Kilala ang itlog bilang isa sa mga pinakamasustansyang pagkain madalas inihahanda ng mga magulang tuwing almusal. Subalit ang tanong, masama ba kumain ng itlog araw-araw? Ilan itlog ang maaari nilang kainin sa pangaraw-araw? Alamin natin sa artikulong ito.
Ano ang Nilalaman na Sustansya ng Itlog?
Alam mo ba na ang itlog na karaniwang hinahain sa hapag-kainan tuwing almusal ng mga Pilipino, ay mayaman sa mga sumusunod na bitamin at sustansya?
- Vitamin A
- Iron
- Vitamin B2, B3, at B12
- Folic Acid
- Vitamin D (ang itlog ay isa sa ilang mga pagkaing may natural na taglay ng bitaminang ito!)
- Vitamin E
- Choline (isang mahalagang sustansya na naktutulong sa brain development)
- Protein
- Essential fatty acids
- Magnesium
- Potassium
- Iodine
Higit pa rito, ang isang malaking itlog na may timbang na humigit-kumulang 60 grams ay mayroon kalakip na humugit-kumulang 71 calories. Ito ay nangangahulugang isa rin ito sa pagkaing maaaring pagkunan ng enerhiya.
Itlog At Kolesterol: Ano Ang Katotohanan?
Sa kabila ng mga nabanggit na nutrisyon at benepisyo, may ilang mga magulang na kumbinsidong patuloy na tanungin kung masama ba kumain ng itlog araw-araw. Ang pagaalinlangan na ito ay dulot ng katotohanang mataas sa kolesterol ang mga itlog.
Ngunit, narito ang mga impormasyon hatid ng mga eksperto tungkol upang matugunan ang mga tanong at agam-agam kung masama ba kumain ng itlog araw-araw:
- Ang mga itlog ay tunay ngang may kolesterol, ngunit hindi ito makaaapekto sa pagtaas ng kolesterol sa dugo. Ang mas nakaiimpluwensya sa biglaang pagtaas ng kolesterol ay ang dami ng saturated fats na mayroon ang iba pang mga pagkaing kinakain kasabay ng itlog.
- May mga pag-aaral na nag-uugnay sa pagkonsummo ng itlog at ang panganib sa sakit sa puso. Subalit, maaaring may iba pang mga dahilan sa likod ng koneksyon ng dalawa tulad ng mga pagkaing madalas isinasabay sa itlog (bacon, sausages, at iba pang mga processed meats). Dagdag pa rito ay ang paraan kung paano niluluto ang itlog.
- Sa pangkalahataan, ang mga taong kumakain ng itlog pitong beses sa isang linggo ay hindi dapat mangambang sa panganib ng sakit sa puso.
- Inirerekomenda ng mga doktor na limithan ang pagkunso ng kolesterol ng mas kaunti pa sa 300 mg araw-araw. Ang isang malaking itlog ay naglalaman ng humigit-kumulang 185 mg ng kolesterol – na kung saan ang lahat ng ito ay matatagpuan sa pula ng itlog.
Kung Gayon, Masama Ba Kumain Ng Itlog Araw-Araw Ang Mga Bata?
Ang mga detalyeng naibahagi ay nakatulong upang maunawaan natin ang koneksyon ng kolesterol sa mga itlog. Higit pa rito, nailahad din ang mga epekto nito sa mga taong nasa hustong gulang na. Subalit, paano ang mga bata? Lalo na ang mga toddler?
Hanggang ngayon, wala pa ring sapat na pagsasaliksik na lubos na makapagpapatunay kung masama ba kumain ng itlog araw-araw ang mga maliliit na bata. Gayunpaman, may ilang mga pag-aaral na nagpapahiwatig na ang mga bata ay maaaring kumonsumo ng hindi bababa sa isang itlog araw-araw.
Halimbawa, ang isang partikular na pagsisiyasat ay nagsiwalat na ang mga batang may edad na 6 hanggang 9 na buwan na kumakain ng isang itlog araw-araw sa loob ng 6 na buwan ay nabawasan ang kanilang panganib na mabansot ng hanggang 47%, kumpara sa mga hindi kumakain ng itlog. Bukod dito, ang panganib ng pagiging kulang sa timbang sa grupong kumakain ng itlog ay nabawasan din ng 74%.
Samakatuwid, kung ang mga batang may edad na 6 hanggang 9 na buwan ay makakakain ng kahit isang itlog araw-araw, posible na rin ang mga bata. Ngunit, importanteng maunawaan din na hindi pa rin nakapagtakda ang mga eksperto ng limitasyon dahil kailangan ng higit pang pag-aaral tungkol dito.
Kahit Na Posible Ito, Hindi Pa Rin Inirerekomenda Ang Pagkain Ng Itlog Araw-Araw Sa Mga Bata
Ang mga itlog ay karaniwang mabuti para sa mga bata. Ngunit, sa kabila nito, hindi pa rin ipinapayo ng mga eksperto ang pangaraw-araw na pagkonsumo nito.
Ipinaliwanag nila na kahit ligtas ang pagkain ng itlog araw-araw, ang mga magulang ay dapat magtuon ng pansin sa pagkakaroon ng pagkakaiba-iba sa mga inihahandang pagkain. Ito ay nangangahulugan na kahit masustansyang pagkaing may taglay na mataas na protina ang itlog, nararapat pa ring mayroong iba pang mga pagkaing mapagkukunan ng protina sa kanilang diyeta.
Ilan sa maaaring mapagkukunan pa ng protina ay ang mga sumusunod:
- Isda
- Karne ng baka
- Manok
- Baboy
- Mani
Ang pagsaalalang-alang ng pagkain ng iba’t ibang pagkain ay nakatutulong upang matanggap ng iyong anak ang karampatang sustansya na hatid ng iba pang mga pagkain maaari niyang kainin. Bukod dito, ang pagbibigay sa iyong sanggol ng iba’t ibang pagkain ay nakakatulong sa kanila na tuklasin ang iba’t ibang texture at lasa ng pagkain.
Iba’t-Ibang Masustansyang Paraan Sa Pagluto Ng Itlog
Isa pang dapat mong tandaan ay kung gaano kahalaga ang pagluluto ng itlog. Makatutulong ang ilang tips na mababanggit upang masigurong masustansya ang paghahanda mo ng itlog sa inyong hapag-kainan:
- Pakuluan o i-poach ang mga itlog, at hangga’t maaari, huwag magdagdag ng asin.
- Gumamit ng masustansyang uri ng mantikilya at low-fat na gatas sa halip na cream sa paggawa ng scrambled egg.
- Magdagdag ng mga itlog sa iba’t ibang mga recipe kabilang ang mga pasta at mga salad.
- Tandaan na ang pagprito ng mga itlog ay maaaring makapagpataas ng fat content na hanggang sa 50%.
- Mag-ingat sa hilaw o hindi pa lutong-luto mga itlog; maaaring naglalaman sila ng salmonella.
Key Takeways
Masama ba kumain ng itlog araw-araw ang mga bata? Naniniwala ang mga eksperto na hindi naman. Subalit, walang mga rekomendasyon na nagsasabi kung ilang itlog ang maaaring kainin ng mga maliliit na bata.
Sa pangkalahatan, binibigyang-diin ng mga eksperto ang malusog at balanseng paghahanda ng iba’t-ibang mga pagkain para sa inyong mga anak.
Alamin ang iba pa tungkol sa Nutrisyon ng Toddler dito.