backup og meta

Bungang Araw Sa Baby: Anong Sabon Ang Dapat Gamitin?

Bungang Araw Sa Baby: Anong Sabon Ang Dapat Gamitin?

Kapag mayroong bungang araw o prickly heat rash ang iyong anak, ang una mo sigurong iisipin ay kung anong sabon ang mainam sa bungang araw ni baby. Subalit iyon nga ba ang kinakailangan na solusyon ng bungang araw? Alamin dito. 

Ano Ang Sanhi Ng Bungang Araw Sa Baby?

Nagkakaroon ng prickly heat o bungang araw dahil sa trapped na pawis sa balat. Madalas nagkakaroon ng bungang araw ang mga sanggol dahil maliit ang kanilang sweat glands, kaya’t hindi ito mabilis na nakakalabas. 

Ang bungang araw sa baby ay mukhang maliit na pink na bumps, at kadalasang lumalabas sa dibdib, likod, at leeg. Makati ang pagkakaroon nito at kadalasan itong lumalabas kapag mainit ang panahon. 

Paano Gamutin Ang Bungang Araw?

Bago bumili ng sabon para sa bungang araw sa baby, dapat mong malaman na ang home remedies ay kadalasang sapat na upang masolusyonan ang problemang ito. 

Heto ang ilang mga tips na maaaring makatulong:

  • Huwag hayaang mainitan si baby
  • Siguraduhin na tuyo at presko palagi ang balat ni baby
  • Nakakatulong rin ang paglagay ng cold compress
  • Paliguan sila palagi
  • Siguraduhing presko ang kanilang damit, at hindi sobrang sikip ng diapers
  • Nakakatulong rin ang paglagay ng hydrocortisone sa kanilang balat
  • Umiwas muna sa mga skin lotion o kaya ointment dahil baka makasama ito

Ano Ang Tamang Sabon Para Sa Bungang Araw Sa Baby?

Kung tingin mo ay makakatulong ang sabon para sa bungang araw ni baby, heto ang ilang dapat tandaan:

1. Pumili ng sabon na para sa sanggol

Tandaan, sensitibo ang balat ng iyong sanggol, at ang mga kemikal na mayroon sa sabon na pang adult ay posibleng maka-irritate sa kanilang balat. 

Kaya’t mas mainam kung pumili ng mga sabon pati na rin mga skin products para kay baby na sadyang ginawa para sa balat nila. Huwag nang sumubok sa ibang sabon kung hindi naman ito ginawa para sa mga sanggol.

2. Subukan ang liquid na sabon

Pagdating sa sabon para sa bungang araw sa baby, bakit hindi sumubok ng liquid na cleanser? 

Bagama’t hindi naman malaki ang pinagkaiba ng mga ito sa bar soap, ang mga liquid cleanser ay hindi kinakailangan na ikiskis sa balat. Ibig sabihin, posibleng mas kaunti ang irritation na manggagaling sa paggamit ng mga ito. 

Bukod dito, gentle pa sa balat ang liquid cleanser, at puwede pang haluan ng tubig upang mas maging mild pa ito.

3. Tingnang mabuti ang ingredients nito

Heto ang mga ingredients na dapat mong iwasan sa sabon ni baby:

  • Phthalates – ginagamit ito sa paggawa ng plastic, at maaaring magdulot ng cancer. 
  • Parabens – nakakasama ito sa hormones at maaaring magdulot ng cancer. 
  • Sodium lauryl sulfate – nakaka-irritate ito ng mata at ng balat, at posible ring maging sanhi ng cancer. 
  • Fragrance – madalas ay gumagamit ng harsh na chemicals para sa fragrance at maaring magdulot ng allergy

4. Posibleng makatulong ang hypoallergenic na sabon

Hindi naman kailangan ng lahat ng sanggol ang hypoallergenic na sabon. Ngunit kung mayroon silang allergies o eczema, maaaring makatulong ang mga hypoallergenic soaps o cleansers. 

Pero mahalagang tandaan na hindi porke’t hypoallergenic ay wala na itong masasamang ingredients. Mainam pa rin na tingnan mabuti ang ingredients para siguradong sigurado ka sa sabon ng iyong sanggol.

Kailan Dapat Pumunta Sa Doktor?

Ilang araw lang ay nawawala na agad ang bungang araw. Pero mainam na dalhin mo siya sa doktor kung:

  • Mahigit isang linggo na ang rashes nya
  • Kung siya ay lagnatin o magkaroon ng sore throat

Key Takeaways

Pagdating sa bungang araw sa baby, hindi naman madalas na kailangan ang kakaibang uri ng sabon. Ngunit kung sa tingin mo ay makakatulong ito, siguraduhing bumili ng sabon na gentle kay baby at walang mga laman na kahit anong kemikal na makakasama sa balat. Maaari ring sumubok ng mga liquid soap dahil mas gentle ito sa balat kumpara sa bar soap.

Alamin ang tungkol sa Baby Care dito

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

1 When Your Child Has Heat Rash (Prickly Heat), https://www.saintlukeskc.org/health-library/when-your-child-has-heat-rash-prickly-heat, Accessed September 7, 2021

2 Heat Rash, https://www.seattlechildrens.org/conditions/a-z/heat-rash/, Accessed September 7, 2021

3 Baby Rashes 101, https://www.nationwidechildrens.org/family-resources-education/family-resources-library/baby-rashes-101, Accessed September 7, 2021

4 Green Parent Guide: Chemicals to Avoid, https://www.womensvoices.org/avoid-toxic-chemicals/pregnancy/non-toxic-baby-tips/toxic-chemicals-in-baby-products/, Accessed September 7, 2021

“Hypoallergenic” Cosmetics, https://www.fda.gov/cosmetics/cosmetics-labeling-claims/hypoallergenic-cosmetics, Accessed September 7, 2021

Kasalukuyang Version

03/12/2023

Isinulat ni Lorraine Bunag, R.N.

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Kaugnay na Post

Gamot sa Bungang Araw: Home Remedies na Maaaring Subukan


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Lorraine Bunag, R.N. · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement