Ang sex ay pleasurable o kaaya-aya para sa mga nakikipagtalik. Pero minsan ba’y naisip mo na kung sino ang mas nakakaramdam ng sexual pleasure — babae o lalaki?
Sex Sa Isipan
Naniniwala ang karamihan na ang mga kalalakihan ay mas madalas mag-isip tungkol sa sex kumpara sa kababaihan. Ayon sa isang survey, karamihan ng mga lalaking edad 60 pababa ay umamin na iniisip nila ang sex at least once sa isang araw.
Sa kabilang banda, 1/4 lamang ng mga babaeng naitala sa survey ang nag-share na iniisip nila ang sex at least once sa isang araw.
Pero importanteng tandaan na hindi porke’t mas madalas mag-isip tungkol sa sex ay mas may nafi-feel na sexual pleasure ang isang tao during the act of making love.
Dahil naiintindihan nating ang mga babae ay may kapasidad na maka-experience ng multiple orgasms, posible bang mas nakakadama sila ng sexual pleasure sa kabila ng mas mababang sex drive?
Sexual Pleasure Ng Babae o Lalaki: Ano Ang Sexual Response Cycle?
Para sagutin ang katanungang: sino ang mas nakadarama ng sexual pleasure – babae o lalaki? Importanteng intindihin natin ang sexual response cycle.
Ang sexual response cycle ay isang sequence ng pagbabago na na-eexperience ng isang tao kapag sila ay na-a-arouse ng isang sexually-stimulating na activity.
Ang mga pagbabago — o phases — ay pisikal at emosyonal. Maliban dito, ang sexual activity ay hindi naman lagi sexual intercourse. Maaari rin ito maging masturbation.
Puwede nating ihalintulad ang sexual response cycle sa mga tila “checkpoints” na pinagdadaanan ng isang taong sexually aroused. Subalit, importanteng tandaan na ang experience ng arousal ay paiba-iba depende sa tao.
Ayon sa mga eksperto, kahit na pangkaraniwan o tipikal ang sexual response cycle, hindi dapat tayo mag-focus masyado sa pag-achieve ng mga checkpoint sa parehong time at duration every time may sexual contact. Ang pinaka-best way upang ma-enjoy ang sexual activity ay hayaan ang natural process nito, in your own time.
Sexual Pleasure Ng Babae o Lalaki: Ang Phases Ng Sexual Response Cyle
Ang sexual response cycle ay maraming models, pero marahil, ang pinaka-kilala ay ang Masters and Johnson’s Model.
Ito ay may apat na phases: excitement, plateau, orgasm, and resolution.
Excitement
Ang tawag ng iba sa excitement phase ay ang “desire phase.” Kahit na may sexual partner ka o mag-isa lamang (masturbation), ang characteristics ng phase na ito ay hindi nagbabago.
Ang phase na ito ay may senyales at sintomas na:
- Paghigpit ng tensiyon sa muscles or myotonia
- Pag-taas ng blood pressure o heart rate
- Pag-bilis ng paghinga
- Pamumula ng balat sa likod o dibdib
- Pag-tigas ng nipples
- Pag-dami ng blood flow sa ari o genitals. Ito’y nagreresulta sa erection para sa mga lalaki at pamamaga ng puwerta at clitoris ng babae.
- Pag-laki o pamamaga ng mga suso
- Para sa mga babae, magkakaroon ng pamamasa o lubrication sa vagina at pagbuka ng outer lips o labia majora.
- Para sa mga lalaki, mamamaga ang testes at sumisikip ang scrotum.
So sino ang mas nakakadama ng sexual pleasure — babae o lalaki? Sa excitement phase, mahirap pang masabi. Pero kapag binase sa comparative graphs, tila halos pareho lamang ang level ng desire at sexual stimulation.
Importante ring tandaan na ang mga characteristics na na-discuss ay nangyayari sa iba’t ibang paraan, depende sa tao.
Halimbawa, ang erection ay maaaring mangyari matapos ang ilang segundo o kahit 10 minuto na ang nakalipas.
Plateau
Ang pangalawang phase ng sexual response cycle ay ang plateau o ang tinatawag na arousal. Sa madaling salita, ito ang phase bago mag-orgasm.
