backup og meta
Matuklasan
Mga Health Tool
Magtanong sa Doktor
I-save

Ano ang amoy ng Chlamydia? Alamin ang mga Sintomas ng STD na ito

Narebyung medikal ni Mary Rani Cadiz, MD · Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

    Ano ang amoy ng Chlamydia? Alamin ang mga Sintomas ng STD na ito

    Ano ang amoy ng chlamydia? O may amoy ba ito? Habang ang mabahong discharge mula sa ari ng babae ay isa sa mga bagay na dapat tignan, hindi lang ito ang posibleng sintomas ng chlamydia.

    Narito ang kailangan mong malaman.

    Ano ang mga Sintomas ng Chlamydia?

    Kung ang tao ay unang nagkaroon ng impeksyon na chlamydia, hindi nila kadalasan na napapansin ang sintomas. Ang dahilan sa likod ng mga ito ay kadalasan na nagsisimula ng isa hanggang tatlong linggo bago magsimula ang sintomas nito. Kahit na ang pagsusuri sa pisikal ay hindi nagpapakita ng sintomas nito kung isinagawa sa mas maaga pang stage ng impeksyon.

    Ito rin ang dahilan bakit ng pagkalat nang mabilis sa mga taong mayroon nito dahil hindi nila alam na sila na pala ay infected. Kaya’t maaari rin nilang mahawa ang ibang mga tao.

    Ang mga sintomas na ito ay kadalasang nakikita ilang mga linggo matapos ang unang impeksyon.

    amoy ng chlamydia

    Soreness at Pain

    Isa sa mga unang sintomas na nararanasan ng mga tao ay ang soreness at pain. Sa mga kalalakihan, ang sakit ay kadalasang nararamdaman sa paligid ng testicles, habang sa babae ay nararamdaman sa ibabang bahagi ng tiyan.

    Ang mga bahagi na ito ay maaaring makaramdam ng masyadong sensitibo kung hahawakan, kahit na mahinang dampian lang o hawakan ay maaaring maging masakit. Ito ay nangyayari dahil ang impeksyon ay nagtungo na sa reproductive tract, at nagiging dahilan ng pamamaga sa uterus o fallopian tubes para sa kababaihan, at epididymis naman sa kalalakihan.

    Mahapding Pakiramdam sa Pag-ihi

    Kung ang isang tao ay infected ng chlamydia, posible na makaramdam sila ng mahapding pakiradam habang umiihi. Ito ay sa kadahilanan na ang kanilang urethra ay namamaga.

    Dugo sa Ihi

    Sa parehong mga lalaki at babae, ang chlamydia ay maaaring maging sanhi ng dugo sa ihi. Ito ay sa dahilan na ang urethra ay infected ng chlamydia, at nagpapakita ng mga sintomas na katulad sa urinary tract infection o UTI, na kabilang ang dugo sa ihi. Ang sintomas ay maaari mayroong mahapding pakiramdam o sakit habang umiihi.

    Discharge na may Matapang na Amoy

    Karamihan ng mga tao ay iniuugnay ang matapang na amoy ng chlamydia discharge na isa sa mga sintomas nito.

    Ngunit ano nga ba ang amoy ng chlamydia? Sa ibang mga kaso, ito ay walang partikular na matapang na amoy.

    Ang discharge na dahil sa chlamydia ay kadalasan na madilaw o di kaya ay brownish ang kulay at maaaring magkaroon ng matapang o mabahong amoy sa ibang mga babae. Iba ito sa amoy ng bacterial vaginosis na mayroong malansang amoy.

    Ngunit sa kahit na anong banda, kung napansin ang matapang na amoy at ang abnormal na discharge, kinakailangan na magtungo sa iyong doktor.

    Pamamaga ng Testicles

    Sa mga lalaki, ang impeksyon ay madaling kumalat kung hindi gagamutin. Ito ay kalimitin na nagreresulta sa pamamaga ng testicles dahil ang epididymis o ang small tube sa likod ng testicles ay namamaga.

    Maaari itong magdulot ng sobrang sakit at kawalan ng ginhawa. Sa katagalan, inilabas ng pag-aaral na maaari itong maging salik na makaaapekto sa pagkabaog ng lalaki.

    Pagdurugo ng Ari ng Babae

    Isa sa mga posibleng senyales ng chlamydia ay ang pagdurugo ng ari ng babae na walang relasyon sa pagreregla. Ito ay nangyayari dahil ang impeksyon ay maaaring naapektuhan ang fallopian tube, ang uterus, at ang cervix na nagiging dahilan ng pagdurugo. Ang pagdurugo ay pareho sa spotting, at kalimitang nangyayari habang nakikipagtalik.

    Conjunctivitis

    Ang chlamydia ay maaaring maimpeksyon ang mucus membranes ng katawan, kabilang ang mga mata. Kung ang infected na semen o ang vaginal fluid ay napunta sa mga mata ng tao, ito ay maaaring magresulta sa conjunctivitis.

    Ang conjunctivitis ay ang pamamaga ng conjunctiva o membrane na nagproprotekta sa eyeball. Kung ito ay maimpeksyon ng chlamydia, ang mga pasyente ay maaaring makaramdam ng sakit, pamumula, mahapding pakiramdam ng mata, maging ang discharge mula sa mga mata.

    Mahalagang Tandaan

    Kung iyong pinaghihinalaan na mayroon kang chlamydia, o kung kamakailan lamang ay nakipagtalik ka nang walang proteksyon, mainam na magpa-test para sa STDs. Sa ganitong paraan, maaari kang makakuha ng agarang lunas sa kahit na anong STDs bago pa lumala ang sintomas. Laging isagawa ang pakikipagtalik sa ligtas na paraan at gumamit ng proteksyon.

    Alamin pa ang mas maraming impormasyon tungkol sa Chlamydia dito.

    Isinalin mula sa orihinal na Ingles na sinulat ni Jan Alwyn Batara.

    Disclaimer

    Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

    Narebyung medikal ni

    Mary Rani Cadiz, MD

    Obstetrics and Gynecology


    Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

    advertisement iconadvertisement

    Nakatulong ba ang artikulong ito?

    advertisement iconadvertisement
    advertisement iconadvertisement