home

How could we improve it?

close
chevron
This article contains false or inaccurate information.
chevron

Please tell us what was incorrect.

wanring-icon
Please note that you do not need to fill this detail if it's inconvenient for you. Click Send My Opinion below to continue reading our site.
chevron
This article doesn't provide enough info.
chevron

Please tell us what was missing.

wanring-icon
Please note that you do not need to fill this detail if it's inconvenient for you. Click Send My Opinion below to continue reading our site.
chevron
Hmm... I have a question.
chevron

We’re unable to offer personal health advice, diagnosis, or treatment, but we welcome your feedback! Just type it in the box below.

wanring-icon
If you're facing a medical emergency, call your local emergency services immediately, or visit the nearest emergency room or urgent care center.

Share


Or copy link

New

Gamot sa Bungang Araw: Home Remedies na Maaaring Subukan

Gamot sa Bungang Araw: Home Remedies na Maaaring Subukan

Ang prickly heat rash o bungang araw ay isang pangkaraniwang skin condition sa mga batang Pilipino. Nangyayari ito kapag ang sweat ducts ay nababara at nagdudulot ng bukol-bukol at pangangati. Huwag mag-alala apag ang iyong anak ay nagkaroon ng prickly heat rash. Narito ang mga maaaring gamot sa bungang araw.

bungang araw

Gamot sa Bungang Araw

Karamihan sa kaso ng bungang araw ay maaaring malunasan sa bahay. Kung sakali’y nagkaroon ng bungang araw ang anak mo, tandaan ang mga sumusunod:

Paliguan Sila ng Malamig na Tubig

Isa sa mga epektibong gamot sa bungang araw ay isang pagligo gamit ang malamig na tubig. Tandaan lang na dapat hindi sobrang lamig at tama lang ang temperatura ng tubig. Ito’y dahil ang bungang araw ay nangyayari kapag masyadong naiinitan ang mga bata. Siguraduhing feeling fresh sila upang ibsan ang rashes nila.

Kapag pinapaliguan ang iyong anak, pinakamainam na iwasan ang mga masyadong matapang na soaps o cleansers. Maliban dito, siguraduhing tuyuin sila nang lubusan pagkatapos maligo. Tandaan: ang mamasa-masang balat ay maaari ring maging irritated.

Importante ring tandaan na kahit na gaano nakakalma ang bata ng pagpapaligo, huwag masyadong madalas ang pagligo. Ito’y dahil maaari nitong tanggalin ang natural na skin moisture at gawin silang mas prone sa irritation. Kapag tag-init, ang pagligo na dalawang beses sa isang araw ay sapat na.

Iwasan ang Pagpapawis

Isa sa mga best remedies para sa prickly heat rash ay ang pag-iwas sa pagpapawis. Pero ang ma-achieve ito ay challening dahil ang mga bata’y madalas na gustong maglaro.

Dahil dito, mag-isip ng mga iba pang indoor activities kung saa’y hindi sila papawisan. Mga halimbawa nito’y pagbigay sa kanila ng librong maaaring basahin at art materials na maaari nilang gamitin sa drawing o painting. Puwede rin silang hayaang manood ng nakakaaliw at educational na TV shows; mag-ingat lamang na huwag lumagpas sa recommended screen time for kids.

Maaari mo ring gawin ang mga ito upang maiwasan ang pagpapawis:

  • Hayaan silang manatili sa well-ventilated o air-conditioned na kuwarto. Iwasan ang sun exposure.
  • Alisin ang excess na damit. Ang best choice ay damit na gawa sa cotton dahil light at breathable ang ito.
  • Panatilihing presko ang kanilang sleeping area; alisin ang makakapal na kumot at kuchon.

Gumamit ng Cool at Damp na Tela

Kapag naging iritable ang iyong anak dahil sa masyadong makati na rash, maaaring dampian lamang ng cool, damp cloth ang kanilang balat. Matapos nito, pahanginan lamang ang area. Hindi na kailangang gumamit ng iba pang tuwalya upang i-dry ang balat.

Iwasang Maglagay ng mga Skincare Products

Kahit na nakaka-tempt na ityuloy ang skincare routine ng iyong anak, hindi nirerekomenda ng mga eksperto ang lotions at creams sa mga batang may bungang araw. Ang mga produkto na ito ay maaaring magbara sa sweat ducts at magdulot ng irritation.

Pero maaari rin namang gamitin pa rin ito kung i-recommend ng doktor ang particular na produkto bilang gamot sa bungang araw. Ang mga halimbawa nito ay calamine lotion at low-strength hydrocortisone cream.

Senyales na may Bungang Araw ang Iyong Anak

Madalas madali lamang ma-recognize ang bungang araw. Hindi lamang madaling ma-identify ang sintomas nito, pero marami rin sa atin ang familiar na sa kanila.

Kung may bungang araw ang iyong anak, maaaring mag-complain sila dahil sa pangangati. At kapag tinignan mo ng malapitan, maaaring mapansin mo na ang affected area ay may maliliit na bukol na mukhang pimples.

Para sa iba, ang mga bukol na ito’y maaaring magsugat kung kaya’t madalas silang ma-irritate.

Kahit na kumakalat ang bungang araw sa katawan, ang bungang araw ay hindi nakakahawa. Ang rashes ay madalas lumalabas sa likod, dibdib, leeg, at balikat.

Kailan Dapat Kumunsulta sa Doktor?

Ayon sa mga eksperto, ang bungang araw ay nawawala rin matapos ang ilang araw. Kugn ang bungang araw ng iyong anak ay nagpatuloy ng 7 na araw matapos ang treatment, dalhin na siya sa doktor.

Kumunsulta na rin sa doktor kung:

  • Nagkaroon ng fever o chills
  • Nagkaroon ng discharge mula sa sugat, tulad ng nana
  • May magang lymph nodes na ang bata sa leeg, kili-kili, at singit
  • May ibang sintomas tulad ng sore throat o body aches

Mga Dapat Tandaan

Ang bungang araw ay pangkaraniwang skin condition ng mga bata sa Pilipinas, lalo na tuwing tag-init. Ang mga gamot sa bungang araw o home remedies ay naka-focus sa pagpapanatiling cool ng balat at pag-iwas sa pagpapawis. Sa abot ng iyong makakaya huwag mag-apply ng mga produkto na maaaring mag-irritate pa sa kanilang balat.

Alamin ang latest news and updates sa Child Skincare dito.

Hello Health Group does not provide medical advice, diagnosis or treatment.

Sources

Heat rash
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/heat-rash/diagnosis-treatment/drc-20373282
Accessed January 7, 2021

When Your Child Has Heat Rash (Prickly Heat)
https://www.saintlukeskc.org/health-library/when-your-child-has-heat-rash-prickly-heat
Accessed January 7, 2021

How To Cool Down Your Child’s Heat Rash
https://health.clevelandclinic.org/child-heat-rash-cool-heres/
Accessed January 7, 2021

Heat rash
https://raisingchildren.net.au/guides/a-z-health-reference/heat-rash
Accessed January 7, 2021

Heat Rash
https://www.mottchildren.org/health-library/sig245997spec
Accessed January 7, 2021

Picture of the authorbadge
Written by Lorraine Bunag, R.N. Updated 3 weeks ago
Fact Checked by Hello Doctor Medical Panel
x