mga sugat sa loob o paligid ng bibig at lalamunan
- Second stage: Lagnat, namamaga na mga lymph node, pantal sa balat
- Third stage: Pinsala sa utak, nerves, mata, puso, daluyan ng dugo, atay, buto at kasukasuan
Ang nakatagong stage ng impeksyon ay hindi nagpapakita ng mga palatandaan o sintomas at maaaring tumagal ng ilang taon.
Kapag hindi ginamot, mananatili ang T. pallidum sa katawan at maaaring magdulot ng malubhang isyu sa kalusugan: pinsala sa organ at significant neurological outcomes. Ang isang nahawaang buntis ay maaaring ikalat ang bakterya sa kanyang fetus, na maaaring magresulta sa malubhang komplikasyon para sa sanggol, o kahit isang stillbirth.
Maaaring gamutin ang syphilis sa pamamagitan ng mga antibiotic, habang sa ibang mga kaso, ang mga sintomas ay maaaring mawala nang may paggamot o wala.
Herpes simplex virus 2 (HSV-2)
Ang herpes simplex virus 2 ay bahagi ng isang pamilya ng mga virus na lubhang nakakahawa na nagpapahirap sa mga tao. Ang HSV-2 ay naipapasa sa oras ng pakikipagtalik at maaaring magresulta sa genital o anal herpes. Sinasabi ng World Health Organization (WHO) na tinatayang 417 milyong tao na mas bata sa 50 sa buong mundo ang nahawahan.
Ang HSV-2 ay maaari ding maipasa sa pamamagitan ng oral sex. Bagama’t bihira ang insidente, maaari rin itong maging sanhi ng herpes esophagitis, na nagta-target ng mga taong immunocompromised.
Ang mga sintomas nito ay kinabibilangan ng:
- Open sores sa bibig
- Hirap lumunok
- Sakit sa kasukasuan
- Chills
- Fever
- Malaise (a general feeling of being unwell)
Sa kasamaang palad, ang HSV-2 ay isang panghabambuhay na impeksyon at maaaring kumalat kahit na ang isa ay walang sintomas. Ang paggamot ay maaari lamang makabawas o maiwasan ang herpes outbreaks.
Human papillomavirus (HPV)
Ang CDC ay nagtaya na may humigit-kumulang 79 milyon ang kasalukuyang may HPV, na may hindi bababa sa 14 milyon na nanganganib na mahawa bawat taon. Ang impeksyon sa HPV ay hindi nagdudulot ng anumang sintomas, sa ilang mga kaso.
Sa mga nagpapakita ng mga sintomas, target nito ang bibig, lalamunan, ari, cervix, anus, at tumbong.
Ang iba pang mga impeksyon sa HPV ay maaari ring humantong sa laryngeal o respiratory papillomatosis, na nakakaapekto sa bibig at lalamunan.
Kasama sa mga sintomas ang:
- Kulugo sa lalamunan
- Mga pagbabago sa boses
- Hirap magsalita
- Kapos sa paghinga
Mayroong iba pang uri ng HPV na nakakahawa sa bibig at lalamunan ay maaaring maging sanhi ng kanser sa ulo o leeg.
Ang HPV ay walang lunas ngunit maaari itong mawala sa loob ng dalawang taon na pagkaka impeksyon. Ang mga kulugo sa bibig at lalamunan ay madaling maalis sa pamamagitan ng operasyon. Gayunpaman maaari silang muling lumitaw kahit nagamot na.
Human immunodeficiency virus (HIV)
Ayon sa CDC, ang ganitong uri ng virus ay nakaapekto sa humigit-kumulang 1.1 milyon sa US. Bagama’t bumababa na ang rate. Ngunit sa Pilipinas, ang rate of increase ng mga impeksyon sa HIV ay patuloy na tumataas. Ang HIV ay kadalasang naililipat sa pamamagitan ng genital at anal sex. Ang posibilidad na makuha ito sa pamamagitan ng oral sex ay napakababa.
Sa una, ang mga taong may HIV ay maaaring magpakita ng mga sintomas tulad ng trangkaso. Gayunpaman, ito ay isang panghabambuhay na sakit at marami sa mga nahawahan ay walang nakikitang sintomas sa loob ng maraming taon.
Bagama’t walang alam na lunas para dito, ang mga taong may HIV ay maaaring mabuhay nang mas matagal at mas malusog sa tulong ng mga antiviral medication at paggamot.
Paano magpa-test?
Ang mga pamamaraan ng testing para sa oral STD ay iba-iba para sa bawat uri. Kung mayroon kang mga sintomas na pinaghihinalaan mong isang uri ng oral STD, ikaw at ang iyong partner ay maaaring masuri sa pamamagitan ng swabbing sa bahagi ng ari o ihi para sa chlamydia at gonorrhea.
Ang HIV at HSV-2 (symptomatic o asymptomatic) ay maaaring masuri sa pamamagitan ng swabbing sa apektadong lugar at blood test, bilang follow-up.
Maaaring masuri ang syphilis sa isang sample mula sa isang sugat o blood test.
Ang pagpapakita ng HPV bilang warty growth ay maaaring masuri sa klinika sa pamamagitan ng visualization. Maaari ring magmungkahi ng isang Pap test ang doktor.
Ang CDC ay may ilang mga rekomendasyon sa kung sino ang dapat masuri para sa kung anong uri ng oral STD. Halimbawa, ang lahat mula sa edad na 13 hanggang 64 ay dapat na masuri para sa HIV kahit isang beses; lahat ng mga buntis ay dapat na masuri para sa syphilis; at lahat ng sexually active na babae na wala pang 25 taong gulang ay dapat masuri para sa gonorrhea at chlamydia.
Makipag-usap sa iyong doktor upang malaman kung anong mga test ang dapat kang sumailalim.
Key Takeaways
Bagama’t ang mga STD ay karaniwang kumakalat sa pamamagitan ng pakikipagsex, napakaposibleng mahawa sa pamamagitan ng oral sex. Sa kabila nito, madali itong maiiwasan sa pamamagitan ng pagsusuot ng condom o dental dam.
Ang general rule, ang isa ay dapat na regular na magpasuri at mag practice ng safe sex sa lahat ng pagkakataon.