Ano ang genital herpes at paano ito magagamot? Ang Genital herpes ay sexually transmitted infection (STI) na umuusbong mula sa herpes simplex virus type 1 (HSV-1) o type 2 (HSV-2). Mayroon itong epekto sa balat at sa nervous system.
Narebyung medikal ni Mary Rani Cadiz, MD · Obstetrics and Gynecology
Ano ang genital herpes at paano ito magagamot? Ang Genital herpes ay sexually transmitted infection (STI) na umuusbong mula sa herpes simplex virus type 1 (HSV-1) o type 2 (HSV-2). Mayroon itong epekto sa balat at sa nervous system.
Naipapasa ito sa pakikipagtalik. Ibig sabihin hindi ito napapasa ng contact sa toilet seats, mga upuan at parehong mga bagay na ginamit ng infected na tao. Ang virus ay may maikling survival sa labas ng katawan, ngunit mas makatatagal ito sa mga lugar o bahagi na mainit at basa. Mabilis itong nawawala kung ito ay nasa hangin na.
Kung ang isang tao ay infected, ang virus ay nananatiling tahimik sa katawan. Ang mga epekto nito ay makikita muli maraming beses sa isang taon.
Sa Pilipinas, mayroong 977 na pasyenteng nagamot mula sa herpes sa Philippine Dermatological Society Institutions mula 2011 hanggang 2018.
Maraming mga pasyenteng may genital herpes na hindi alam na mayroon silang ganoong sakit dahil wala silang nararanasang sintomas nito. Karagdagan, ang mga pasyente ay kadalasang dumadaloy ang HSV virus sa genital tract, tulad ng vaginal discharge sa babae.
Minsan, lumalabas ang mga mild na sintomas, 2 hanggang 12 mga araw matapos makakuha ng virus. Kabilang dito ang mga sumusunod:
Sa unang outbreak, ang mga sintomas ng genital herpes ay maaaring kabilang ang sintomas na parang trangkaso, tulad ng namamagang lymph nodes sa singit. Ang iyong ulo at mga muscle ay sasakit, at maaari kang lagnatin.
Ang herpes sores ay makikita sa:
Ang genital herpes sa mga babae ay mararamdaman ang:
Ang genital herpes sa mga lalaki ay mararamdaman ang:
Ang sakit ay namumuo sa bahagi ng katawan kung saan nagsimula ang impeksyon. Ang infection ay kumakalat sa pamamagitan ng paghawak sa masakit na bahagi, pagkuskos o pagkamot sa iba pang bahagi ng katawan, kasama na ang iyong mga mata.
Sa isang sexually transmitted infections, kailangan mong:
Iwasan ang sexual contact o limitahan ito sa isang taong hindi infected
Gumamit o pasuotin ang iyong partner ng latex condom habang nakikipagtalik. Ang virus ay maaaring kumalat mula sa parte ng balat kung saan ang herpes sore ay hindi madaling makita. Ang condom ay hindi garantisado laban sa herpes.
Kung ikaw ay mayroong herpes habang nagbubuntis, sabihin ito sa iyong doktor. Hilingin ang screening tests.
Ang iyong doktor ay maaaring ireseta ang antiviral na gamot para sa genital herpes sa iyong huling parte ng pagbubuntis. Ang layunin nito ay tignan ang outbreak kung ikaw ay manganganak na. Kung ang outbreak ay mangyari habang ikaw ay nagla-labor, ang iyong doktor ay irerekomenda ang cesarean section upang maprotektahan ang iyong sanggol laban sa virus.
Ang mga tao ay nakakukukuha nito kung:
Ang genital herpes ay kakalat kahit na walang mga sugat dahil ang virus ay nananatili sa katawan.
Ang mga Healthcare Practitioners ay nagsasagawa ng mga test sa:
Ang infected na mga tao ay kinakailangan na talakayin ang kamakailan lang, kasalukuyan at mga susunod na sekswal na partners. Ang iba ay hindi nakakikitaan ng mga sintomas ng genital herpes kahit na ito ay tumagal ng mga buwan o mga taon matapos ang impeksyon.
Ang mga banta na ikaw ay magkakaroon ng genital herpes ay tataas kung:
Ang mga siyentista ay wala pang nahahanap na lunas sa genital herpes. Ngunit ang mga healthcare professionals ay maaaring magresulta ng mga gamot upang:
Ang pagbabalik matapos ang ilang panahon ay karaniwan lang. Ngunit ang genital herpes na sintomas ay iba sa iba’t ibang tao. Ang mga senyales at sintomas ay maaaring bumalik makalipas ang ilang mga taon. Ang iba ay maaaring magkaroon ng outbreaks sa loob ng taon. Ang iba ay maaaring mabawasan ang atake ng outbreaks paglipas ng panahon.
Ang mga sintomas ng pagbabalik ay kabilang na ang:
Kadalasan, ang pagbabalik ay hindi na mas masakit kaysa sa unang outbreak, ang mga sugat ay kadalasang gagaling nang mas mabilis.
Ang Genital herpes ay hindi magagamot ngunit maiiwasan. Ang pagtingin sa mga sintomas ng genital herpes ay makatutulong sa mga tao upang malaman ang sakit, at malunasan sa lalong madaling panahon simula nang ma-diagnose.
Alamin ang marami pa tungkol sa Sexual Wellness, dito.
Isinalin mula sa orihinal na Ingles na sinulat ni Maridol Ranoa-Bismark.
Disclaimer
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.
Mga komento
Ibahagi ang iyong mga iniisip
Maging una sa pagpapaalam sa Hello Doctor ng iyong iniisip!
Sumali sa amin o Mag-log in para makasali sa pag-uusap