backup og meta
Matuklasan
Mga Health Tool
Magtanong sa Doktor
I-save

Ano Ang Clitoris, At Paano Ito I-stimulate Sa Sex? Alamin Dito!

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD · Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

    Ano Ang Clitoris, At Paano Ito I-stimulate Sa Sex? Alamin Dito!

    Mahalagang malaman kung ano ang clitoris, lalo na kung mayroon kang active sex life. Ang clitoris ay isa sa erogenous zones ng mga babae. At sa usaping ito, mahalaga ang kaalaman sa erogenous zones. Sapagkat ito ang mga bahagi ng katawan na sobrang sensitibo at pwedeng magbigay ng pleasures. Pwede kang magkaroon ng mas enjoyable moments sa sex, kung alam ng bawat mag-partner ang clitoris sex stimulation.

    Ngunit ano nga ba ang clitoris— at paano mo gagawin ang pagpapasigla o stimulation sa mga bahagi ng katawan?

    Ano ang Clitoris Sex Stimulation: Bakit Mahalaga Ito?

    Ang clitoris ay isang organ na matatagpuan sa loob ng labia. Malapit ito sa bukana (openings) ng urethra at ari. Tinatakpan din ito ng ilang balat na kilala bilang clitoral hood. Naglalaman ang organ na ito ng high concentration ng nerve endings. Ibig sabihin, lubha itong sensitibo— na siya ring dahilan kung bakit ang clitoris sex stimulation ay pleasurable.

    Sa mahabang panahon, naniniwala ang mga scientist na ang pangunahing layunin ng clitoris ay para sa kasiyahan (pleasure). Gayunpaman, natuklasan ng recent studies na pwedeng may iba pang layunin ang clitoris.

    Naniniwala ang ilang mga researcher na ang clitoris ay pwedeng makatulong sa sexual reproduction. Dahil ang pag-stimulate sa clitoris ay nakakatulong sa pag-activate ng ilang bahagi ng utak na responsable para sa pagpaparami. Sinasabi, na ang mga bahaging ito ng utak ay ginagawa na mas conducive ang vagina. Upang mas makatulong sa paglikha ng right environment para sa sperm— at masigurado ang tagumpay na conception.

    Subalit ang mga ito ay nananatiling teorya. Marami pang karagdagang pag-aaral ang kailangan gawin, kaugnay ng iba pang functions ng clitoris. Gayunpaman, walang duda na ang clitoris sex stimulation ay pwedeng makatulong na gawing mas pleasurable ang sex. Maaaring makinabang nang malaki ang mag-asawa, sa pag-alam ng clitoris sex stimulation

    Ano ang clitoris sex stimulation: Paano Ito Gawin?

    Ang pag-stimulate ng clitoris ay humahantong sa mas kasiya-siyang pakikipag-sex. Mahalagang isama ito sa foreplay at intercourse. Sa katunayan, ang ilang mga kababaihan ay pwedeng hindi lang makaranas ng vaginal orgasm, kundi pati na rin ang clitoral orgasm. Kadalasang nangyayari ito kapag ang clitoris ay ini-stimulate hanggang sa punto ng kasukdulan (climax).

    Ngunit paano mo gagawin ang clitoris sex stimulation kapag nakikipag-sex ka sa’yong kapareha? Narito ang ilang paraan na pwedeng gawin:

    Sa panahon ng foreplay

    Ang foreplay ay isang mahalagang aspeto ng sex na hindi binibigyang-pansin ng ilang tao. Kung ang sex ang main course, foreplay naman ang appetizer.

    Ang pagsali sa foreplay ay maaaring magpataas ng sensasyon sa panahon ng sex. Kaya laging magandang ideya na gumawa ng ilang foreplay bago ka makipag-sex. Ilan sa mga paraan upang mapasigla ang clitoris, sa panahon ng foreplay— ay hawakan o kuskusin ito ng marahan.

    Isa pang opsyon na pwedeng gawin ay ang paggamit ng sex toys. Tulad ng vibrator, para pasiglahin ang clitoris. Siyempre, mahalaga para sa’yo at sa iyong kapareha na maging komportable sa paggamit ng mga laruan, bago subukan ito.

    Maaari ka ring gumawa ng oral sex upang direktang pasiglahin ang clitoris bago ang penetrative sex. Ang ilang mga kababaihan ay mas madaling mag-orgasm kung ang kanilang citoris ay ini-stimulate bago makipag-sex. Kaya pwede itong maging isang paraan upang mapabilis ang mga bagay!

    Ano ang clitoris sex stimulation: Paggamit ng iba’t ibang posisyon sa sex

    Bukod sa foreplay, may ilang mga posisyon sa sex na maaari mong gawin para sa clitoris sex stimulation. Halimbawa, ang missionary position. Ito ay isang mahusay na paraan upang pasiglahin ang vagina at clitoris.

    Maaari mo ring hawakan o kuskusin ang clitoris habang nagkakaroon ng penetrative sex. Kung mayroon kang sex toys, pwede rin itong gamitin sa panahon ng sex, upang pasiglahin ang clitoris. Kung kaya mong pasiglahin ang vagina at clitoris sa parehong oras. Makakatulong ito na palakasin ang sensasyon.

    Sa ilang mga kaso, ito ay pwedeng maging sanhi ng isang mas kasiya-siya orgasm. Nakakatulong din ito na mas madaling maabot ng babae ang climax. Dahil sa dagdag na stimulation.

    Matuto pa tungkol sa Sexual Wellness dito.

    Disclaimer

    Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

    Narebyung medikal ni

    Mia Dacumos, MD

    Nephrology · Makati Medical Center


    Isinulat ni Lornalyn Austria · a

    advertisement iconadvertisement

    Nakatulong ba ang artikulong ito?

    advertisement iconadvertisement
    advertisement iconadvertisement