Ang vitamins ay organic compounds na kailangan ng katawan upang lumaki ng maayos. Ang vitamins A, C, D, E, K, at ang B complex ay pawang vitamins para sa brain development. Sa loob ng B complex ay may walong sangkap: vitamin B1 (thiamin), B2 (riboflavin), B3 (niacin), B5 (pantothenic acid), B7 (biotin), B6 (pyroxidine), B9 (folate) at B12 (cobalamin). Karaniwang nakukuha ito ng mga tao mula sa pagkain, ngunit ang katawan ay maaaring gumawa ng ilan sa mga ito, tulad ng vitamin D at K. Ang iba na hindi nakakakuha ng sapat na sustansya mula sa pagkain ay pinupunan sa pamamagitan ng pag-inom ng supplements. Bagamat ipinapakita na ang pag-inom ng supplemants ng masyadong mataas na dose ay pwedeng makasama sa iyo.
Kabilang sa vitamins para sa brain development ang bitamina C, D at ang B-complex. Ang kanilang mga function ay sumasaklaw sa synthesis ng neurotransmitters, na mga kemikal na mensahero ng utak, neuroprotection at pag-iwas o pagbagal ng cognitive impairment, dementia at iba pang neurological diseases. Nakukuha natin ang ating mga bitamina mula sa pagkain habang ang iba ay nagagawa ng katawan. Mahalagang mapanatili ang kalusugan ng utak lalo na sa pagtaas ng mga neurological disorder at sakit, tulad ng Alzheimer’s, at Parkinson’s. Kasama sa iba pang mga karamdaman ang memory loss, pagbaba ng cognitive, pagkawala ng neuronal plasticity. Ang plasticity ay tumutukoy sa kakayahan ng utak na magbago sa istraktura o paggana. Tinutulungan nito ang iyong utak na bumuo ng mga alaala, matuto ng mga kasanayan at mag-imbak ng impormasyon.