Sa phase ng arousal, ang babae at lalaki ay nakaka-experience ng same level ng arousal. Pero ayon sa ibang pag-aaral ang mga lalaki ay maaaring maka-achieve ng higher level sa phase na ito.
Ang mga characteristics ng phase na ito ay:
- Mas matinding characteristics o senyales na na-experience sa excitement phase.
- Para sa mga babae, highly-sensitive clitoris. Dahil dito, maaaring umatras o magtago ito sa clitoral hood upang makaiwas sa direct stimulation. Kapag nahaplos, maaari rin ito maging masakit.
- Ang vaginal walls ay maaring maging dark purple dahil sa blood flow.
- Ang testes ng lalaki ay maaaring mag-retract sa scrotum.
Tulad ng excitement phase, wala namang kasiguraduhan sa plateau stage. Sa katunayan, wala namang makakapagsabi kung kailan magta-transition ay isang tao mula sa desire papunta sa arousal. Ang pisikal at emosiyonal na characteristics ay patuloy lamang na nangyayari sa mas intense na level.
Naniniwala ang iba na kapag na-prolong ang plateau stage, magkakaroon ka ng mas intense na orgasm.
Orgasmo
Sa apat na phases, ay orgasm ay pinakamabilis. Kilala rin sa tawag na climax, karaniwa’y tumatagal ito ng iilang segundo lamang. Ang phase na ito ay na-cha-characterize ng:
- Sex flush na mukhang rashes sa buong katawan
- Pag-contract ng muscles, kasama ang paa, na involuntary
- Pagbilis ng pag-tibok ng puso o pag-hinga, at pag-taas ng blood pressure
- Mabilis at maigting na pag-release ng sexual tension
- Para sa mga babae, ang vaginal muscles ay umiimpis kasama na rin ang uterus.
- Ang mga lalaki ay maaaring maka-experience ng paulit-ulit na contractions sa ilalim ng penis, na nag-dudulot ng ejaculation.
Ngayong nalaman na natin ang lahat tungkol sa sexual response cycle, ano sa tingin niyo? Sino nga ba ang mas nakaka-experience ng sexual pleasure — babae o lalaki?
Ayon sa mga eksperto, “ang orgasm ay hindi nagbabago base sa kasarian.” Kahit na ang mga babae’y mas nakaka-experience ng mas matagal na orgasms, pareho lamang ang intensity nito para sa mga lalaki.
Kung susuriin natin ang tanong na: sino ang mas nakaka-experience ng sexual pleasure – babae o lalaki? sa konteksto ng multiple orgasms, siguradong mga babae ang kasagutan. Ayon sa mga eksperto, ang isang babae’y maaaring mag-orgasm muli sa loob ng iilang minuto lamang matapos ang unang climax.
Resolusyon
Ang resolusyon ay ang pang-apat na phase ng sexual response cycle. Ito na ang time na bumabalik na ang katawan sa normal, pre-aroused state. Madalas nararamdaman ang satisfaction o malalim na sense of well-being sa puntong ito. Maaari ring makaranas ng pagod o pagkahapo.
Sa patuloy na stimulation, maaari ring bumalik ang isang babae sa orgasmic stage sa loob lamang ng ilang minuto. Ito ang dahilan kung bakit may kapasidad sila na magkaroon ng multiple orgasms.
Ang mga lalaki nama’y kailangan ng mas maraming time upang maka-recover bago sila makapag-orgasm muli. Madalas itong “recovery time” na ito ay tinatawag na refractory period.
Ang refractory period ay paiba-iba depende sa lalaki. Ang iba’y kailangan laman ng iilang minuto upang maka-recover pero ang may mga lalaki na kailangan ng mahigit sa isang araw.
Ito ay, siyempre pa, depende sa iba’t ibang factors tulad ng kadalasan ng pagtatalik at edad ng lalaki.
Sexual Pleasure Ng Babae o Lalaki: Mga Dapat Tandaan
Ang sexual pleasure ay hindi lamang nakasalalay sa orgasmo. Maraming iba’t ibang bagay ang maaaring may ambag sa pangkabuuan na pleasurable experience ng sex.
Payo ng mga eksperto ay mag-relax at sikaping enjoyin ang buong experience. Ineemphasize rin nila na kung ika’y walang inaalala, mas madali mong maabot ang climax o tugatog ng sexual pleasure.
Matuto pa tungkol sa Sekswal na Kaayusan dito.